"Okay. It's a wrap! Very good Adisson! If you pursue modelling, I'm sure you'll gonna be big!" Maarteng saad ni Direct Ren na itinataas pa ang mga kamay habang nagsasalita. Natatawa na lang ako sa mga gestures niya, tapos na ang unang araw ng photoshoot at commercial, kinabukasan na ang uwi ng buong crew dahil gusto pang maglibot ng iba at kailangan na ding magpahinga. Inabot ko ang robe na nakasampay sa upuan at kinuha ito para takpan ang katawan ko, the last piece that i am wearing is two piece kaya masyadong maraming balat ang nakikita, hindi naman ganoon ka-daring ang tabas ng swimsuit kaya nga lang ay mas litaw ang katawan ko dito kaysa sa tatlong unang one piece na sinuot ko. "Adi, my dear, here's my calling card." Iniabot ni Direct sa akin ang card niya at hinawakan ang kamay ko. H

