MYL 1

2204 Words
Sarah POV "Kanina ko pa kayo hinahanap!," Igtad kaming nagulat ng bigla sumulpot si Aling Inday. Muntikan ko pa tuloy gawin kuneho yung muka niya. Napasapo nalang ako sa Dibdib dahil kababa lang namin ni china sa himpapawid. Lumipad kami papunta sa lugar nato para lang makahabol. "Dalian nyo at kanina pa nag sisimula, kailangan natin mag bawas ng gagawin," Pag mamadali samin ni Aling inday. Ngiwi kaming sumunod nalang sa kaniya habang nag dadaldal siya. Isang Babaeng may edad din ang nasalubong namin. "Madam,Sila ho ang makakasam ko para makatulong dito," Pakilala saamin ni aling Inday. Nag tama' ang tingin namin ng Babae at napansin kong nag iba ang hulma ng kaniyang eyeball. Pati amoy na hindi ko mawari pero pamilyar. Ngumiti sa amin ito at nag salita.. "Don nalang kayo sa locker mag Bihis, kailangan kasi pare-pareho ang suot ng mga nag Seserve dito," Anang sa amin nito. Tumango kami sa kaniya at saka niya kami nilagapasan. Sinundan ko siya ng tingin dahil kahit malayo na ang distansiya niya ay nanatili parin ang amoy nito. " Sarah, ano ba sayang ang oras," Hinila ako ni Aling Inday, na naging dahilan ng atensyon ko sa kaniya. "Opo, heto na," Sagot ko at nagpadala sa kaniyang Hila.. ** "Hoy, ibitones mo nayan kanina kapa nag kukurokuro diyan," Pang aabala sa akin ni China habang nag bibihis. Tumingin ako sa kaniya at pinagmasdan. "Huwag mo sabihin sa akin na wala kang naramdaman don sa Babaeng nasalubong natin at Kelan kapa naging ganap na Tao?," Giit ko dito. Umiwas ito ng tingin at bumaling sa ibang pwesto. " Naramdaman ko syempre, Pero ano naman ang magagawa natin don?," Sagot nitong nakanguso. " Kagaya natin sila China," Ngiwing nagkamot ng ulo ang kasama ko. " Oo nga pero alalahanin mo ang Bilin ng Papa mo sayo," Alalang sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim at may bumalik sa ala- ala ko. kung paano namatay si Mama. May kakayahan kasi ako mag tago ng kahit anong palantandaan para hindi malaman ng nilalang na kagaya namin sila. at ginawa ko yon kila Papa at China para sa kaligtasan namin. Mahigpit itong ipinag bawal sa akin ni Papa na huwag mag paparamdam sa mga tulad namin na hindi rin ordinaryong mga tao. " Tara na at ayoko ng marinig yung Bunganga ni Aling Inday," Aya sa akin ni China inumpisahan na niya Buksan ang pinto at inilabas ang gagamitin namin. *** "Wow ang Lawak," Halos lumuwa ang mata namin sa layo ng Bubong ng Venue party na ito ang Dami chandeliers light, marami rin mga bisita na nakaupo sa magagarang pabilog na white table.. "Angagement party ba ito aling Inday? bakit parang pang wedding na," Tanong ko dito na nakatulala din sa nakikita. Sumingot singot ako at kinabahan. "Aray!," Daing sa akin ni china ng Hinampas ko, Dahil siya ang naamoy ko. Pinang dilatan ko siya ng Mata ng makitang nakatitig sa lalaki. Ganyan siya kapag na aatract. Lumalabas ang amoy. "Pigilan mo nga yan, kakasabi mo lang tapos ikaw pala ang gagawa," Saway ko dito. ngumuso itong umirap. Nagawa naman niya hindi na pakawalan ang natural na amoy. ** Itinuro na nila sa amin ang Lilinisin at dahil tapos na ang Dinner party sa Kitchen ang sinunod namin. Natulala ako sa dami ng huhugasan. Tumingin ako sa pag kahaba ng lababo at naandon ang mga nakahelera na kawaling masesebo at iba pang kaldero. "Aling Inday, Bakit ako lang ang maghuhugas dito, aabutin ako ng isang Buwan para matapos po ito," Reklamo ko ng akma akong iiwan ni Aling inday. "E, Sabi ni China kayang kaya mo raw matapos yan," Napa awang ako sa sagot nito. at nilayasan na. "Ano ba naman yung Babaeng yon!," Dabog ko. Alam ko ang gusto mangyari ni China. Isang oras na akong nag huhugas ng Plato at na ngangawit ng nakatayo. Wala pa ako sa kalahati ng hinuhugasan ko at pang sabon palang hindi ko pa nababanlawan. Inis akong binitawan ang sponge na hawak ko at tinangal ang Gloves sa kamay ko. Huminga ako ng malalim at singhap na napakagat labi. kalokohan nato hindi ko matatapos ng mano mano to. Nakiramdam ako sa paligid. Alam kong walang tao. lumayo ako sa hugasan at itinaas ko ang magkabilaan manga's. Inumpisahan kong Igawayway ang aking kamay at nagsi taasan ang mga hugasin, nag kusang pumiga ang sponge at sinabon ang mga plato. Pabagsak akong naupo para makapag pahinga. Dinukot ko sa aking bulsa ang Tinapay na baon ko at kinain. ngiti akong Pinagmamasdan ang mga gumagalaw na baso at plato. "Sarah!," Nanlaki ang mata ko ng Biglang sumugod si China na namumutla.. " Ibaba mo! ibaba mo!," Sigaw nito ng makitang nakalutang ang mga gamit. Nataranta ako at napagaya na ibaba ang mga hugasin. " Anong bang ginagawa mo Ibaba mo ang mga yan! naramdaman ka nila," Sigaw niya uli sa akin. " ha!," Nakarinig kami ng mga yabag papunta dito. Nagkatinginan kami ni China at Wala sa Isip na napatakbo. Pero bago makalayo ay sabay kaming nadulas gawa ng bula na nag kalat. Ngiwi kaming sumalampak sa sahig. "What's going on Here!," Baritonong dinig ko. Umangat ako ng tingin at nakita ang mga kalalakihan. Dahan dahan namin inangat ang mga katawan namin sa pagkasalampak at tumayo. tiningnan ko ang paligid hindi na mga nakalutang ang mga plato pero mga basag nayung iba. "Can anyone tell me what happened here?," Muling tanong sa amin. Napalunok ako sa mga taong nasa harapan namin. Ang Titikas nilang mga nilalang. Hindi ko maiwasan manginig dahil lahat sila ay hindi mga ordinaryong tao. Bigla silang nag hawi ng Daan sa gitna. Nakaramdam ako ng kakaiba at Papalapit yon dito. " Augustine why are you here?," Tanong ng isang lalaki. "Of course I'm here because I felt that strange energy?," Sagot nito na tumingin sa paligid. Dinig ko ang kaniya kanyang Lunok namin ni China ng mag Usisa na sila.Palihim kaming nag Tinginan. "Sir, naka kita po kasi kami ng malaking Aso kanina at sinugod po kami dito," Napatingin ako kay China. Naisip ko kasi yung palusot niya na Aso ang may dahilan. Nag iba ang Expression ng mga muka nila at nag seryoso. "Really, Saan mo nakitang dumaan," Seryoso tanong ng lalaking nasa gitna nila. Napakunot noo ako at Parang napaniwala yata sila ni China. " Doon po Sir, Tumalon papo kasi siya roon . para nga po siya Tao Basta po malaki eh," Pag dadahilan pa ng kasama ko. "Damn! Go! hindi pa iyon nakakalayo," Utos niya sa ibang mga lalaki. "Dylan, I think this is about Belinda. may nag sspiya na sa pagiging Luna niya," Anang ng lalaki. Napangiting Pilit saamin ang kausap niya ng mapansin namin ang pinag sasabi ng Lalaki. "Augustine, let's talk about it in your office, baka mapagkamalan kang baliw dito," Hinila nito ang lalaki at Nilisan nila ang kusina. Naiwan kaming dalawa ni China at nag pakawala kami ng hangin. tinanaw kopa sila para masiguro na wala ng tao. naupo ako at kinalma ang sarili. "Galing mo sa palusot ah, at parang tao patalaga?," Sabi ko kay china habang pinapagpag ko ang Polishirt ko para makapasok ang hangin. sobra akong namawis dahil muntikan na kami ron. "Paniniwalaan talaga nila yon mga taong Lobo ang mga yan e," Natigil ako sa pag pagpag ng damit ko ng marinig ko yon. " Seryoso?," Laki matang tanong ko dito. Tumango siya sa akin. Ilang sandali pa ay may pumasok na iilan tao at nag umpisa linisin ang nag kalat na basag na plato at baso. "Doon na raw po kayo sa may Venue, kami napo ang bahala dito," Anya ng isa sa kanila. Paglabas namin ng Kusina ay agad kaming sinalubong ni Aling Inday. " Mag si bihis na kayo at maari na tayong umuwi," Ngiting sabi nito at may hawak ng sobre. Taka kaming nag tinginan ni China, dahil sa pag kakaalam namin aantayin namin matapos ang Event na ito'. "Hindi po ba? natin tatapusin ang Party," Tanong ko dito. Natigil si aling Inday at nangiti na parang may kakaiba. "Ah, eh.. Bakit pa na natin aantayin matapos?, naandito nayung ibinayad nila," Ipinakita niya sa harapan namin ang sobreng may laman pera. "Nakakahiya naman po yun' aling inday Binayaran nila tayo ng tama, kaya bakit natin hindi tatapusin ang oras dito," Tugon ni China sa kaniya. Tinaasan kami ng kilay ni Aling inday at na maywang sa mataba niyang balakang. "Abay' kung gusto ninyong mag pakaDarna dito, hala sige! linisin nyo ang buong Venue na ito," Sagot niya sa amin. Itinaas pa nito ang kamay sa Ere para masabing pagkalawak ng Lugar. Dinukot nito ang laman ng sobre at nag bilang ng Pera. "Wala akong Balak mag pa impis dito at baka hindi na ako makilala ng asawa ko pag uwi'. Oh hayan ang parte nyo," Iniabot niya sa amin ang pera na bayad sa serbisyo. kinuha ko yon sa kaniya, Pero hindi nahiwalay sa paningin namin ang makapal na natira at Ibinalik sa sobre. " O sya, Diyan na kayo at Uuwi na ako," Huling sabi nito. sinundan lang namin ng tingin si aling inday na nag mamadaling mag lakad. "Kapal ng muka ng Baboy nayon! Hindi na nga tinapos yung oras ng trabaho niya, nagawa pang mang gulang," Inis nasabi ni China. Itinaas nito ang kamay ko at itinuro kay Aling inday na naglalakad palayo. "Nakita mo tong kamay nato, kaya kang gawin kalabaw nito," Natawa akong Binawi kay China ang kamay ko. "Halika na nga marami pa tayong gagawin," Aya ko sa kaniya.. ** Nasa kalagitnaan na ako ng Pag momop sa pabilog at mahabang hagdan . Napukaw ng pansin ko ang Palakpakan sa Event, mukang mag sisimula na ang pag poprose ng lalaki sa kasintahan niya. May kataasan ang hagdan na pinaglilinisan ko kaya kita ko ang nagaganap sa entablado. Saglit ako natigil sa pag lilinis at payakap na humawak sa hawakan ng Mop. napaka ganda naman ng Musika na nilaan sa pag Popropose. "In case you didn't know" By Brett Young. Isa ito sa mga paborito kong ginigitara at Kinakanta. natanaw ko ang magandang Babae na naka blindfold at naka upo ito. kumikintab sa liwanag ang maganda niyang suot. Ilang sandali pa ay may lumapit na sa kaniyang lalaking napaka kisig. Inaninag ko ito habang nakangiti. Saglit akong nag isip. "Siya yung lalaki kanina sa kusina at nakaramdam saakin," Usap ko sa Isip. Ibig sabihin Taong loob ito, Pero meron pa akong Hindi naintidihan? parang may kakaiba sa kaniya, Napangunahan lang kasi ako ng nerbyos dahil sa nangyari sa kusina. Umingay ang paligid at hiyawan. Napagtanto ko nalang na mag kayakap na ang dalawa mag kasintahan sa entabaldo. mukang tinangap na ng Babae ang Proposal sa kaniya. Ipinakita ng Babae ang makinis niyang kamay sa mga nanonood sa kanila, Suot ang Engagement ring. Nangiti ako at nagpatuloy na sa Pag lilinis. ** Nasa Locker ako at nag mamadaling mag ligpit. Kanina pa ako inaantay ni China sa labas, natakot na kasi ako gamitin yung kapangyarihan ko dito. lalo na't alam ko Hindi mga ordinaryong tao din ang kasama ko sa lugar nato. Tapos na ang Event at iilan tao nalang ang nakita ko sa paligid. Nagpatuloy ako sa pag lalakad ngunit napangiwi ako sa sakit ng ulo ko. Nararamdaman ko ang kapangyarihan ng mga nakakasalubong kong nilalang na kagaya namin at dahil sa pag pipigil ko na magamit ang shield ko para dito ay naapektuhan ako. Naisip kong dumaan nalang, kung saan kami Lumapag ni China, papunta dito. nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang gaanong tao sa lugar. mabilis kong tinungo ang malaking pader na Tatawirin ko. ngunit nagulat ng may biglang sumulpot sa harapan ko na tila nag mamadali rin. " Ouch! hey,are you blind!," Inis niyang sabi saakin ng magkauntugan kami at Parehong napaupo sa simento. "Sorry," Pag papaumanhin ko. mabilis itong tumayo at dinampot ang iilang gamit na nalaglag Inis itong suminghap at hindi na ako pinansin. mabilis itong nag lakad na parang tatakbo na sa pag mamadali. Naiwan akong nakaupo at dinampot ang mga gamit ko. Napansin ko ang nag ningning na singsing. Humugot ako ng Pagkalalim na paghinga dahil sa kakaibang presensya ng singsing na iyon. kinuha ko ito at Pinag masdan nanlaki ang mata kong tumingin sa kinaroroonan ng Babae at Tumayo,mabilis ko siyang sinundan para isauli ang Engagement Ring niyang na laglag. Napunta ako sa lugar kung saan hindi naman iyon ang Parking lot. Kunot noo akong nilinga ang paligid para hanapin siya. "Nag antay kaba ng matagal? nahirapan kasi akong takasan si Augustine kanina e," " Okay lang, ang Importante tapos na ang Mission natin," "Wala ba akong Reward," " Huwag na dito at baka mahuli pa nila tayo," " Kahit isang kiss lang ang Hirap mag paka artista don ah," Napalunok ako sa dalawang taong nag uusap at hindi ko magawang makalabas sa pinag tataguan ko. Pero mas napa nga-nga ako ng makita Hinapit ng lalaki ang Baywang ng babae at nag laplapan. "Let's get out of here," Tugon ng lalaki. Mabilis silang nagsipasukan sa Kotse at umarangkada ng alis. Awang ang bibig kong nakatulala . Isang malaking kalokohan lang pala ang magarbong Engagement Party na ito. tumingin ako sa singsing na nasa palad ko.. " Kanino Kita Ibabalik?,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD