Hindi ko na muling nakita si Lawrence pagkatapos ng araw na iyon, pati narin si Jared at Ace. Nagtagal ka pa ako ng isang linggo sa ospital bago makalabas nang masigurong naghilom na ang tahi sa tiyan ko. "Sigurado ka bang sa kanila ka, titira, anak? Pwede ka namang bumalik sa bahay." Umiling ako kay Mommy Reina at tinignan ang dalawang kapatid ni RJ sa likod niya. Nginisihan ko ang mga iyon bago tumingin kay Mommy. "Ayoko. Alam ko naman na ayaw niyo rin ako doon, mahihirapan lang akong pakisamahan kayo, saka doon na nga ako lumaki diba? Hindi ba kayo nagsasawa sakin?" Sabi ko saka winakli ang kamay niya. Parang naiiyak siyang bumitaw sa paghahawak sakin at tumingin lang. "What's wrong with you, Nikki? Hindi ka naman ganyan dati!" Sigaw naman ni Rafael mula sa likod sabay dalo sa nan

