Ang ingay ng kanyang dalawang kaibigan kaya naman hindi niya masadong naintindihan ang sinabi ng kanyang pinsan na si Charlotte sa kabilang linya. Naiinggit siya sa pinsan dahil bf nito ang hot and sexy guy sa university nila...walang iba kundi si Liam!
"Guys!umorder na kayo diyan bahala na kayo kung ano kahit ano lang pwede na,"patamad niyang wika at sumandal sa upuan.Galing pa sila sa practice sa cheering kaya pagod at nanlalata ang katawan niya.
"Okay,tutal ako naman ang magbabayad eh,"sabi naman ni Anith ang kaibigan niya na mas maarte pa ata sa kanyang pinsan.
"OMG!Guys..Don't you see what I saw?"maarteng bulong naman ng isa pa niyang kaibigan na si Tricy.Minsan lang naman ito sumasama sa kanilang bonding kase silang dalawa talaga ni Anith ang laging magkasama.
Sinundan niya ang tinuturo nito at nagulat din siya.Hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang dalawang mga mata!
Liam and Sanayah!Ang sweet nito tingnan dahil makikita mo talaga sa kanilang mga titig na may kakaiba sa kanilang dalawa.
Agad niyang kinuha ang cellphone niya at kinuhaan ito ng mga litrato. Alam na niya kung paano inisin ang kanyang pinsan ipapasa niya ang mga picture na yun,ewan ko lang kung hindi maghurumintado ito sa galit. Knowing her,kahit alam na niya ang ginagawang pambabae ng lalaki ay hindi pa rin ito bumibitaw dahil sa malaki ngang swerte kapag gf ka ni Liam.
"Ano ang gagawin mo diyan sa mga picture Shirley?Don't tell me na ipapasa mo yan sa pinsan mo? tanong ni Anith.
Tumawa siya ng mahina.
"Exactly Anith.!Knowing Charlotte baka mabaliw na yun sa U.S that his loverboy is inlove to another woman,nakangising wika niya. Napailing-iling na lamang ang dalawa niyang kasama.
"Hindi pa rin kayo maayos.Away-bati pa rin kayo.Naku Shirley pambata lang ang ganung bagay,sermon naman ni Tricy.
Tumango-tango naman si Anith bilang pagsang-ayon dito.Hindi na lamang siya kumibo.
Oo nag-aaway sila ni Charlotte dahil matagal na niyang sinabi dito na makipaghiwalay kay Liam dahil alam niya ang mga ginagawa nito at inaupdate niya palagi ang dalaga.Pero parang bulag at bingi lamang ito sa mga sinasabi niya. Oo at may gusto siya kay Liam pero ayaw naman niyang maging ganun din ang gagawin sa kanya ng binata pero sa ngayon na nakikita niya alam niyang hindi lamang gusto ni Liam si Sanayah kundi mahal na niya ito.Nakikita niya ito sa mga mata ng binata.
Hindi na sila nagtagal sa coffee shop na iyon at hindi nila pinahalata sa mga ito na nakita na nila ito.
"Sana Charlotte magising kana at ibaling mo sa iba ang sarili mo."
Pero alam niyang imposible iyon at ngayon nagbabakasali lamang siyang ipakita ang mga picture nito at sabihin sa kanya na pagod na ito at ititigil na nito ang kahibangan sa binata.
Mamayang pagdating sa bahay ay tatawagan niya ang pinsan dahil alam niyang nasa trabaho pa ito at hindi niya makakausap ng maayos.Alam naman niya ang oras ng break nito kasi sinasabi naman sa kanya.
Ang ginawa niya dahil hindi na siya makapaghintay ay nagmessage na lamang siya dito ng mahaba at pinasa ang mga kinuha niyang picture sa pinsan.