Tatlong araw akong nanatili sa hospital dahil sa mga isinagawa pa na mga tests sa akin. Nabigyan din ako ng ultra sound at doon ko napatunayan na buntis nga talaga ako. Napahawak ako sa tiyan ko na manipis pa lamang at napabuntong hininga. Hindi ko maiwasang malungkot, dahil sa tatlong araw ay hindi na rin bumalik si Ace kaya mag-isa lang ako. Mag-isa lang ako na haharapin ang lahat ng ito. Pagkadating ko sa Hotel Inn na tinutuluyan ko ay agad akong nag-impake ng mga gamit ko. Nang matapos ay nag check-out ako saka nag-antay ng tricycle sa labas na maghahatid sa akin sa bus terminal papuntang Aldwyne. Habang nasa loob ng tricycle ay hindi ko na naman maiwasan na hindi umiyak. Nanatili rin ako dito ng halos tatlong buwan at nakakalungkot lang dahil ang kaibigan na pinagkatiwalaan ko

