(LORIE'S POV) Nagising ako na nananakit ang ulo ko. Pagdilat ko ay sumalubong agad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ninong Max at pansin kong maliwanag at malinis ang kuwartong kinaroroonan namin. Puro puti ang mga dingding maging ang kisame. "Baby... I'm glad that you're finally awake." He said before kissing my temple gently but firmly. "N-Ninong... Nasaan tayo? Bakit masakit ang ulo ko?" Muli rin akong napapikit ng mariin kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ni hindi ko napansing hawak niya iyon kanina. Masakit kasi ang ulo ko at pumipintig-pintig pa ang sintido ko. Naramdaman ko ulit ang paghalik ni Ninong Max sa noo ko kaya napadilat ulit ako. "Wala ka ba talagang maalala? Kahit ano?" tanong niya. Sa uri ng pagkakatitig niya sa akin ay tila inuudyukan niya a

