(LORIE'S POV) Mabilis dumaan ang mga araw. Ilang linggo at buwan na rin ang nakalipas mula noong pinakaunang beses na may nangyari sa amin ni Ninong Max. Ngayon ay naipatayo na niya ang coffee shop niya na malapit sa school ko na pinangalanan niyang Max's Coffeehouse. Parang same pa ng pangalan noong isang sikat na kainan, ang kaibahan nga lang ay coffee shop sa kanya at iyon ay restaurant. Sa isang araw pa ang opening ng coffee shop niya pero ngayon ay kompleto na raw iyon sa mga kagamitan, maayos na rin daw ang interior design at maging sa labas ay wala nang problema maging sa parking lot. Dahil doon ay sinundo niya ako sa school at niyaya niya akong pumunta sa coffee shop niya para ako raw ang pinakaunang makakita. Siyempre hindi ako tumanggi dahil bigla ay feeling ko isa akong VIP

