(LORIE'S POV) "Ninong Max? Ninong!" Nagmamadali akong lumapit kay Ninong Max nang matanaw ko siyang naghihintay sa akin sa usual niyang pinaghihintayan noon. Nang tumawag siya kanina, akala ko ay magkikita lang kami sa coffee shop niya tapos ay kakain sa labas. Kaya nagulat ako na sinundo pa niya ako sa school! It's been quite long since last niya akong sinundo. Palagi kasi ay nagkikita na lang kami sa office niya para na rin hindi magtaka at magduda ang mga tao, lalo na ang mga kaibigan ko sa amin. "Ninong... Akala ko magkikita na lang tayo sa office mo." wika ko sa kanya nang makalapit na ako. Nagbeso lang kami saglit kahit pa gustung-gusto ko na siyang dambahin! Gusto kong maglambitin sa leeg niya at makipaghalikan ng mapusok sa kanya pero mahigpit kong pinigilan ang sarili ko dahi

