Panay ang kutkot ni Isla sa mga kuko habang nakaupo sa pribadong silid katabi ni Alpheus. Nakatayo sa harapan nila sina Nazaron, Cazcoe, at Zeki na animo handa nang simulan ang interogasyon. Si Anemone naman ay nagpaiwan lang sa function hall para patuloy na estimahin ang mga bisita ng Altieri Corporation. Napatingin siya kay Alpheus na tahimik lang at mababakas ang kawalang interes base sa ekspresyon ng mukha nito. He really knew how to keep a cold exterior. “This is funny,” ani Alpheus. “Pamilyar sa akin ang eksenang ito. The last time, Naz got interrogated because of his secret wife. I never thought I’d be on the second spot of the interrogation list also because of my wife.” Hindi makapaniwala si Cazcoe, mulagat na mulagat pa rin ang mga mata nito. “Kailan kayo ikinasal?” hindi nit

