"Salamat sa paghatid." Ngiti ko sa kanila ng nasa harapan na kami ng bahay. Pinisil ko pa ang pisngi ni Dream.
"It's alright, anytime Adisson and Cloud." Ani Drake.
"Gusto niyo ba munang pumasok? Mag snack muna kayo." Pag-aalok ko ngunit tumanggi siya.
"Next time na lang. Pagod na pagod na ang anak ko. See you when I see you. Bye Adisson and big boy." Ginulo niya ang buhok ni Cloud at sumakay na silang muli sa sasakyan.
Hinintay muna namin silang makalayo bago kami pumasok ng gate ng anak ko.
"He's nicer than Dad." Nagulat ako ng lumabas iyon sa bibig ni Cloud.
"Don't say that anak! Don't compare your dad to anyone else." I said as we reached the door.
"It's true mommy. Dad never treat us on ice cream parlor and drive us home." Nakanguso siya, nakaramdam ako ng awa at pangungulila ng sinasabi niya iyon. Unti unti na namang bumabalik ang kirot sa puso ko.
"Nagtatampo ka ba sa Dad mo? Don't worry anak, kapag hindi na siya busy ay pupunta tayo sa kahit saan mo gustong pumunta, okay ba yun?" I fake smile oara pagaanin ang loob ng anak ko pero nanatiling ganon ang itsura niya. Umiling siya sa akin.
"You're always saying that. Hindi naman po totoo. The truth is he don't want me." Napanganga ako sa sinabi niya at nagpatuloy na siyang pumasok sa loob ng bahay. Naiiyak na susundan ko na sana siya ng bumusina nag sasakyan ni Sky.
Dali dali ko siyang sinalubong. Sa kabila ng nakita kong ginawa niya kanina ay humalik pa din ako sa oisngi niya at kinuha nag mga gamit niya.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kauuwi niyo lang? It's already 5 pm. Bakit ngayon lang kayo?" Bakas sa boses niya ang pagkainis. Napayuko naman ako dahil halatang galit na siya.
"Buti at maaga kang umuwi? Paghahanda kita ng pagkain." Pag-iiba ko ng usapan at mauuna na sanang pumasok ng higitin niya ang braso ko.
"I'm still talking to you! Don't turn your back on me woman!" Singhal niya sa akin. Nakita ko naman ang anak ko na napahinto sa pag-akyat ng hagdan at nag-aalalang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at sinenyasan siya na pumasok na sa kwarto niya.
Naghesitate pa muna siya bago sumunod sa akin.
"Kumain muna kami ni Cloud bago umuwi. Pasensya na at natagalan." Saad ko pero mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak sa akin.
"Kasama yung lalaking naghatid sa inyo? Sino yun? Akala niyo ba ay hindi ko nakita?!" Napalunok ako sa lakas ng boses niya. Naiiyak na ako dahil alam kong magkakaroon na naman ako ng mga bagong pasa at sugat na matatamo.
"Tatay siya ng kaibigan ni Cloud. Hinatid lang niya kami." Pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero lalo itong dumiin. Ramdam ko na ang kuko niya na bumabaon dito.
"Baka naman lalaki mo?! Ano? Nanlalalaki ka? Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nagpilit sa kasal na ito kaya wala kang karapatang manlalaki!" Hinila niya ako papasok ng bahay at itinulak sa sofa.
Naiiyak na pumikit na lang ako at hinintay ang susunod niyang gagawin ngunit pagmulat ko ay nakataas ang kamay niya sa ere para sampalin ako pero ibinaba din ito at binasag ang vase sa gilid.
"Bullsh1t!" Sigaw niya at umakyat patungo sa kwarto. Naiwan lang ako doon na tahimik na lumuluha. Lagi na lang ganito Sky, hindi naman kita magawang iwanan dahil mahal na mahal kita at hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi kita kasama kaya nagtitiis ako at patuloy na magtitiis sa'yo.
Tinuyo ko ang luha at pinuntahan ang kwarto ng anak ko. Nakita ko siyang nakatingin sa papel na may drawing ng pamilya namin.
"Anak." Pinilit kong ngumuti ng lumingon siya. Ngumuso siya at binalik ang paningin sa drawing.
"Anak. Bakit hindi ka pa nagbibihis? Baka matuyuan ka ng pawis niyan." Hinagod ko ang likod niya. Hinarap niya ako at hinawakan sa pisngi.
"What did he do? Sinaktan ka ba niya ulit mommy?" Malungkot ang boses niya na tanong sa akin. Mabilis akong umiling sa kanya.
"Hindi anak. Nag-usap lang kami ng dad mo." Nakita kong mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa braso ko at hinawakan ito.
Napapiksi ako dahil sa sakit nito.
"See? Stop lying! Start fighting mommy. Fight him." Kumuyom ang maliit niyang kamao kaya napasinghap ako.
"Anak? That's bad. Daddy mo pa din siya, nagawa lang niya yun kasi pagod siya sa work. Mamaya ay okay na kami. Don't get mad at him okay?" Hinawakan ko ang mukha niya at pinipilit siyang kumbinsihin. Ayaw kong magkaroon siya ng sama ng loob sa ama niya. Kahit na ganito ang trato ni Sky sa amin ay ama pa rin niya ito.
"He's my dad but he's not acting like he is." Kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Nadoble ang sakit na nararamdaman ko sa nakikita ko. Mas masakit sa isnag ina na makitang nasasaktan ang anak na wala man lang magawa.
"Buti pa si Dream mahal ng papa niya." Aniya sa pagitan ng pagluha.
"Anak nangiingit ka ba kay Dream? Naiinggit din siya sayo kasi wala siyang mama. Ikaw naman ay may mommy na may daddy pa." Pinilit ko siyang aluin sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya.
"Mommy lang ang meron ako. Buhay nga ang dad ko pero parang wala din naman."
---
Pinatulog ko muna ang anak ko bago ako nagbihis, pagpasok ko sa kwarto ay wala naman si Sky. Marahil ay umalis na naman iyon. Bumaba na lang ako para magluto ng dinner ng makita ko ang basag na vase, nilinis ko iyon at nagsimula ng magluto.
Naisipan kong magluto na lang ng pork adobo at magbake ng cookies dahil iyon ang paborito ng mag-ama ko. Hanggang ngayon ay laman pa din ng isip ko ang nakita kong lungkot, tampo at hinanakit sa mukha ng anak ko.
Sana bago man lang magkaisip ang anak ko at magtanim ng galit sa dad niya ay magbago na si Sky, ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng masayang pamilya at mabigyan ng buong pamilya ang anak ko.
Siguro, karma ko na ito sa ginawa kong pagpilit sa kanya na maikasal kami kahit na alam kong ayaw niya sa akin at may iba siyang mahal. It's all my fault at ako ang dapat na magdusa nito pero hindi ko hahayaang madamay ang anak ko.
LEGENDARIE