Nakatitig si Sky sa asawa na nakasandal ang ulo sa bintana, nakapikit ang mga mata nito at payapa na natutulog, napangiti si Sky sa isipin na kasama niya ito ngayon kahit na halatang napilitan lamang ito dahil hindi nakatanggi sa anak nila. Nakangisi niya itong pinaulanan ng halik at natawa sa sarili dahil siya ang kinikilig sa ginagawa sa asawa. Ilang saglit pa niya itong pinakatitigan, sinusulit na nakahinto ang sasakyan dahil sa traffic, inabot niya ang kamay nito at napangiti ng makita na suot pa din ni Adisson ang wedding ring nila, pinaglaruan niya ang malambot nitong daliri at hinahalikan ng paulit ulit. He missed her, so bad. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito and he can clearly see an angel, his angel. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa makinis nitong

