(HENRY'S POV) Papasakay na sana ako sa kotse ko nang maalala ko si Max at ang isa pang request ko sa kanya na bigyan niya ako ng apo. Kaya pagkapasok ko sa kotse ko ay nagsend agad ako sa kanya ng text message. "May balita na ba kung mabibigyan mo na ako ng apo?" —ang tanong ko sa kanya. Napangiti pa ako habang pinapaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at hinihintay ang reply ni Max sa akin. Ang totoo ay pinagbabawalan na akong magdrive ng sasakyan. Matagal na rin akong tumigil sa pagtatrabaho at hindi iyon alam ng anak ko. Pinagbabawalan na rin akong maglalabas ng bahay at dapat ay magpahinga na lang ako, mag-bedrest sabi pa ng doktor ko. Pero ayaw kong magmukmok lang habang hinihintay ko ang araw ng aking pagkamatay. Gusto kong sulitin ang mga natitirang araw ko sa mundo. Pero aya

