chapter 2. First day

2030 Words
ashley pov. Pagka graduate ko ng high school ay sumama akong lumuwas papunta dito sa maynila upang mag trabaho mahirap man na lumayo kila nanay pero kailangan. Mahirap lang kasi kame sa aming probinsya at mas lalo pa kame naghirap noong mawala ang aking papa. Kaya simula noon ako na ang katulong ng aking nanay sa paghahanap buhay. Ako si Ashley Gomez "a.k.a" prinsesa ng mga gulay. Yan kasi ang tawag nila sa akin dahil lagi akong nagbebenta ng mga gulay para may pambili kami ng bigas kasi kung hindi ko yun gagawin ay wala kaming makain. I'm a simple lady, sexy and beautiful and I have a big heart he-he-he.. Pagdating ko dito sa manila sobra akong namangha dahil ang daming magagandang bahay at marami din mga restaurant na kung saan pwede kang kumain. Yun nga lang ang daming usok ng mga sasakyan di tulad sa probinsya. Pagdating namin dito sa maynila ang tita ni Anna ang sumundo sa amin sa terminal. tapos kinabukasan ay agad niya kaming sinamahan kung saan daw kame pwedeng mag apply ng work. Excited kaming tatlo na magkatrabaho, pagdating doon unang nag pasa nang requirements sila Anna at Levi, at ako ang huli sila din ang unang inin-terview-hin. Pagkatapos silang i-interview lumabas ang manager nang restaurant at sinabing hindi na sila tatanggap ng aplikante dahil kumpleto na sa empleyadong kailangan nila. noong mga oras na iyon i gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko ng aking sarili. na umiyak malungkot at bagsak ang aking balikat habang umuuwi kami. pagdating sa bahay ng tita ni anna doon pa ako umiyak dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko na tumulo. dahil sa hindi ako tinanggap sa trabaho in aplayan namin pati kaibigan ko ay nalulungkot din para sa akin pero wala naman silang magagawa kinausap na namin kanina ang manager kung pwede tanggapin nalang niya ako pero ayaw talaga ng pumayag. Kaya sabi ng tita ni Anna maghahanap nalang daw kami ng iba total marami pa naman daw pwedeng aplayan disenteng trabaho. kinabukasan ay duty na nang tita ni anna pati narin sila anna at levi. kaya ako na lang ang naiwan at ang pinsan ni anna sa bahay. nung umalis na sila papuntang kani-kanilang trabaho ay labis akong na lungkot at unti-unti narin tumutulo ang mga luha ko sa aking mata iniisip ko kasi kung tinanggap lang sana ako sa pag-apply kahapon siguro sa susunod na buwan ay may sahod na ako tapos makakapag padala na ako kila nanay sa probinsya. pagdating ng mga alas 10:00 a.m. ng umaga ay tumawag ang tita ni ana at pina papunta ako doon sa company kung saan siya nagtatrabaho. "ashley punta ka dito sa company kung saan ako nag wo-work sumakay ka lang ng taxi ako na ang bahala sa pamasahe mo papunta dito. sabihin mo lang sa driver nasa jc engineering company ang punta mo alam na iyan ng mga taxi drivers dito na lang kita hihintayin sa labas ng company ingat ka papunta rito." yan ang sabi ni tita maybelyn kaya nag madali akong pumunta sa kwarto para kumuha ng damit at maka ligo at makapag bihis na rin ng maayos para naman maging present table naman akong haharap sa kanila at para naman matanggap na ako sa trabaho. pagdating ko doon sa company kung saan nagtatrabaho ang tita ni anna ay in interview ako agad pero ang trabaho na in offer nila sakin ay maging isang kasambahay. well wala naman mali ang maging isang kasambahay dahil marangal na trabaho naman iyon kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ang trabaho inaalok nila sa akin pero pero bago ako umalis ay sinabi ko sa nag interview sa akin na kung pwede ko bang kausapin ang magiging boss ko. dahil gusto ko s'yang kausapin tungkol sa pag-aaral ko. gusto ko kasing ipagpatuloy ang aking pag-aaral while nagtatrabaho. dahil gusto kong magtapos ng pag-aaral tapos sabi ng nag interview sa akin sila na daw ang tawag tawagan daw muna nila ang kanilang boss at sila nalang daw ang mag tanong para sa akin. kung ok ba daw kung papayag na daw ito. tumango na lang ako bilang sagot sa nag interview, pagkatapos nilang tawagan sinabi nila sa akin na pumayag naman daw ito, sa hinihiling ko. kaya ang saya saya ko dahil sa wakas ay may trabaho na ako at pwede ko pang ituloy ang pag college ako. hindi na masasayang ang papunta ko dito sa syudad sa sobrang kasiyahan ko nga ay panay ang hingi ko ng thank you sa kanilang lahat. specially kay tita maybelyn dahil siya ang tumulong sa akin. bago ako umuwi sa bahay dumaan muna ako sa isang mall na malapit sa company kung saan ako pupunta kanina pagpasok ko sa mall ay pumasok ako sa cr. pagpasok ko sa cr ay para akong baliw dahil tumatawa ako habang umiiyak sa isipin na my trabaho na ako. yung mga babaeng nasa loob ng cr ay napapa ngiwi nalang habang nakatingin sa akin pero wapakels ako sa kanila ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babaeng umiiyak. hehehe wala akong binili dito sa mall dumaan lang ako para magpa aircon lang ako at mag cr oh diba social sa mall pa talaga nag cr pwede naman sa bahay. ---- kinabukasan gulat pa ako habang nakatingin sa labas ng bahay dahil may dumating na magarang kotse. dahil yun daw ang maghahatid sa akin sa bahay kung saan ako mag tatrabaho. "uy girl !! taray ha! para kanang si cinderella tignan mo sinundo ka pa talaga at ang taray mukhang napaka mahal ng kotse sa itsura palang." sabi ni baklang levi. "huh !! anong connect ni cinderella.?" "hay nako ka talaga prinsesa ng mga gulay look oh! yan na yung kalabasa na ginawang bonggang sasakyan ni fairy godmother upang sunduin ka." kaya napa ikot nalang ang eyeballs ko at sinabing "ewan ko sayo levi - yot " yan kasi ang tawag ko sa kanya kasi bayot kaya levi- yot. nag ayos na ako para sa pagpunta kung saan ako mag tatrabaho. pagdating namin doon papasok pa lang sa gate sobra na ang pagkamangha ko. kasi naman grabe gate palang ang laki na mas lalo pa ako namangha pagpasok sa loob ang laki ng lugar napa nganga ako sa ganda ng lugar hindi mo talaga maikakaila na super mayaman talaga ang nakatira dito. pagpasok mo sa gate hindi ka kaagad makakarating sa bahay dahil kalahating metro ang layo nito sa bahay. Ang ganda at ang patak ng lugar. pagkababa ko sa sasakyan manghang mangha kong tinignan ang bahay para akong malulula sa taas at laki nito. "wow". iyan nalang ang naibulalas ko habang nakatingin dito, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay. walang wala ang mga ibang bahay dito sa maynila kung para dito sa bahay na ito. habang busy kong pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay ay may matandang babae ang lumabas mula sa loob ng bahay at sinalubong ako. nagpakilalang siya daw si manang cellia pagkatapos niyang magpakilala ay inihatid na niya ako patungo sa magiging kwarto ko daw. nakita kong pumasok siya sa elevator at niyaya niya rin akong sumakay ngunit tulala lang ako nakatingin sa kanya dahil hindi ako marunong sumakay ng elevator, isa pa takot akong sumakay sa ganyan dahil marami ako napapanood sa tv na nasisira ang elevator at nakukulong ang mga tao sa loob. ngunit wala na akong nagawa noong hinila niya ako papasok sa loob ng elevator. labis ang kaba at takot na nararamdaman ko noong gumalaw at nag vibrate ang maliit na kwartong iyon na kung tawagin ay elevator. Tawang tawa si manang cellia sa inasta at sa itsura ko na takot na takot at sinabi niyang na dapat matuto na daw akong sumakay ng elevator. dahil paano nalang daw kung nandito na ang boss ko, tapos ano na lang daw kung may iuutos sa akin na dapat madaliin tapos hindi daw ako marunong sumakay ng elevator mataas pa naman daw ang hagdan. dapat daw na matuto ako dahil wala na daw ako sa probinsya nandito na daw ako sa manila. habang sinasabi niya iyon ay napapa isip naman ako na tama si manang dapat matuto na ako kasi nakakahiya at Isa pa kapag nandito ang amo ko tapos may inutos sakin na Kailangan gawin ng mabilis tapos hindi marunong sumakay ng elevator tiyak na mapapa galitan ako at ayaw kong mangyari yon. pagdating namin sa 3rd floor ay tinuro niya sa akin kung saan ang magiging kwarto ko daw. pagbukas ko ng pinto at pagtigin ko sa loob namilog talaga ang aking mata wow na wow sabrang ganda ng kwarto pang babae talaga. may bintana tapos pink ang kulay ng kwarto at may walk in closet pa ang ganda! at ang lambot pa ng kama may sarili din banyo ang kwarto grabe super ganda iba talaga pag mayaman ang may ari. maya-maya'y narinig kong nagsalita si manang cellia at sinabi magpahinga na daw muna ako para bukas dahil bukas na ako mag simula mag linis ng malaking bahay na ito. 5 floors ang bahay na ito at ang lawak kahit may mga gamit pero malaki parin ang space. kinagabihan tinawagan ako ni manang cellia dahil kakain na daw ng hapunan kaya bumaba na ako at tinungo ang kitchen, pero sa hagdan lang ako dumaan hindi ako sumakay ng elevator. habang kumakain kami ni manang cellia ay tinanong ko siya kung anong oras ba umuuwi ang amo namin. Sabi niya minsan daw gabing-gabi na pero minsan naman daw maaga pero sa ngayon daw wala ito dahil nasa ibang bansa dahil may inaasikaso doon dahil may mga negosyo din daw ito sa ibang bansa. nalaman ko rin na ang meron lang kwarto ay ang 1st floor hanggang sa 3rd floor tapos sa 4th floor ay gym daw iyon at sa 5 floor naman daw ay music room at ang office daw ni boss tapos sa taas sa rooftop ay may swimming pool. napa ahh.. nalang ako kaya pala Wala akong nakitang swimming fool kanina sa labas dahil nasa may rooftop pala wow iba din. sinabihan din ako ni manang cellia na kung maglilinis man daw ako bukas ay huwag na huwag ko daw bubuksan yung katapat na kwarto ko dahil ayaw daw iyon ni boss na binubuksan kung wala siya dito sa bahay. tsaka hindi naman daw kailangan linisin lahat ng kwarto kasi hindi naman daw iyon nagagamit kasi wala naman na daw ibang kamag anak si boss na nakatira dito. bakit boss?? kasi sinabi na sa akin na lalake ang may ari nitong bahay at ang magiging amo ko at binata daw. kala ko nga mga 10 years old palang kasi kanina nag pakilala sakin si manang cellia siya daw ang yaya ng boss ko kaya akala ko bata pa yun pala binata na. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag hugas ng maga pinagkainan namin ayaw pa sana ni manang cellia dahil sabi niya magpahinga nalang daw ako at siya na Ang mag hugas dahil kailangan ko daw mag ipon ng lakas para bukas dahil malaking bahay ang lilinisin ko pero nag pumilit ako na ako nalang ang maghugas tutal hindi naman marami ito kaya sa huli wala na siyang nagawa at pumayag nalang hindi siya nanalo sa kakulitan ko he-he-he.. Mabait naman si manang cellia pero hindi ko lang alam kung mabait ba ang boss ko. ngayon palang parang kinakabahan na ako kasi baka mala monster ang ugali nun. pero nagtataka din ako kasi Sabi ni manang cellia ang kwarto daw sa baba ay para daw sa mga maid pero bakit ako dito sa taas sa 3rd floor?? dahil ba hindi ako marunong sumakay ng elevator kaya dito ako nilagay hyssst ewan bahala na matutulog nalang ako dahil bukas magsisimula na ako sa bakbakan hahaha sa paglilinis nang malaking bahay. sigurado ako na masarap ang tulog ko ngayon kasi ang lambot ng kama at ang lamig kasi aircon o diba para na nga talaga akong princesa ..first time kong matulog sa ganito doon kasi sa probinsya banig lang ang gamit namin pero masaya naman nakakatulog naman ng mahimbing. masaya lang ako dahil first time kong matulog sa malambot na kama hehehe..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD