(LORIE ANNE’S POV)
“Tao po! Henry, nandiyan ka ba?”
Napalingon ako sa gate namin na di masyadong kalayuan sa bahay namin nang marinig kong tila may naghahanap kay Daddy.
Kami na lang ng Daddy ko ang magkasama sa buhay dahil sumama na sa ibang lalaki ang Mommy ko noong bata pa lang ako. Mula noon ay ginugol na lang ni Daddy ang halos lahat ng oras niya sa pagtatrabaho para kahit papaano ay makalimutan niya ang pangangaliwa ng Mommy ko. Hindi na rin siya nakipagrelasyon pa sa ibang babae. Kung may naging babae man siya ay malamang na hindi niya sineryoso. Siguro ay nadala na siya sa panloloko at pag-iwan sa amin ng Mommy ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at tinungo ko ang nakasarado naming gate.
“Magandang hapon! Nandiyan ba si Henry?” tanong agad ng isang lalaki sa akin nang makita niyang papalapit ako sa gate.
Napakunot-noo ako dahil parang pamilyar siya sa akin.
“Wala pa po si Daddy… Teka, Ninong Max? Ninong Max ikaw po ba ‘yan?” namimilog ang mga matang tanong ko sa kanya nang makilala ko na siya sa malapitan. Ang alam ko ay naninirahan na siya sa ibang bansa. Umuwi pala siya?
“Lorie? Lorie, is that you? Ang laki mo na ah. Parang kailan lang, bata ka pa. Ngayon, dalaga ka na. Ang ganda pa. Pasensiya na at hindi agad kita nakilala.”
“Ikaw talaga, Ninong… okey lang po iyon. Sandali, hali ka po pasok ka sa loob…”
Binuksan ko na ang gate para makapasok si Ninong Max. Kaagad din naman siyang naglakad papasok. Siya na rin ang nagsarado ng gate at nagpatiuna naman akong maglakad papasok sa bahay.
“Maupo ka po, Ninong.” Alok ko sa kanya sabay muwestra sa sofa. Hindi kalakihan ang bahay namin pero hindi rin naman maliit.
Naupo naman agad si Ninong sa sofa.
“Gusto niyo po ba ng maiinom, Ninong? Juice?” alok ko sa kanya.
“Sige ba. Basta ba masarap ha.”
“Ikaw talaga Ninong, bolero ka pa rin hanggang ngayon."
Natawa lang siya at ako naman ay naglakad na papunta sa kusina.
Napapangiti na lang ako.
Si Ninong Max ay matalik na kaibigan ng Daddy ko. 42 years old na si Daddy at palagay ko ay hindi nalalayo ang edad ni Ninong Max. Pero kung titingnan siya ay para lang siyang nasa 30’s. Ang kinis pa ng balat niya lalo na ang mukha niya, mamula-mula pa. Tapos, parang lalong lumaki ang katawan ni Ninong Max. Parang ang lalaki na ng muscles sa mga braso niya.
Huli ko siyang nakita ay noong 15th birthday ko. Ngayon ay 19 years old na ako. At noon pa man ay magiliw na sa akin si Ninong Max kaya’t malapit talaga sa kanya ang loob ko.
Ang totoo ay crush ko noon si Ninong Max kahit Ninong ko siya. Bata pa naman kasi ako noon. Bukod kasi sa gwapo siya ay napakabait pa. Tapos, single pa siya noon pero ewan ko na lang ngayon kasi apat na taon na ang lumipas. Bonus na lang na mayaman siya. Kaya napakasuwerte talaga ng babaing mamahalin niya, o minamahal niya kung sakaling mayroon na.
“Ninong… Apple juice po, fresh from the bottle!” nakangiti kong sabi habang inilalapag sa lamesita ang tray na naglalaman ng juice at sandwich.
“Akala ko pa naman fresh from the tree.”
Nakangiti niyang turan habang inaalalayan akong mailapag ng maayos ang inumin at sandwich. Agad din niyang kinuha ang isang baso ng juice at uminom.
“Parang wala naman po yatang nabubuhay na apple tree dito sa Pilipinas.” Sagot ko naman habang nakangiti.
Umupo na ako ulit sa mahabang sofa na kinauupuan ko kanina. Siya naman ay sa pang-isahang sofa lang nakaupo.
Ibinaling ko rin saglit ang tingin ko sa TV na kasalukuyan pa ring umaandar at may palabas na entertainment show.
“Meron na. Sa Baguio.” Sabi naman ni Ninong. Napanguso na lang ako kasi hindi ko alam ‘yon.
“Bakit mo nga po pala hinahanap si Daddy?” Naalala kong itanong.
“Ah, mangungumusta lang sana. Tsaka ito pala, pasalubong ko sa inyo. Kakauwi ko lang galing California kahapon.”
Iniabot sa akin ni Ninong Max ang dalawang paper bags na hindi ko napansing dala-dala pala niya kanina. Kinuha ko naman iyon at namilog ang mga mata ko nang mapansing green at red ang kulay ng mga paperbags. Sa loob-loob ko ay baka akin ang isa!
“Sa’yo ang red paper bag, kay Henry naman ang green.” Kumpirma ni Ninong Max sa naisip ko.
“Thank you po, Ninong!”
Sinilip ko agad ang laman ng red paper bag at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may imported chocolates! Alam na alam talaga ni Ninong ang gusto kong pasalubong!
“Salamat po, Ninong!” Wika ko at ngumiti ako ng matamis sa kaya.
“You’re welcome! Alam mo namang favorite kita. Hindi lang talaga kita nakilala agad kanina. Parang bigla ka kasing tumangkad tsaka ang katawan mo, pang-dalaga na.” Nangingiti at kakamot-kamot sa ulo niyang wika. Napangiti tuloy ako lalo sa kanya. Ang cute niya!
“May mga binili pa naman akong damit para sa’yo… Kaya lang… Baka di na kasya. Nandon sa kotse.” Dagdag pa ni Ninong.
“Ikaw talaga, Ninong. Nag-abala ka pa. Kahit itong chocolates lang ang pasalubong mo sa’kin ay okay na okay na. Tsaka baka mag-isip pa ng kung ano ang girlfriend o asawa mo kapag nalaman nila. Teka, may asawa ka na nga ba, Ninong?” tanong ko sa kanya.
Bigla na lang siyang tumawa ng malakas.
“Wala pa nga, eh. Kahit girlfriend, wala.”
Napakagat-labi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng tuwa.
“Parang imposible naman po Ninong na wala ka kahit girlfriend lang… Sa gwapo mong yan.” Turan ko na lalo niyang ikinatawa.
“I don’t know… Hindi ko pa lang siguro nahahanap ang babaing magpapatibok sa puso ko.”
Napanguso ako sa sinabi niya.
“Malay mo, Ninong, dito mo na siya mahanap. Baka nasa tabi-tabi lang siya.” Saad ko pa.
“I hope so...” Sagot niya rin sa akin habang nakangiti.
Inabot ko ang isa pang baso ng juice at uminom na lang ako dahil hindi ko mapigilang mapangiti.
♡♡♡♡♡
AUTHOR'S NOTE:
HELLO MY DEAR READERS! PLS ADD THIS STORY TO YOUR LIBRARY NA!❤️
ILANG MONTHS KO NANG HINDI NAITUTULOY ANG STORY NA ITO, PERO NGAYON AY ITUTULOY KO NA TALAGA HEHEHE.
LIGHTHEARTED LANG PO ITO DAHIL GUSTO KO RING MAGTRY MAGSULAT NG SSPG PERO LIGHTHEARTED LANG AT WALANG MASYADONG DRAMA. MAY DRAMA PA RIN PERO KONTE LANG COMPARED SA MGA SSPG NA NAISULAT KO NA LIKE KINA SIR LUKE & SHARINA, GHIANNA & ALEXIS, TITO ZEKE & STEPH, DOM & MAE AT IBA PA.
SANA PO AY SUPORTAHAN NIYO RIN ANG STORY NA ITO. SALAMUCH PO!!!❤️❤️❤️