"Okay ka na ba?" Tumango ako sa tanong niya at napakagat sa labi ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ko makapaniwala na muli ko siyang makikita, huling kita kasi namin ay parang galit na galit siya. "Buti at walang nangyari sa inyo ni baby. Gago talaga ang babaero na yun!" Wika niya na nagpatingin sakin sakanya. "Hindi babaero si Harvey." Depensa ko. Sarkastiko siyang tumawa at napatayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko. "Hindi? Anong tawag mo sa kanya? Manyak? Rapist? May pa-no strings attached pa siyang nalalaman." Anito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ba, Ace! Huwag mo ngang pagsasalitaan ng kung anu-ano si Harvey!" "Tanga ka pala talaga, Harlene." Napailing-iling siya at humalukipkip saka mataman akong tinignan. "You told him that you are pregnan

