DOC-098238251

1736 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Pagkatapos ng rampa ni Aljun ay ang sayawan. Non-stop. Syempre, nakisayaw rin ako bagamat sabi nga nil, puro kaliwa ang aking mga paa dahil hindi naman ako marunong talaga at wala akong hilig sa pagsasayaw. Pero ganyan naman talaga ang disco. Basta may maigalaw ka lang sa katawan, puwede na. Walang pakialaman. Nahinto ang aming pagsasayaw nang biglang may nag-announce. “Ladies and Gentlemen! It’s my pleasure to bring back to you this year’s jackpot prize in the person of – yes you know who I’m referring to – Mr.  Aljun Lachicaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!” Muling naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Lumabas si Aljun sa huli niyang suot na jeans lang. Rumampa sa gitna ng satage, nagpose sandali, hinaplos ang hubad at matipunong dibdib pababa habang ang mga mata ay nang-aakit, kagat-kagat pa ang kanyang mga labi na mistulang isang taong nasasarapan at nag-iinit. Noong ang kamay na humaplos sa kanyang dibdib ay nakababa na sa kanyang pusod, sinalat nito ang butones ng kanyang pantalon at muling binuksan ang zipper. Naghiyawang muli ang mga tao. Rumampa muli si Aljun sa pahabang rampa, galing sa stage patungo sa mga audience. Hindi pa rin matigil-tigil ang hiyawan ng mga tao. Kitang-kita ang kanyang bukol sa ilalim ng kanyang puting underwear. At ang lalo pang nakadagdag-kilig at aliw sa mga tao ay ang nakita sa kanyang potura na kahit alam niyang hindi siya sanay sa ganoong pagrarampa, panunukso at pagdisplay ng katawan, sige pa rin siya. At halatang-halata rin ang kanyang pigil na pagtatawa sa sariling kabulastugang pinaggagawa. Kaya lahat ng mga tao aliw na aliw sa ipinakita niyang pagka-sport. “Grabe! Ang cute naman niyang tingnan!” ang sigaw ko sa sarili, hindi maikubli ang excitement at paghanga. Naki-hiyaw n rin at nakipalakpak. Pero nagging sobrang wild ang hiyawan ng mga tao noong ‘di namin inaasahang hinubad niya ang kanyang pantalon at nang natanggal na ito ay inihagis niya sa gitna ng mga kababaihan. Nagkagulo ang parte kung saan hinagis ni Aljun ang kanyang pantalon. Naghihilahan, nagsisigawan. Nagtawanan ang mga tao. At ang sunod na tumambad sa aming mga mata ay ang halos hubad na na katawan ni Aljun. Grabe, Parang isa siyang model ng underwear, iyong nasa malalaking billboard sa highway at ang mga litrato ay nakadisplay sa cover ng brand. Proportioned ang katawan niya, ang ganda ng abs na pansin ang mga linya ng bawat pack, ang chest ay sculpted at kung titigan mo ang mukha ay napakaguwapo. Isang Adonis kung saan ay lahat ng babae at bakla ay magpapantasya!   Dagdagan pang naka-paa lang sya, para sa akin ay iba ang dating. Wild, at handang makikipagbakbakan!   Ngunit ang mas nagpapainit sa aking katawan ay ang bukol na nasa ilaim ng kanyang boxers short. Bakat na bakat ang nasa loob nito. Bagamat pansin sa namumulang mukha ni Aljun dahil sa hiya, game na game pa rin siyang nanunukso, kahit paminsan-minsan itong nahihinto dahil sa kanyang pagtatawa sa matinding kahihiyan.   Nagsipulan ang mga lalaki, nagtitilain at naghihiyawan naman ang mga babae, pati ang ibang guro at administrator na kinilig ay nakitili rin.   “Bro... I love you na!” ang hiyaw ng isa sa mga barkada niya.   “Bro... pa-kiss nga dyan!” ang biro din ng isa pa.   “Pare... Syeeettttt! Angsarap mo pala!” dagdag pa ng isa.   “Tol... mamaya, date tayo ha?” hirit din ng isa pa.   “Brod... pahipo naman!”   At lahat ng ito ay tinawanan lang ni Aljun. Minuwerstrahan niya sila ng finger heart sabay giling ng kanyang katawan sa harap nila mismo. Pagkatapos ay iginapang niya ang isang kamay sa kanyang dibdib pababa sa kanyang umbok habang ang isang daliri sa kabilang kamay naman ay iginuri-guri niya sa kanyang mga labi at ang mga mata ay nanunukso.   “Woohhhh ang sarappp!!!” sigaw ng mga barkada niya na nasa gilid lang ng rampa. “Nag-iinit kami, pare! Orgy tayo mamaya!” ang biro nila. Noong matapos na si Aljun sa pagrampa, bumalik ito sa likod ng stage.   Nagsalita muli ang emcee. “Ladies and gentleman... Cool Guys, Inc president will have a very special announcement to make before we proceed with the raffle on the Jacpot prize boy. Please welcome, Troy De Mesa!” Nagpalakpakan ang mga tao at syempre, nagtatanong ang mga isip kung ano ang announcement na iyon. “This may be a good news for everyone who wants to take a share of our top prize boy. Just a few minutes ago, the board of directors of the CGI had a brief and unscheduled meeting and decided, with the consent of course of our top prize boy, that whoever wins the raffle, Aljun starts his “slavery” four days from today, or four days after the proclamation of the winner. This is because tonight, someone will go home and enjoy a 24-hour service from our top prize. We will have an auction for Aljun!” Naghiyawan uli ang mga tao. “Waaahhhh! Ibang kunsepto!” sigaw ko sa sarili. “May ganoon talaga?” ang sambit ko sa kaibigan ko. “Sabi ko nga sa iyo, ‘di ba? Kakaiba ang grupo na ito... masaya liberal ang approach ngunit malalim. Imagine, mas madagdagan pa nila ang kanilang malilikom na pera para sa kanilang charity.” Lumabas uli si Aljun, nakangiti, pumuwesto sa gitna ng stage at nagsayaw-sayaw, hinayaang nakabukas ang kanyang zipper bagamat minsan napapatawa rin sa sarili sa kanyang pinaggagawa. “Hayyyy. Ka-cute naman!” ang sigaw ng isip ko. Nagtake over ang announcer. “Let’s start with 100. Any takers?” May sumigw kaagad ng, “One thousand pesos!!!” Na singaot ng, “Five thousand pesos!” Hanggang sa umabot ang presyo ng twenty thousand pesos. “Someone says twenty-thousand pesos!” any more takers? At may sumigaw ng, “Twenty-five thousand!” “Waahhhh! Grabe naman.” Sabi ko. Lahat ay naglilingunan sa direksiyon kung saan naroo ang nagbigay ng presyo. Hindi ko rin makita kung sino dahil sa dami ng tao. Kaya hindi ko na inalam. “So wala nang takers of more than 25 thousand?” ang tanong ng emcee. Noong wala nang sumagot, “Ok! I now declare Aljun Lachica auctioned off!” Naghiyawan ang mga tao. Pinaakyat sa stage ang nanalo sa auction. Nang makita naming lahat, isang mayamang fashion designer pala ito na nagmamay-ari ng isang malaking boutique na kumuha lang ng ilang subjects sa Business Management sa unibersidad na iyon. Napag-alaman namin na siya rin pala ang main sponsor ng event na iyon. “Ano kaya ang gagawin niya kay Aljun?” tanong ko sa kaibigan. “Fashion designer iyan. Baka gawin niyang modelo si Aljun sa mga gawa niya. Andami kayang pwedeng ipagawa niya kay Aljun. Pictorials, endoresements, modelling. Hindi siya lugi sa 25 thousand niya!” ang sagot ng kaibigan ko. Pinosasan si Aljun at ang baklang fashion designer. Iniinggit pa ng fashion designer ang mga audience nang hinipu-hipo niya ang dibdib ni Aljun at iginapang ang mga daliri sa papuntang puson. Tawa lang nang tawa si Aljun, iyong tawang may bahid na pagkahiya at pagkailang. Lalo tuloy akong nakukyutan sa kanya at parang nalilibugan sa sobrang pagka game niya. Pakiramdam ko tuloy ay may umusbong na pagnanasa sa aking katauhan. Naimagine ko tuloy na ako iyonh nanalo at ako iyong humaplos sa kanyang katawan at p*********i. “Haizzt!” sa isip ko lang sabay bitiw ng isang malalim na buntong-hininga. “And now... let us proceed with the lottery!” ang sunod na sabi ng emcee. Natahimik ang lahat ng tao nang mismong ang vice mayor ng siyudad ang umakyat sa stage upang humugot sa winning ticket. Syempre, pigil-hininga ang lahat, hawak-hawak ang kanilang mga tickets. Kasama na ako at si Fred sa kanila. Ibinigay ng vice mayor sa emcee ang nahugot niyang ticket. “DOC-098238251” ang sambit ng emcee. Kung gaano ka-excited ang lahat bago ang announcement na iyon, kbaligtaran naman nang ma-announce na ang nanalo. Hindi kami. At syempre, disappointed kaming lahat maliban sa isa. At napa-“Whoaaaaa!” na lang ako. Malapit kasi ang number ko sa nabasang numero. Hinintay namin na may umakyat at ipresenta ang kanyang ticket. Ngunit walang sumulpot. Nagsilingunan ang mga tao sa paligid ngunit. Walang sumipot. “Ok...” ang pag annunce ng emcee. “If no one shows up until tomorrow at noon time, we will have to pick another number bukas na rin at 12 noon sa student center.” Iyon na ang huling pag-announce ng emcee at ipinagpatuloy na muli ang sayawan. “Napaka-malas naman ng may hawak ng ticket na iyon...” sabi ni Fred. “Nasa kanya na sana ang jackpot.” “Bakit malas? Nanalo nga, ‘di ba? Malay mo kung hindi lang siya nakadalo dahil may mas importanteng ginagawa.” “Sabagay…” Umuwi kaming bagamat hindi nanalo ay sobrang enjoy naman sa sayawan at syempre busog na busog ang mga mata dahil sa sobrang yummy ng mga palaban CG-Inc boys. “O, sa iyo na yang ticket ko!” ang sabi ko sa kaibigan ko sabay sauli sa kanya sa ticket. “Tange! Hindi pa tapos ang laban! May raffle pa bukas! Malay mo hindi sisipot iyong nanalo.” “Iyan ay kung hindi sumipot. Pero kahit na sumipot man iyon, hindi rin naman ako mananalo d’yan. Hindi ako maswerte sa mga paraffle.” “O sige na nga! Ako na lang ang magtago nito,” Ang sagot naman ng kaibigan ko. “Daming satsat!” ang pagmamaktol niya. ----- Hapon kinabukasan, nasa library ako nang nagtatakbo naman patungo sa inuupuan ko si Fred. Tila hinahabol ng ulol na aso. Hingal-kabayo. “Jun! Jun!” ang sigaw niya. “O. ano na naman iyan!” ang sagot ko. Nag-aaral kasi ako dahil may short quiz kami sa sunod na subjet. “Hinaan mo ang boses mo nakakahiya sa mga nag-aaral!” ang sagot ko noong mapansing nagsitinginan na naman ang mga tao sa amin. “Wala akong paki sa kanila!” “E, huwag mo akong idamay kung wala kang paki sa mga tao!” “Idadamay kita, friend dahil…” hindi naituloy ni Fred ang sasabihin dahil sa paghahabol pa rin niya sa kanyang paghinga. “Dahil???” ang inis kong paggiit sa tanong.  Hinimas-himas ni Fred ang kanyang dibdib upang mapakalma ang sarili. “Ticket mo ang nabunot. IKaw ang nanalo sa jackpot, Friend!!!” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD