Cassandra POV
"Hindi pa rin naman siguro nagbabago taste ng kapatid mo right?"
"Yes, iyong dati pa rin ba ioorder mo?"
"Off course."
"Alam mo Mii natatawa na lang ako sa inyo at parang ikaw pa nanliligaw sa kapatid ko at iyong kapatid ko naman pa hard to get."
Natatawang sabi ko namn.
"Hayaan mo na, ganun talaga kapag in love ka. Mararanasan mo din yan."
"Paano ko pa mararanasan kung ikakasal na ako."
"Ay oo nga pala Mii, sorry nawala sa isip ko. Anyway, sama ka ba sa akin sa loob ng Cafe or ako na mag order para sayo."
"Tara na Mii, ayoko maghintay dito sa sasakyan."
Nandito kami sa favorite Cafe ni kuya na naging favorite na rin namin ni Ashley, tambayan na din namin ito tuwing gusto namin mag unwind.
"Welcome to Fina's Café. Ano pong order niyo?"
"Two matcha cheesecake Tea, one order of pistachio cheesecake and one box of mix macarons."
"Sa inyo po miss."
"Blueberry lychee Ade and blueberry cheesecake."
"Take out or dine in po."
"Take out."
Bagong employee yata ng Café kaya hindi kami nakilala. Kilala na kasi kami ng may ari ng Café na ito. Memorize na rin nila orders namin.
Naghintay kami ng five minutes bago dumating ang aming orders.
"Ito na po ang orders niyo, thank you for coming po."
Lumabas na kami at nagdiretso sa sasakyan. Dali dali ko itong pinaharurot papunta sa Aeli Modeling agency. Yes you read it right, naka pangalan sa akin ang ibang kumpanya namin.
"Mii hintayin mo ako sa lobby, mag park lang ako."
"Sige Mii."
Pagkatapos mag park ay pinuntahan ko na si Ashley.
"Tara akyat na tayo?"
"Let's go!!
Napansin ko ang pamumula ni Ashley habang papunta kami sa office ni kuya, ginamit namin ang private elevator ni kuya dahil may sarili namn akong card para sa lahat ng elevator.
Nasa station niya ang secretary ni kuya kaya alam kong walang ginagawa or hindi ito masyadong busy.
"Ate Sarie, busy si kuya?"
"Hindi po miss Cassandra, pasok po kayo."
"Thank you ate Sarie."
Walang katok katok na binuksan ko ang door ng office ni kuya.
"I told you Sarie huwag magpapasok ng walang paalam!"
"So hindi ako welcome dito kuya? Ganun?!"
"Sorry Cass, akala ko bumalik nanaman iyong anak ni Mr. Alejandro na si Liera."
"Sino kuya?"
"Nevermind,hindi iyon importante. Have a sit."
Baka si ate Liera ang tinutukoy ni kuya, hindi ko kasi narinig ang pangalan na binanggit niya.
Bigla kong tinignan si Ashley at bigla siyang natahimik, tahimik naman talaga siya kanina pa pero ngayon lang na kaharap niya si kuya ay hindi siya umiimik.
"Kuya binilhan ka ni Ashley ng favorite mo."
Doon lang parang nawala ang mga iniisip ni Ashley.
"Hello Kiane, ito oh para sayo."
"Thank you."
Napansin din yata ni kuya ang pagbabago bigla ni Ashley pero binalewala niya ito.
"So what brings you here?"
"Gusto lang namin bumisita kuya."
"Right, we just want to hangout here. Marami kasing mga hot models dito diba."
"Huwag mong sinasali sa mga kalokohan mo itong kapatid ko Ashley."
"Ano ka ba Kiane, supportive lang sa akin si Cass."
"Kuya pwede ba naming bisitahin ang studio?"
"Sure Cass, let's go. Samahan ko na kayo."
"No it's okay kuya kung may ginagawa ka."
"Tara na, ngayon lang naman ito at ngayon lang kayo ulit bumisita."
Napansin ko ang mabilisang pagpunas ni Ashley sa kanyang luha matapos kaming talikuran ni kuya. I'll just ask her na lang mamaya.
"Cass tignan mo oh, ang hot nung naka white shirt sa dulo."
"Do you like him?"
Yes, ipakilala mo ako dali!"
Sa iba hindi mapapansin ang pagbabago ni Ashley pero para sa akin kitang kita ko ang biglaan niyang pagbabago. Iba ang pinapakita niyang saya at hyper magkaiba sa totoong siya.
"Sige tara." "Kuya ipakilala ko lang ha."
"Sige Cass, may kakausapin lang ako. Nasa labas lang ako kapag tapos na kayo."
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni kuya noong sabihin ni Ashley na gusto niyang makilala ang isa sa models.
"Hi excuse me, Dave si Ashley Bestfriend ko. Ashley si Dave isa sa models dito at anak ng kaibigan ni dad."
"Hi Ashley, nice to meet you."
"Nice to meet you too Dave."
"Iwan ko muna kayong dalawa para makapag usap kayo."
"Sige Mii, thank you."
Tinitignan ko ang galaw ni Ashley at ngayon ko lang naisip na nagsimula ang pananahimik niya simula nung binanggit ni kuya iyong anak ni uncle Alejandro na si ate Liera. Nagseselos si Ashley kay ate Liera at gumagawa ng paraan si Ashley para balewalain ito. Also, kuya is jealous of Ashley talking to Dave.
Haynako, eh kung kidnapin ko kaya itong dalawa at ipunta sa isla?
"Tara na Cass."
"So kamusta ang usapan niyo ni Dave?"
"Nakuha na namin ang number ng isa't isa at friends na din kami sa social media."
Habang palabas ng studio ay gusto ko siyang tanungin.
"So, okay ka lang ba?"
"Oo naman, bakit mo naman biglang naitanong?"
"Huwag nga ako pagsinungalingan mo Ashley? Kilala kita."
Sasagot na sana si Ashley ng makita namin si kuya. Kaya tinignan ko na lang siya na hihintayin ko ang sasabihin niya mamaya.
"Cass kailangan ko ng bumalik sa opisina."
"Sige kuya." "Ashley mauna ka sa elevator, kausapin ko lang si kuya."
"Sige Mii, sunod ka agad."
Nang maka alis si Ashley ay tinignan ko si kuya.
"Talk to her kuya bago pa siya mawala sayo."
"What do you mean?"
"Ikaw na bahalang mag isip kuya, kung ano ang alam mong magpapasaya sayo gawin mo. Baka ikaw magsisi sa huli. Bye kuya."
Nakatayo lang si kuya doon sa pinag iwanan ko sa kanya. Iniisip siguro niya kung anong ibig kong sabihin.
"So, tell me."
"I got jealous kaya gumawa din ako ng paraan para magselos siya pero umasa lang ulit ako na may nararamdaman din siya sa akin."
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo Mii? Ngayon ka pa talaga bibitaw kung kailan mahal mo na siya."
"Siguro iiwasan ko na lang muna siya sa ngayon. Buti na lang training natin next week kaya maiiwasan ko talaga siya."
"Tara na, hatid kita sa sasakyan mo."
Alam kong kapag nakapag isip isip si kuya ay gagawa na siya ng paraan.
My brother love my bestfriend, he never show it but I can tell it by observing him. Iba ang galaw ng kuya ko kapag nasa malapit si Ashley. Alam ko din na iniisip ni kuya na malayo ang edad nila sa isa't isa pero sabi nga nila walang pinipili ang pag-ibig mapa edad man ito.