(LIANNA'S POV) Habang nasa biyahe kami ni Leon papunta sa school na pinagtatrabahuhan ko ay napansin ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sa akin na tila may gusto siyang sabihin. Pero nakarating na lang kami sa school ay wala naman siyang sinabi. Saglit lang din kasi ang biyahe dahil nga malapit lang ang school sa condo ko. "I'll fetch you later, okay?" aniya kahit alam ko naman na iyon. "Sure." "About last night... Uhh... Nevermind. Mamaya na lang. Bye, Lian. See you again later." Sumakay na rin agad siya ulit sa kotse niya at pinaandar iyon kaya naiwan na lang akong napapaisip at nagtataka. Ano'ng nangyari dun? Hindi pa rin pala siya tapos sa kung anumang issue niya kagabi. Haist. Buong maghapon ay iniwasan ko na lang na isipin si Leon at nagfocus na lang ako sa trabaho. Sa dalaw

