Kabanata 12: Hindi Masarap

2487 Words

"'Di mo naman sinabing entertainer ka na pala ngayon." Sinimangutan ko si Chris. Kanina niya pa ako inaasar dahil sa video na inupload niya. Shocked daw talaga siya kagabi kasi nagalit na ako sa kaniya n'ung hindi ako kinunan ng video. Dahil takot siya baka anong gawin ko kasi ang dami ko raw sinasabi na pananakot sa kaniya ay ginawa niya. Pagtapat daw ng camera sa akin ay 'yun nga inumpisahan ko ng pahiyain ang sarili ko. "Bakit mo kasi pinost kung video lang ang sabi ko kagabi? At saka lasing ako n'un," pagmamaktol ko rito. "Nakakatawa lang kasi," sagot niya. "Anong nakakatawa d'un? Nakakahiya kaya. Pinapahiya mo ako eh," naiiyak na sabi ko. "Hindi ka nga napahiya. Tingnan mo nga at puro cute lang ang comment nila sa 'yo," asar niya pa. "Hindi talaga iyon funny sinasabi ko sa '

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD