(LORIE'S POV) Idiniin ko pa lalo ang mga labi ko sa mga labi ni Ninong Max, pero dahil hindi ako marunong humalik ay kumalas din ako agad sa kanya. "Lorie... Do you know what you just did?" Mahina at mabilis ang paghingang tanong ni Ninong Max sa akin. Bahagya akong napayuko dahil baka mapagalitan niya ako. Pero saglit lang ay lakas-loob kong iniangat ang mukha ko at tumitig sa kanya. "Gusto kita Ninong... Ikaw ang gusto ko." tahasan kong pag-amin sa kanya. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang pagkagusto ko sa kanya. Ang alam ko lang ay hindi na ito simpleng crush lang dahil kakaiba na ang nagiging epekto niya sa katawan ko... Parang gusto kong magpakulong sa mga bisig niya at gusto kong ihaplos niya ang mga palad niya sa katawan ko. Hindi ko pa ito naramdaman sa kahit kaninong lalak

