Chapter 11 - Victim

2368 Words
Chapter 11 Ilang beses ko ng namura si Castielle sa isipan ko. Sinasabutahe niya ang pag-didiskarte sakin ni Loyd. Kanina pa siya nakikisali and unlucky me, dahil magkaibigan pala sila Ivan at mga f**k boys—were in the same table at pinalilibutan kami ng mga babae. Syempre, kagagawan ng mga f**k boys na kasama namin. May katabi silang mga babae—lalo na ang Master Casanova syempre! Bakit hindi nalang niya pagtuonan ng pansin ang pakikipaglandi sa mga babae niya? Isa siyang malaking epal. "Nari, do you wanna dance?" tanong ni Loyd sakin nang matapos niyang inumin ang kaniyang basong may lamang whiskey. Tatango na sana ako ng sumabat nanaman si Castielle sa usapan. We're both in between Loyd at kapag kinakausap ako nito ay para siyang girlfriend na inaagaw ang atensyon ni Loyd sakin. Hindi ko alam na lalake na pala ang tipo ni Master Casanova. Ha! All girls would die! Ito pala ang sekretong petmalu nang tanyag na f**k boy sa Thaguro University. "Loyd, do you think we can build another clinic around Taguig?" tanong nito at sinalinan pa ng whiskey ang baso ni Loyd. Kailan pa siya naging generous at mabait? Tsk! Kanina pa 'ko nanggagalaiti sa lalakeng to, ah? I really don't know why he's talking about business when he's still in second-year college! Ang bata pa nga niya! But, what do I know about him? Matalino daw siya. Sobra. Knowing his family. Siguro'y bata pa lang siya'y nag-aral na ng marketing at finance kahit medicinal course naman ang kaniyang larangan. "Yes we can. May mga kilala akong fresh graduate na nangangailangan rin ng trabaho." sagot nito kay Castielle tila naging interesado kaagad. Isa pa 'tong si Loyd, e. Hindi man lang makaramdam na nilalasing na siya ng lalakeng katabi niya. Bwesit! Minsan ay mahirap maging mabait din. Naramdaman ko ang pagsiko sakin ni Erene na katabi ko. "Mukhang nagseselos si Master, ah?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Kanino?" tanong ko. "Kay Loyd..." bulong niya. Halos matawa ako. I smirked and lean on her, "Baka nagseselos sakin. Type ata niya si Loyd, eh..." bulong ko pabalik. Kumunot ang noo ni Erene ngunit ng matanto ay humagalpak kami ng tawa. Nagtaka naman ang mga kasama namin. Sinulyapan ko si Castielle. He was grinning and narrowing his eyes on me. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tumayo. Ramdam kong tiningala nila ako dahil sa ginawa ko. "Gusto kong sumayaw. Sayaw tayo, Erene?" tanong ko sa pinsan ko. Ngumiti siya ng nakakaloko at tumingin kay Ivan. "Sayaw lang kami babe, ah?" paalam niya sa nobyo at humalik pa sa labi bago tumayo. I rolled my eyes. Hindi siguro talaga ako masasanay sa kanilang dalawa. Napaka-aggressive! Naalala ko minsan ikwinento ni Erene sakin kung paano niya napabaliw si Ivan and I don't want to elaborate it. I couldn't undestand anyway. "I'll come with you." ani Loyd at tumayo narin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nagsitayuan naman sila Ivan at sasama narin daw. Halos matawa ako dahil hindi maipinta ang mukha ni Castielle. Ha! Kung type niya si Loyd edi kukunin ko sa kaniya ng makaganti naman! "Dude, tawag ka na sa itaas. It's time to get wild!" rinig kong ani Cyril kay Castielle sabay turo sa itaas kung nasa'n ang DJ na babae. "Wanna can handle it, I'm not in the mood." anito. "Sasayaw ako kamo." dugtong nito at tumayo na at tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Then he bit his lips, umarko kaagad ang kilay ko. "Nanaman? Dude, naman. Akyat na, gusto kong isayaw si Wanna!" reklamo ni Cyril. "Tsss..." "Stop flirting with Wanna, hayaan mo ng dumiskarte ang ating Master ngayong gabi." ani Yves at tumingin sakin ng nakakaloko. Hindi ko alam kung bakit nanatili pa ako dito at nakinig sa kanila. Tuloyan nakong umalis, akay-akay ni Loyd papuntang dance floor. Bigla akong kinabahan. Hindi pa 'ko nakakasayaw ng hindi lasing. Nakita ko kung paano sumayaw ang mga tao and I can't help but to watch them. "Do you know how to dance?" medyo natatawang tanong ni Loyd. Napakagat labi ako, "When sober? No. When drunk? Yes." sagot ko na ikinatawa namin. Ngumiti siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinaikot ako ng dalawang beses bago ako hilahin palapit sa kaniya kaya napahawak ako sa dibdib dahil kamuntik narin akong matumba sa ginawa niya. "Don't worry, I'll teach you." bulong niya at halos ikinatili ko ng nagsimula na siyang sumayaw hawak-hawak parin ako. He's a f*****g stranger but I can't help but feel fine with him. The electro-music was so loud and fun kaya para kaming sira ni Loyd sa dance floor, tatalon talon at iikot-ikutin ako. Ngunit biglang naghiyawan ang mga tao sa dance floor at pinanood kung paano sumayaw ang lalakeng color copper blonde ang buhok. His moves while his dancing with beat. I wasn't even aware that he have this talent! May mga babae pang nakisayaw sa kaniya at sinasabayan ang pag-indak niya. "Woah, I never knew he could dance," manghang sabi ni Loyd at hinila ako papunta ro'n. If Castielle only did that to take Loyd's attention then he did well! Lahat nalang magagawa niya! s**t! At ano ang kasunod pagkatapos nito? Tsk! May dumaang waiter na may dalang inumin. Nagulat siya ng hablutin ko ito lahat at ininom, nalasahan ko ang paet. It was vodka! "I'll pay for this, thanks!" ani ko sa waiter at lumapit na sa mga nagsasayawan. Lintek lang ang walang ganti, Castielle Ongcuanco! Biglang nagtama ang mata namin ni Castielle. Malamig ang tingin niya sakin ngunit nakangisi siya habang ipinapakita ang kaniyang hidden talent sa pagsayaw. Hiyawan ang mga tao at mukhang sinuportahan ng DJ ang sayaw na gusto ni Castielle kaya't nagmistulang hip hop ang sayawan. People pushed me in front and Loyd dance with me. He's good but the f**k boy is much better. Sinayaw ako ni Loyd pero ramdam ko ang paglapit ni Castielle samin. Hindi ko mapigilang tapatan ang kaniyang mga moves dahil nakahiligan ko rin ang pagsayaw noon. I showed him my moves and arched my brows at him. He smirked at mas lalong lumapit sakin at nagpakita ng isang groove na nakita ko na sa Step Up movie. I did some routine na ikinangisi ko. I really didn't know I could do this though. Ang tanging alam ko lang ay gusto kong mainis ang lalakeng nasa harap ko at hinding hindi ako papatalo. Hiyawan ang buong dance floor at pinalilibutan na kami. Nagmistulang dance competition ang naganap. Magkaharap kami ni Castielle sa gitna at walang humpay na naglalaban through showing our grooves and moves. I don't know how I gain my confidence. Maybe because may tama nako dahil sa vodka'ng iniinom ko kanina pa? "Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya ng lumapit ako sa kaniya. Ngumisi lamang siya. Biglang nagbago ang masiglang music. Bigla itong naging malamya at sensual. Nagulat ako ng hilahin ako ni Castielle kaya tumama ako sa dibdib niya. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kung gaano kalapit ang aming mga mukha. Napaatras ako ngunit kaagad niyang pinulupot ang kaniyang mga braso saking bewang. "Not too fast, baby..." aniya at mas ilapit ang katawan ko sa kaniya. "Let go of me!" hiyaw ko ngunit nagsimula na siyang ihele ang aming katawan sumasabay sa musika. "I didn't know you have the talent..." aniya at tumingin sakin. There his infamous flirty smile appeared! His eyes were like melting me so I looked away. I kept on pushing him but he was too strong. "Stop playing around with me!" asik ko ngunit mas inilapit lang niya ang mukha niya sakin. I could almost smell his minted mouthwash with a mix of the whiskey he has drunk. "I like playing with you," he whispered. Fuck. "Pwes hindi ka nakakatuwa. Nakakairita ka. Nakakabwesit ka, alam mo ba 'yun?!" Ngumiti siya. Hindi ko talaga alam kung anong laman ng isip niya. Parang nung isang araw ay parang hindi niya ako kilala, ngayon naman ay kung makadikit siya'y wagas. And I don't even know why I'm letting him do this to me. God knows I want to avoid this f**k boy but what will I do if he's to persistent. Persistent to pester my life. "Ano bang gusto mo para tigilan mo na'ko?" mariing tanong ko sa kaniya. I tried to glance at him but his stare is burning me. I can feel my body convulsing within his gentle touch on my back while he sways our body. He smirked. "I want you, Narnia." he huskily whispers. Napatitig ako sa kaniya habang nakaawang labi. "What?" Umangat ang kamay niya at hinaplos ang aking pisnge gamit ang kaniyang hintuturo. "I said I want you," he repeated. Bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong nanghina sa sinabi niya ngunit hindi ako tanga para isiping gusto niya ako dahil gusto niya ang ako. Alam kong gusto niya lamang akong ikama. Buong lakas ko siyang tinulak at mabuti nama't nakawala ako sa kaniya. "I don't want you." mariing sagot ko at tinalikuran na siya. Ngunit ramdam kong sinundan niya ko. "How dare you walk away again? Can't you see that I want you? You better be glad about it!" asik niya mula saking likod. Biglang kumulo ang ulo ko. Marahas akong humarap sa kaniya. "Natapakan ko nanaman ba ang ego mo Master Casanova? Ba't di ka nalang pumili ng ibang maikakama nang sa gayon mabusog nanaman 'yang ego mo! f**k, I'm not someone you all play with!" hindi ko mapigilang maiyak. Staven and Castielle? Pare-pareho lang silang manloloko. Manggagamit. Mapaglaro ng damdamin. Paasa. Ano bang napapala nila sa paglaro ng damdamin naming mga babae? Biglan pumungay ang kaniyang mga mata. Akmang lalapit siya sakin ng lumapit si Erene sakin. "Let's go, Nari!" marahan niyang sinabi, galit na galit. I heard Ivan calling her pero dirediretsyo lamang itong naglakad palabas ng T'Venusa na parang walang narinig. "f**k him, Nari. f**k him! Manloloko siya! Matagal niya na pala akong niloloko!" hagulhol ni Erene sakin habang nakasakay kami sa taxi. Niyakap ko ng mahigpit si Erene. I felt my tears falling. Yes, f**k them. f**k those f**k boys. - - Inirapan ko ang mga babaeng nadadanan kong pinag-uusapan nanaman ako. Nakakainis na talaga ang atensyong binibigay nila sakin. "Narian!" nilingon ko ang tumawag sakin. Nakita ko si Loraine Ponce, ang babaeng dinahilan ko pa noon kay Papa nung magtrabaho ako kay Castielle. Ngumiti ako sa kaniya. "Loraine," ani ko at lumapit sa kaniya. Loraine is a nice girl but she belongs to a group friends kaya hindi ko siya magawang maging kaibigan. "Good thing I saw you. Ynesa wants to talk to you. Inutusan niya ko." anito. Oh yeah, I remember. She belongs to Ynesa's group. Nawala ang ngiti saking labi. "Tell her, I don't and I won't." mariing sinabi ko. "She told me what she wants at sang-ayon ako sa gusto niya Narian. Para naman makaganti na kami kay Master Casanova." aniya sa mahinang boses. Kumunot ang noo ko. "Anong sabi mo? Makaganti?" Tumango siya, "Isa ako sa mga nasaktan, umiyak at umasa sa kaniya and I want him to learn." giit niya. Umiling-iling ako. "Walang mabuting idudulot ang paghihiganti, Loraine. Hayaan mong matuto siyang mag-isa niya." Tatalikuran ko na sana siya ng magsalita siya. "Hindi mo pa ba nararanasang masaktan? Umasa sa wala?" ramdam ko ang hinanakit sa sinabi niya. Masaktan? Oo. Umasa sa wala? Oo rin. Naranasan ko at sobrang sakit. Alam kong lagi kong ginagantihan si Castielle sa mga pang-aasar niya sakin. Lagi ko mang sinasabing lintek lang ang walang ganti pero hindi ko kayang manakit ng damdamin dahil alam ko ang pakiramdam kung paano masaktan... Napapikit ako ng mariin, "Loraine, hindi parin sapat na dahilan 'yun. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinipilit niyong makipaglaro eh wala naman ak—" "Can't you see? He's interested with you. Ikaw ang kumakalat na gusto ni Castielle."giit niya. Marahan akong umiling, "Look, nakikipaglaro lang din sakin ang lalakeng 'yun and I already told him to stop kaya sabihin mo kay Ynesa tigil tigilan niya nako." "Narian, hindi mo naiintindihan. You are the first woman to reject Master Casanova and he'll be more interested if you play his game but in the end—siya ang talunan." aniya sa matigas na paraan. Nakikita kong determinado siya sa gusto niyang mangyari. I never thought that Loraine is sweet and nice but I was deceived by her sweet façade. May itinatago din pala siya. "And what will you get after you hurt him? Nothing!" "Do you think ang pananaki niya sa damdamin ko ang ikinagagalit naming lahat sa kaniya? Marami narin siyang relasyong sinira, Nari. Say for example. Yours." Nagulat ako sa sinabi niya. Does she know anything about me and Staven? Wala naman kaming opisyal na relasyon pero masasabi kong mayro'n. Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo?" "Ynesa and I know. Narian, we've been classmate when were in High School kay may alam ako tungkol sa inyo ni Staven..." Mas lalong kumunot ang noo ko, "Bakit mo naman nasabing sinira ni Castielle ang relasyong mayro'n kami ni Staven? He already said na wala siyang kinalaman sa mga litrato gaya ng sinabi ni Ynesa." naguguluhang tanong ko. Loraine smirked, "At naninwala ka naman? Narian, nakikilala mo na ba ang Master Casanova? His cousin is the Master Devil, the manipulator. They can do whatever they want." she seriously said but I sense the bitterness in her voice. Napaawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala sa nalaman. I know this notorious guy Arixton Estrebal. Ang pinangalanan nilang Master Devil dahil isa siyang bully pero ang mga nalaman ko ngayon ay taliwas sa mga alam ko noon. "They like to play with us, Narian. Magagaling sila. What you don't know, you're already their target and sad to say you're already a victim." Naikuyom ko ang aking mga kamay. Halo-halo na ang nasa isip ko. Kagagawan ba talaga to ni Castielle? Planado ba ang lahat lahat? Ngunit ano naman ang dahilan kung bakit ako ang target nila? "Ano bang gusto niyong gawin ko?" "We will be going to turn the table, Narian. We are going to manipulate him..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD