Jealousy Chapter 22 Monday ay start na ng school festival. Bakit ba kasi ako pumayag na umattend doon e para lang naman yun sa mayayaman. Hindi naman required na umattend sa festival, kaya usually kapag ganito nag eextra ako bilang tagaserve doon sa lugawan palapit dito sa amin. Kakilala din kasi iyon ni nanay kaya naman pinapayagan din niya ako na mag sideline doon sayang din kasi ang isang linggo. Pero dahil gusto ko siyang makita at makasama pumayag na din ako. Eto na din siguro yung next time na sinasabi ko kay Zumi, matagal na din niya kasi akong niyayakag na umattend ng school fest pero mas gusto ko kasing mag sideline at humanap ng mapagkikitaan kaysa gumastos. Busy ako sa paghalungkat ng isusuot ko para mamaya wala naman din kasi akong magandang damit kaya pinili ko na lang iy

