By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- “T-talaga? Ipakilala mo ako sa nanay mo?” ang malakas at nabigla kong pagbigkas, ang mga mata ko ay nanlaki dala ng sobrang excitement at magkahalong kilig at saya. Natawa siya. Marahil ay hindi niya inaasahang matuwa ako. Inaway ko kaya iyong tao noong nakaraang araw at hindi kami nag-imikan hanggang sa pag-alis niya. Nang mapansin ko ang reaksyon niyang nagulat, mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan. Kaya bigla rin akong bumawi.“I mean... bakit mo ako ipakilala?” ang tanong ko at kunyari ay nagbago rin ang aking mood, ipinapakitang may inis akong naramdaman at hindi interesado sa kanyang sinabi. “Bakit ayaw mo?” “A, e, ano… g-gusto naman. Pero bakit?” “E, gusto naman pala e. Huwag ka nang maraming tanong. Bak

