Napapikit ako ng madiin at nakasimangot na naupo sa kama ko hawak ang lace na brasserie at panty. Napilitan akong isuot ito dahil walang ibang panloob dito. Wala pala akong matinong damit na pangtulog na dala dahil hindi ko naman inaasahan na dito kami papatulugin ni papa. Ang mga natirirang damit ko dito sa kwarto ko sa mansyon ni papa ay ang mga lingeries at mga lace na underwear, hindi ko ba alam kung ano ang nasa isip ko noong mga panahon na dalaga pa ako at puro ganito ang mga damit ko, wala naman akong boyfriend na paglalaanan, napangiti ako ng maalala na pinili ko na hindi magkaroon ng boyfriend at hindi pansinin ang mga lalaking umaaligid at gustong manligaw sa akin dahil nasa iisang lalaki lang ang atensyon ko, si Sky lang ang gusto kong maging nobyo noom kaya ginawa ko ang laha

