Chapter 12 “MAYBE, HE WANTS YOU BACK?” Napakunot at napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "He wants me back? Para ano? Para lokohin ulit ako? Nah. It won't happen again, Roma." Nandito ngayon si Roma sa unit ko para bisitahin ako. We didn’t see each other for a few months dahil kakabalik lang din nito galing ibang bansa noong bumalik ako. She stayed there for one year and half. Ikinukwento ko sa kanya ngayon ang nangyari sa opisina kanina. Kung paano kami muling nagkita ni Zeus pagkatapos namin magkita sa bar noong gabing ‘yon. “Eh kung hindi pa, bakit niya tinanggihan ang proposal ng kuya mo? Kung tutuusin nga, pareho lang eh. Pero ikaw mismo ang gusto niya makita kaya pinilit niya ang kuya mo na pabalikin ka rito. It’s a trapped, Trina.” Isang mabigat na buntong hininga ang

