Chapter 2

1206 Words
Russial POV. "Excuse me Ma'am Russial..." Gulat naman ako ng Bigla nalang nag salita ang assistant kong si Jel. Busy kasi ako sa pag aayos ng mga gamit na nagkalat sa mesa ko kaya hindi ko napansing pumasok na pala siya sa office ko. "Sorry po Ma'am Russial ginulat po kita.." Pagso-sorry niya pang sabi sakin. "It's okay Jel..." "Ma'am Russial, I'm here to tell you po na naideliver na namin ang order ni Mrs. Cruz." Sabi pa niya, tumango naman ako. "How about Mr. Sebastian's order?" Tanong ko sa kanya "Ready to deliver na po Ma'am..." "Okay! Si Mr. Sebastian nalang ba ang huling costumer natin ngayon?" "Yes po Ma'am.." Tumingin naman ako sa wall clock na nasa ibabaw ng pinto. Lunch time na pala... "It's already lunch time, kumain nalang muna kayo bago umalis.." Tumango naman siya sakin at nagpaalam ng umalis.. Napasandal naman agad ako sa swivel chair, napapikit naman ako ng naramdaman ko na naman ang hapdi na pagka sampal sakin ni Reil kanina. Sa laki at bigat ba naman ng kamay niya hindi talaga agad na wala ang sakit kahit ilang oras na ang lumipas. Medyo makapal nga ang paglagay ko ng powder sa mukha para hindi mahalata ang pamumula nito. Sa mall nalang ako kakain ng lunch at mag grogrocery narin ako pagkatapos. Tumayo na ako at kinuha ang sling bag na nakapatong sa mesa. Dumaan mo na ako sa empleyado ko at naabotan ko silang kumain. "Jel, pupunta ako ng Mall para mag grocery.. Siguro Hindi na ako makabalik dito sa shop. Ikaw muna ang Bahala dito pagkatapos niyong maihatid kay Mr. Sebastian ang order niya pwede kayong umuwi, early out tayo ngayon pangbawi nalang din sa ilang araw na busy tayo." sabi ko sa kanya. "Okay, Ma'am Russial thank you po!" Ngumiti muna ako sa kanila at nagpaalam ng umalis, pagkalabas ko sa shop pumara agad ako ng taxi. Buti nalag maraming taxi ang dumadaan dito kaya hindi na ako mahihirapan pang maghanap. We have a car, I mean Reil Car gusto ko siya ang maghatid sundo sakin pero syempre hindi siya pumayag, ang kapal daw ng mukha ko dahil gagawin ko pa daw siyang driver. Hayst! Gusto ko lang naman ay katulad ng ibang couple na may maghatid sundo sa kanila. Kailan kaya mangyayari yun?! I sighed Pumasok na ako sa grocery store at kumuha ng cart at isang basket. Plano ko kasing damihan nalang ang pag grocery para hindi agad maubusan ng stock. Baka kasi magagalit na naman si Reil. Binili ko na ang lahat na wala sa bahay, dumaan naman ako sa meat section plano ko kasing mag luto mamayang gabi ng sinigang na baboy at caldereta. Bumili narin ako ng chicken meat para bukas ay malulutoan ko siya ng adobo alam ko kasing paborito niya 'yon. Pangbawi ko nalang din sa kanya. Pumunta na ako sa counter area at binayaran na ang pinamili, pagkatapos ay pumunta naman ako sa baggage area para iwan muna saglit ang pinamili ko. I forgot to eat first bago mag grocery kaya pala nag reklamo na ang tiyan ko. Pinili kong sa jollibee nalang kumain. Matagal-tagal na ring hindi ako nakakain dito. Ang family kasi ni Reil palaging sa Restaurant kumakain. Pag pumunta naman ako dito sa mall ay sa grocery agad ang punta ko, hindi na ako makapaglibot dahil magagalit si Reil kapag matatagalan ako. Buti nalang maaga akong nakapunta dito kaya may oras pa akong makagala, 6pm pa kasi ang uwi ni Reil at ngayon ay ala una pa ng hapon. Pero wala akong balak magtagal dito sa mall dapat 3pm ay makakauwi na ako para mag-ayos sa pinamili at magluto narin ng dinner.. Nakauwi na ako sa bahay agad ko namang inayos ang mga pinamili ko para mamaya sa pag luto ay hindi masyadong makalat. Nagsimula na akong magluto ang Una kong niluto ay Calderita at ang huli ay sinigang. Sakto naman ay alas sais akong natapos. Inayos ko muna ang mesa, hindi ko muna nilagay sa bowl ang sinigang dahil baka madaling mawala ang init nito. Nakangiti akong tinignan ang hinanda ko na nakalapag sa mesa sana naman ngayon ay magugustohan niya na ang hinanda ko. Minutes had past pero wala pa ring Reil ang dumating. I texted him kung uuwi ba siya pero wala akong reply na natanggap. Maybe busy siya ngayon? Umakyat nalang muna ako sa taas para maligo. Hindi pa naman ako nakapasok sa kwarto ko ay napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ni Reil na kaharap lang sa akin. Yes! We are married pero Hindi kami nagsasama sa iisang kwarto. Si Reil ang nag decide niyan dahil ayaw niya daw makatabi ang isang malanding katulad ko. Naalala ko pa nong first day na pagsasama namin ilang masasamang salita ang natanggap ko sa kanya. Its hurt so much! Ginawa ko lang naman ang bagay na iyon dahil mahal ko siya. Bago pa man tumulo ang luha ko, tuluyan na akong pumasok sa kwarto.. Natapos na akong maligo pero wala paring Reil ang dumating. Andito na ako sa mesa hinihintay na naman siya. Panay tingin naman ako sa phone ko baka sakaling mag text siya pero wala pa rin akong natanggap. Gusto ko siyang tawagan pero natatakot ako baka magalit siya. Sana mag reply naman siya kahit oo or hindi lang para naman hindi ako mag mukhang tangang kakahintay sa kanya. I forgot matagal na pala akong tanga! Sa kahihintay ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako na may narinig akong busina sa labas ng bahay. Baka si Reil na iyon? Dali-dali naman akong lumabas ng bahay para matignan kong si Reil na ba ang dumating. Tama nga ako siya ang dumating. Agad ko naman siyang pinagbuksan ng gate. "Bakit ang tagal mong lumabas?" Galit niyang tanong sakin pagkababa niya sa sasakyan. "Sorry nakatulog ako.." Mahinang sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at pumasok nalang sa bahay. Sinirado ko muna ang gate at pumasok na rin. Naabutan ko si Reil na paakyat na sa taas. Hindi pa naman siya nakaka dalawang hakbang ay tinawag ko siya. "Ah, Reil.." Blangkong mukha namang nilingon niya ako "What?" "Nagluto ako ng dinner, baka gusto mong kumain?" "No thanks, kumain na ako sa labas." Sabi niya pa. "Baka nagugutom ka pa? Pwede ka namang kumain ulit." "Pwede ba wag kang makulit pag sinabi kong tapos na ako, tapos na talaga." Naiinis niya namang sabi. "Pero paano itong hinanda ko?" "Edi ubusin mong mag-isa..." sagot niya pa at tuluyan na siyang umakyat sa taas patungo sa kwarto niya. Tumingin naman ako sa wall clock, alas onse na pala. Ilang oras din pala akong natulog sa kakahintay sa kanya. Ininit ko nalang ulit at sinigang at kumaing mag-isa, kahit na hindi ko na kaya ay inubos ko pa rin ito. Sayang naman kung itatapon lang, Alam kung mapapanis na ito bukas kung magtitira pa ako. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at hinugasan na rin ang platong ginamit ko. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas. Hindi muna ako natulog, nakatulala lang ako at nakatingala sa kisami.. Araw-araw nalang ba ganito ang takbo ng buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD