Matao ang bulwagan ng Senado nang dumating si Selena. Mga camera, flashing lights, at mga reporter na nag-aabang sa bawat kilos niya. Sa bawat hagod ng tingin ng media, alam niyang siya ang sentro ng balita—hindi lamang dahil siya ang anak ng gobernador, kundi dahil siya ngayon ang babaeng babangga sa mga Vergara. Matikas ang kanyang tindig habang naglalakad papasok, bawat hakbang sa stiletto ay tila ba may dagundong. Sa gilid ng kanyang paningin, nahuli niya si Damien. Maayos ang suit, mahigpit ang porma—pero ang mga mata nito, nakatutok lang sa kanya, mabangis ngunit may halong bagay na siya lang ang nakakaintindi. Huminga siya nang malalim. Ito na ‘yon, Selena. Hindi lang ito laban ng katawan, kundi laban ng pangalan. Pag-upo niya sa witness table, agad siyang binalot ng mga ilaw ng

