"Ronalyn." Napatingin ako kay Grayson nang tawagin niya ako. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Wala na sa paningin ko si Xiannara ngunit nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. "Let's eat." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko upang hilahin ako patungo sa mesa. Ngunit agad ko ring binawi ang kamay kong hawak niya kaya napatingin siya sa 'kin. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa umupo sa bakanteng upuan. "Hija, sinangag na kanin?" Alok ni Manang Alma. Ngumiti ako sa kaniya at agad na inabot ang sinangag na kanin. Na-miss ko rin kainin ang sinangag na kanin. Bihira na lang kasi ako magluto nito. "Ipinaluto ko 'yan kay Manang Alma dahil alam kong paborito mo 'yan kainin sa umaga." Biglang sabi ni Grayson at umupo rin sa isang bakanteng upuan. Tumango lang ako at nag

