“I’m sorry po talaga, Manang Jenny,” malungkot na sabi ko sa matanda. Dahil hindi ako pumayag na sumali sa party. Baka kasi may makakilala sa akin at ayaw ko gumawa ng panibagong gulo. “Okay lang, ano ka ba?! Marami pa namang susunod. Kung ayaw mo ng ingay, may kubo sa kabilang bahagi nitong bahay, pwede ka doon. May mga gamit din doon,” nakangiting sagot nito. Napayakap ako sa matandang babae. Napaka maunawain talaga nito at ang bait. “Sa tabing-dagat na lang po ako. Ayaw ko pong lumayo, mas komportable na ako dito,” sagot ko dito habang nanatili akong nakayakap. “Oh siya! Iiwan na kita. Baka hinahanap na ako ng mga kumare ko,” paalam ng matandang babae sa akin. “Happy birthday, Dior!” Malakas na sigaw ng mga bisita. Lumabas na siguro ang birthday celebrant. Kanina kasi ay par

