Aminado si Jessica sa kanyang sarili na hindi na mag-aasawa unless it's Sam. Kung papayag siya, may pitong taon siya na makasama ang lalaki sa isang bahay. Enough na sa kanya ang makita ito araw-araw kaysa hindi. Kung hindi naman siya papayag,napaka-hipokrita naman niyang tao! “Okay, payag akong makasal tayo kahit temporary lang.” Sabi niya sa lalaki.
“Mabuti kung ganun. Okay ka lang ba kung uuwi na muna ako sa amin? Sisimulan ko ng ayusin ang mga papeles para kasal natin,” sabi ni Sam.
Tumango si Jessica dahil walan naman talaga siyang magagawa pa kung gusto nitong umuwi sa kanilang bahay. “Sige, ikaw ang bahala.” Sumagot siya.
Nang makaalis na si Sam, malungkot niyang pinagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa kanilang hardin. Paano naman kasi, hindi iyon ang pinangarap niyang proposal. Sobrang malayo sa gusto niyang mangyari na nasa restaurant sila, may banda sa gilid, tapos romantiko ang setting. Malakas siyang napabuntong-hininga habang inisip ang kanyang ama. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit dito kasi pinangunahan siya tungkol kay Sam.
Isang linggo lang ang ginugol ni Sam upang ayusin ang mga papeles para sa kanilang kasal. Kahit alam niyang hindi siya mahal ng lalaki, para pa rin siyang lumutang sa ere nang inanunsyo ni Judge Garciano, na legal na siyang asawa ni Samuel Velasquez. Tanging si Maggie lang at iilan sa mga kaibigan ni Alexander ang umattend. Hindi nakapunta ang Lola Crisilda ni Sam dahil masakit raw ang ulo ngunit alam ni Jessica na nagdahilan lang ang matanda. Noon pa man ay ayaw na nito sa kanya at pinagbawalan siyang dumikit kay Sam.
Pagkatapos ng kasal, dumiretso silang lahat sa bahay nila Sam dahil nagpahanda si Lola Crisilda ng hapunan para sa lahat. However, the dinner was a pure torment to Jessica. Akalain ba niyang harap-harapan siyang insultuhin ng matanda habang kumain sila. She wondered how she's going to survive living in the same house as the old hag!
Mabuti na lang at from time to time ay sumaklolo sa kanya si Alexander. Naiinis siya kay Sam dahil hindi man lang siya ipinagtanggol sa mga malisyosong komento ng abuela nito. Pero ano pa ba ang aasahan niya gayung hindi naman love match ang kanilang pag-iisang dibdib. She made a mental note to talk to Sam regarding the situation.
At habang abala si Maggie sa pagkuha ng kanilang mga wacky pictures ay may dumating na babae. Sam's abuela welcomed the guest like a long lost daughter. Keber lang siya sa bagong dating until she kissed her husband on the lips! Hindi ba nito alam na may-asawang tao na si Samuel? Tumikhim siya upang makuha ang attention ng mga ito.
“Jessica, this is Bettina.” Alam niyang hindi nagustuhan ni Jessica ang paghalik ni Bettina sa kanya pero nagulat lang din siya sa ginawa nito.
Tiningnan ni Jessica mula ulo hanggang paa ngunit wala siyang maipintas kay Bettina. Maganda at sexy ang babae at bagay sa babae ang singkit nitong mata. “Hello Bettina, nice to meet you,” she lied dahil ang totoo gusto niyang kalmutin ang maganda nitong mukha. Nakaka-insecure, eh!
“The pleasure is mine, dear.” She smiled but deep inside, she wanted to kill the woman who stole her man. Kung hindi pa siya inabesohan ni Lola Crisilda na nagpakasal si Sam at Jessica, hindi niya malalaman.
“Baka gutom ka na sa byahe, kumuha ka lang ng pagkain sa mesa.” Sinikap ni Jessica na maging civil sa babaeng kanina pa siya gustong lamunin ng buo.
“Alright, everyone, let's toast for the newlywed couple, Sam and Jessica!” excited na wika ni Alexander.
After the wine toasting, lumapit sa kanya si Alex to congratulate her personally habang si Sam naman ay pasimpleng umeksit kasama si Bettina. Sinundan niya ng masamang tingin ang dalawa hanggang sa makapasok ang mga ito sa loob ng bahay.
“Don't worry about Bettina. Magkaibigan na lang ang dalawang iyon dahil tinapos na ni Samuel ang kanilang relasyon noong isang linggo.” sabi ni Alex sa kanya.
Kahit madalian ang kanilang kasal ni Sam, ayaw niya sanang maging malungkot sa mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib ngunit hindi niya maiwasang makadama ng selos kay Bettina.”Kung magkaibigan lang ang dalawang iyon, ako naman ang nawawalang anak ni Vladimir Putin.”
Alex laughed at Jessica’s sarcastic remark. “Oh common, Jess. Are you jealous? Don't even deny it!”
“Jealous, my ass!” magunaw na muna ang mundo bago niya amining nagseselos nga siya. Kailangan pa bang itanong ‘yon? Syempre, magseselos siya sa kahit sinong babae na ma-link sa asawa, kesyo maganda man o mukhang ewan!
“Well, if you say so. But I'm telling you that Samuel really likes you,” sabi ni Alexander.
Sa narinig mula kay Alexander ay kumapal naman ang kanyang atay. May katotohanan kaya ang sinabi nito?”Bakit mo naman nasabi na gusto niya ako?”
“Ganito kasi iyon, halika.”
Lumapit siya kay Alexander dahil akala niya ay may ibubulong lang ito. Ngunit bigla na lamang siyang niyakap nito ng mahigpit. “Let me go,” utos niya sa lalaki ngunit hindi nito nakinig at nang mamataan niya si Sam na papalapit sa kanila ni Alexander, nagpanic siya.
“Enough of your flirting, wife! “ hinablot niya ang kamay ng asawa at itinulak ang kaibigang si Alexander. ”Alex, I warned you already. She's mine!” Sinigawan ni Sam ang kanyang kaibigan.
“Whoah, easy ka lang pare. Alright, alright, I'm leaving.” Sabi ni Alex sa kaibigan. Mabilis ang kanyang mga hakbang palayo sa bagong kasal. Ghad, he didn’t have a deathwish, yet!
“What's wrong with you? Ikaw nga itong nakikipaghalikan sa ibang babae!” inalis niya ang mga kamay ni Sam na mahigpit ang pagkahawak sa kanyang braso.
“Siya ang humalik sa akin and not vice versa!” Sumagot si Sam.
“Paalisin mo siya ngayon din,” inutusan niya si Sam na palayasin si Bettina dahil hindi ito welcome sa hacienda.
“No, bisita siya ng Lola ko.” tumanggi si Samuel sa inutos ni Jessica na paaalisin si Bettina. Alam niyang magagalit ito, pero hindi niya pwedeng saktan ang kanyang lola.
“Bahala ka,” sabi niya at iniwan niya ito. Pumasok siya sa bahay at hinanap ang kwarto na gagamitin nila ngayong gabi. Nang mahanap niya ito ay agad siyang nagpalit ng damit. Nainitan na kasi siya sa suot na white dress. Mas komportable siya kapag naka-shorts. She braided her long hair bago bumaba para bumalik sa dining hall. Malapit na siya sa dining hall nang makasalubong si Bettina.
“Well, well, well, akala mo siguro ay magpapatalo ako sayo. Pwes, nagkakamali ka. Dahil akin lang si Sam.Ewan ko lang ha kung ano ang nakita niya sayo!” malisyosang sabi ni Bettina sa kanya.
Pero magpapatalo ba siya? Hindi. Never niyang aatrasan ang babae. Naghanap ito ng away, pwes ibibigay niya! “Alam mo, Ate, I think mas gusto ni Sam ng young and fresh looking. Hindi katulad mo na, ew, hindi ko masasabi kung sariwa ka pa ba!” pang-iinis niya sa babae.
“Aba, salbahi ka!” Itinaas ni Bettina ang kanyang kamay upang sampalin ang babae ngunit nagawa niyang pigilan ang kanyang sarili.
“Ako lang ba ang salbahe? Kaya, next time, umayos ka!” Winarningan niya si Bettina dahil hindi niya ito aatrasan. Pagdating sa kanyang asawa, handa siyang lumaban ng p*****n!
Pagkatapos ng kanilang naging sagutan ni Bettina, bumalik siya sa dining hall at lumapit sa asawa. Alam niyang sumunod ang babae sa kanya kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at kumandong kay Sam upang ipakita sa lahat na sa kanya lang si Sam at walang sinuman ang pwedeng umagaw dito.
“Samboy!” Nagulat si Crisilda sa ginawa ni Jessica sa harap ng ibang bisita at tinawag niya ang pansin ng kanyang apo.”Ano ba? Wala na ba talaga kayong kahihiyan?” Tumaas ang kanyang boses at nakipagtitigan kay Jessica.
Hindi hinayaan ni Jessica na makasagot si Sam sa abuela nito at kaagad na sinakop ang mga labi ni Sam. Narinig niya ang pagsinghap ng iilang tao sa kanyang ginawang kapangahasan ngunit hindi siya ipinahiya ni Sam dahil gumanti ito at ang sunod niyang narinig ay ang malutong na sigawan ng mga tao.
“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng mga bisita.