Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ay nagpaalam na rin si Grayson na uuwi raw muna siya sa kaniyang bahay upang kumuha ng damit ko. At habang hinihintay siya ay bumalik ako sa kuwarto kung saan naroon si Mrs. Pritzker. Naabutan kong pinapakain siya ng kaniyang nurse. Hindi ko siya kayang tingnan dahil naaawa lang ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa kaniya. "Ma'am, maupo muna kayo." Sabi ng nurse at tinuro ang upuan sa kaniyang tabi. Tumango at ngumiti ako at umupo sa tabi niya. "Salamat." Aniko. Tinitingnan ko lang si Mrs. Pritzker habang sinusubuan siya ng kaniyang personal nurse. Hirap na rin siyang lumunok ng pagkain dahil sa kondisyon niya. Ilang sandali lang ay natapos rin ang pagkain niya at nagpaalam muna ang kaniyang nurse dahil ihahatid n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


