“Hi Da–,” putol ko sa sasabihin ko. Naalala ko bigla na nasa loob pala kami ng opisina at nasa trabaho ako. “Sir,” pormal kong tawag kay Daddy Nero. “I don’t just let anyone inside my office. So starting today, you will personally take care of organizing everything here. My assistant, Ian, will handle the cleaning, while you take care of the paperwork. Medyo madalas kasi kami sa labas ngayon at wala na rin siya halos oras para sa pagliligpit.” Tumango-tango lang ako bilang sagot. Hindi naman mahirap ang pinapagawa niya, kaya hindi ko ito pinansin sa personal na paraan. Lalo pa’t tapos na ako sa tambak na papel na ginawa ko kanina. Nagpaalam na si Ian at naiwan kaming dalawa. Alas-dos pa lang ng hapon, kaya kumuha ako ng feather duster at nagsimulang magpunas ng alikabok sa mga libro. O

