(LEA'S POV) "Babe, do you still consider having a baby?" "Huh?" Nagtataka at puno ng katanungan ang mga matang napalingon at napatitig si Jess sa akin. We're back in our home at kakatapos lang naming maglunch habang kumakain na ng panghimagas. Si Anton naman ay mamayang hapon o gabi pa makakauwi dahil pinuntahan muna niya ang commercial building niya at kinumusta ang mga negosyong nagre-rent ng space doon. He does that at least once a month para ma-monitor ang kanyang negosyo, para masiguradong laging maayos at walang problema sa commercial building na iyon. "What do you mean, babe?" nagtatakang tanong pa ni Jess sa akin. "Well, naisip ko lang naman na hindi na tayo bumabata. I am 38 years old now and you are 37, right? Sometimes I just wonder what it feels like to have a kid around

