CHAPTER 45 - Reassuring Her

2224 Words

(MAX'S POV) Napabuntong-hininga na lang ako habang tinatanaw ko si Lorie na naglalakad na papasok sa bahay. Eksakto namang nakalapit na sa akin ang helper na nagbukas ng gate para sa amin kanina. Kaagad itong yumuko at nagpakilala sa akin. "Magandang araw, Sir. Ako po si Edna. Ako po ang mag-aasikaso ng pagkain niyo at lahat ng kailangan niyo habang naririto po kayo sa resort. Maghapon po ako nandito pero uuwi po ako kapag tanghali at gabi. Kapag may kailangan po kayo ay sabihin niyo lang po sa akin." mahaba at magalang na saad sa akin ni Edna. Palagay ko ay nasa 40's na ang edad niya. "Salamat, Edna. Ako naman si Max at ang kasama ko ay si Lorie. Inaasahan ko na anuman ang makikita o malalaman mo habang naririto kami sa resort ay hindi malalaman ng ibang tao. Maliwanag ba?" pormal kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD