"Magbihis ka. Aalis tayo." Napahinto ako sa pag-aayos ng kama namin ng sumulpot siya sa likuran ko. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. "S-saan tayo pupunta?" I asked him. Inirapan lang naman niya ako. Parang kanina lang ay tawa siya ng tawa. Napaka bipolar ng lalaking ito. "Stop asking! Sumunod ka na lang. Wear something casual." Bulyaw niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Nakasuot na siya ng itim na tuxedo na pina-plantsa pa niya sa akin kanina lang. "Be ready. Babalikan kita dito, nasa library lang ako." Dagdag pa niya at lumabas na ng kwarto namin. Mabilis akong nag shower at naghanap ako ng dress na maisusuot at simpleng black off shoulder na one leg cut ang napili ko. Buti na lang at naitago ko ang mga gamit ko noong dalaga pa ako. Ngayon kasi ay hindi na ako masyado

