'Sorry Ace, hindi ako makakapunta dyan. Maraming kailangan tapusin sa school at may volunteer pa kaming pupuntahan.' 'Take care always. Miss you both pero hindi parin talaga akong handa na makita siya.' Agad kong sinara ang laptop ko nang matapos ako sa pagtatype sa message ko kay Ace sa skype niya. Tumayo na ako at kinuha ang body bag ko saka lumabas ng kwarto. Nagdiretso ako sa kusina at naabutan silang nag-uumpisa ng mag-agahan. Umupo ako sa tabi ni Mommy Heather at nginitian sila. Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila tungkol sa negosyo at bakasyon na pinaplano ni Mommy since last month dahil malapit na ang semestral break ko sa school. Nabago na kasi ang academic calendar ng St. Bernadette at ginawa na itong trimestral. Kaya tuwing April, August at December ang bakasyon na

