Chapter 13
Sembreak. Hindi ko namalayang sembreak na pala dahil hindi ko mahanap ang self-esteem ko. Biglang nawala ang guts ko at confidence dahil kay Castielle.
Ang dami niyang dinedate and they were all beautiful. Sobrang ganda. Mga models, anak ng mga politiko and I even saw him flirting with a celebrity singer.
Para bang bumagsak lahat lalo na't hindi na ako ginulo ni Castielle matapos kong sabihin na tigilan niya na ako. Tumigil na siya at hindi kaya ng pride ko na lumapit sa kaniya.
Baka kung ano pang sabihin niya sakin. Kesyo, ako naman ang humahabol. Tsss! Knowing that guy. Pahihirapan niya ko.
"Nakauwi na si Castielle galing Palawan. Ano nang plano?" tanong ni Erene while scrolling something on her phone.
Erene and Ivan are back together. Para silang mga sira. But, I guess naging mas selosa si Erene at mukhang may trust issue na silang dalawa. Gusto ko napang umirap.
Love is complicated.
If I don't love Staven anymore, pipiliin ko nalang ang manahimik at wag nalang ulit magmahal. Nakakapagod umintindi at masakit lang.
"I don't know if I have the guts to talk to him or even seduce him. Nakakapaghina ang mga naka-date niya this past few days. Kung hindi mga sikat na tao, foreigner naman!" sagot ko at bumuntong hininga.
"Hindi ka pa ba nasanay? Pero, sa dami ng magaganda that night, napansin ka niya at dinala sa isang motel. Ikaw lang ang babaeng ni-reject siya and believe me, hindi niya 'yun malilimutan as a guy with overflowing pride." aniya habang nakatingin parin sa phone niya.
Napagtanto kong she's in her i********: stalking Ivan's friends and who he's following.
"Wala ka paring tiwala kay Ivan kahit inexplain niya na sayong may drug yung nainom nila sa party ng kaklase niya?"
"I trust him but his friends? No. Kaya nga I'm stalking his friends para alam ko kung saan siya lalayo. I'm just protecting him. Baka mamaya, may maka-s*x nanaman siyang iba dahil sa tanginang drug na'yun, makabuntis siya! Pano na kami?" mahaba niyang litanya.
I rolled my eyes, "Ang OA mo pero may point ka."
She smiled and shrugged at bumalik sa pang-i-istalk niya sa mga kaibigan ni Ivan.
"Super ganda talaga ni Shian, ano? Yung kambal ni Sheun." aniya at pinakita sakin ang picture nito sa i********:.
I agree. She's beautiful. Nasa Coron, Palawan siya base on the location above her picture. Ngunit napansin ko ang lalakeng may copper blonde na buhok sa likod niya na may kasamang babaeng foreigner.
Halos mapairap ako. Hindi ko alam kung saan galing 'yung inis ko. Siguro dahil nakakainis at nakakairita talaga ang ugali niya. Para siyang uhaw na uhaw sa mga babae! Ughh!
"Diba magpinsan sila ni Castielle? Ba't di nalang gumaya si Castielle sa pinsan niyang si Sheun na stick to one? Sayang talaga." ani Erene, dismayado.
"Dapat talaga turuan ng leksyon ang lalakeng 'yan. Nakakainis ang pagiging babaero niya." asik ko.
"Pwede namang ikaw na ang magturo sa kaniya kung paano magmahal." pang-aasar ni Erene.
Erene doesn't know about Ynesa and her group plan. Gusto nilang isekreto namin ang balak namin kaya kahit si Erene ay hindi ko mapagsasabihan.
Buong tapang akong bumaba ng sasakyan ni Ivan. Kasama ko nanaman sila sa Prive—it feels like dejavú. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Nandito daw si Castielle ngayong gabi ayon kay Ivan. Kinakabahan ako ngunit maninindigan ako at magpapakababa ng pride muna ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang!
Of course, hindi ako sasabak sa gyera na walang armas. Naghanda ako. Planado ko ang mga sasabihin ko kapag magkaharap na kami because if I don't prepare baka magkada-utal-utal ako and I'm not gonna humiliate myself even more.
I should be fierce, stern and elegant! Kaya tinulongan ako ni Erene sa isusuot ko. I'm being fond of this dressing up game this past few days. I just felt changing myself? Gusto kong maging maganda at angat and I hate myself for being insecure.
Nang makapasok kami sa Prive marami ng tao kaagad kong inilibot ang paningin ko finding him. Maingay na at malakas na ang tugtog sa loob. It's already 10PM at ang paalam ko ay Papa para hindi na siya maghintay sakin ay matutulog ako kayla Erene for a last day of sembreak sleepover.
Mabuti nalang at mukhang abala ngayon si Papa at late narin kung umuwi. We eat breakfast together everyday at napapansin kong mas gumagwapo ang Papa ko. I think may pontensyal siyang magkaasawa ulit and I'm not going to stop it—but it depends.
"Oh look! Nasa taas siya." ani Erene sabay turo sa itaas kung saan ang DJ.
Kaagad kong nakita si Castielle. He's wearing a black statement t-shirt at mayroon siyang pulang bandana sa kaniyang ulo habang nakasuot ng headphone habang abala siya sa kaniyang ginagawa sa DJ song mixer.
Maganda ang mga tugtog niya. Kahit ako'y gusto ng sumayaw dahil talagang mapapaindak ka. I kinda have a thing sa mga music na ganito. Chainsmokers. Marshmello. I love them.
"Inom ka muna para may lakas ng loob ka," ani Erene at bahagyang humalakhak.
I chose to drink vodka dahil mukhang doon ako tinatamaan ng bongga. I put some salt in my tongue before drinking a shot of vodka.
Nakaupo kami sa isang couch with Ivan's other friends and Erene. Nakatingin lang ako kay Castielel sa itaas. I don't know how to approach him, really.
"Bababa pa kaya siya?" tanong ko kay Erene.
Nilingon niya ako habang nakangisi dahil mukhang nagkakatuwaan sila ng mga kaibigan niya and be being antisocial tahimik lang ako.
"Oo naman. Kapag nandito 'yan, 2in1. DJ na bartender pa kaya ang laki ng sweldo niyan rito dahil siya ang nagpapasikat sa Prive." sagot niya.
I won't gonna asked her if where did she get that information dahil mukhang alam ko na. Her friends of course! Mukhang madalas talaga siya dito. Party girl si Erene at may boyfriend ring kasing ugali niya. Buti nalang hindi sila sumabog ni Ivan.
Ilang shots na ang nainom ko. I decided to drink before talking with that guy para magkaroon ako ng lakas ng loob. Bahala na si wonder woman.
I sipped my last shot when Castielle gave the DJ spot to a girl which I assume it's Wanna Pascual. I know this girl. Sa kabilang school siya at pareho lang silang magaling ni Castielle.
It was my cue to stand up. Ngunit biglang natigilan ng salubungin siya ng napakaraming babae. Gusto kong mapasentido. I don't want to be one of them! Damn it!
"Mukhang pipila ka pa, dear couz!" halakhak ni Erene.
Sumalampak muli ako sa pagkakaupo sa tabi niya. "Ano ng gagawin ko? As if namang mapapansin niya ako, eh ang dami daming babae oh!? Ang tataas pa! Dapat talaga pumayag nakong suotin 'yung 5inch heels mo, eh!" inis na inis kong sinabi.
"Ay nako! Wag ka ngang nega! Eh ano naman ngayon kung maliit ka sa kanila? Diba't mas napapansin 'yung naiiba?" patanong niyang sinabi while wiggling her brows.
"Bahala na nga." sabi ko at matapang na tumayo at naglakad papunta sa bar counter kung nasa'n si Castielle.
Parang dejavú talaga. Katulad din ito noong gabing dinala niya ko sa motel. Pumunta rin ako sa bar counter at katulad ngayon marami paring babaeng gustong mapanood ang kaniyang flaring at ang paggawa niya ng masasarap na mix ng cocktail.
Nang makarating ako, as usual, buhok lang ni Castielle ang nakikita ko. Ang tataas kaya ng mga upuan idagdag mo pang ang tatangkad din nila. Damn!
Para akong batang sumisilip. Nakatingala nako at konte nalang parang gusto ko ng luksuhin para makita si Castielle at masabi man lang ang katagang 'I need to talk to you' ngunit paano ko naman magagawa 'yun, ni ang masilip siya di ko magawa.
Pakiramdam ko tuloy parang ang hirap niyang abutin when infact nung mga nakaraang araw, lagi niya kong pinepeste na maihihiling mo nalang na sana tantanan kana niya.
Di kaya tama ang sinabi ng lalakeng yan na ang swerte ko dahil napansin niya ang katulad ko? Tsk! Ang hambog talaga ng isang 'yun pero mukhang tama siya ah? Bwesit talaga siya.
Another dejavú when some woman stood up kaya naman nakita ko na si Castielle at mukhang nagulat siya ng makita ako. Uupo na sana ako ng halos mahulog ako sa high stool chair dahil inunahan na ako ng isa pang babae.
Fuck! Tangina.
I feel stupid and desperate! Ngayon ko lang to nagawa! f**k! I want to give up at kausapin nalang siya sa school pero nagkaroon ako ng pag-asa ng biglang umalis ang babaeng nang-agaw sa upuan ko.
Sinamaan niya pa ako ng tingin bago siya umalis. My brow arched. Anong problema nun? Kaya naman umupo nako sa upuan. Halos nagpalakpakan ang mga babae dahil sa ginawang flaring ni Castielle.
Nakita ko ang mga babaeng nakahilera. f**k, I can't help but to feel insecure. Ang gaganda nila at halos labas na ang kaluluwa. Kamusta naman ang tube dress na suot ko, ano?
Para silang mga pagkain na pagpipilian ni Castielle. Ang gaganda nga pero mukhang walang utak. They were all deceived by Master Casanova.
Nakatingin lang ako kay Castielle, not leaving him in my sight at mukhang nakaramdam naman siyang may matang nakatitig sa kaniya and that was me—napansin niya ang titig ko kahit maraming nakatitig sa kaniya.
Siguro nga tama si Erene. Napapansin ang naiiba. Naiiba ako dahil ang pagtitig ko sa kaniya'y masamang masama. Pwede siyang mausog. Paanong hindi eh live lang naman siyang nakipalampungan sa babaeng katabi ko kanina. They did not kiss pero landian oo.
Tatawagin ko na sana siya pero lumipat naman siya sa babaeng katabi ko sa kabila. Nagtaka nga sila kung bakit nilampasan ako ng gunggong. Isa-isa pala silang binigyan ng shots.
"Castielle, hindi mo pa ko binibigyan ng shot ko," sabi ko ng mapatingin siya sakin.
Hindi niya ako pinansin. Ang mga babae niya'y pinagtawanan ako. They all looked at me na para bang hindi ako belong. Hindi ako type.
Kung pwede lang mag-walk out ginawa ko na. Napakagat labi ako at tinapunan ng masamang tingin si Castielle na nakangisi lang tila nagugustuhan pa ang nangyayari.
Bwesit! "Castielle I need to talk to you." mariing sinabi ko.
"Wow, you're too full of yourself naman to say that. Hindi ba halatang ayaw sayo ni Castielle?" the girl in the side say with a mocking looked.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi kita tinatanong. Tsss! May sasabihin lang ako sa kaniya pakialam mo ba diyan?"
Naiinis ako. Uulitin ko. Tahimik akong babae at antisocial pero maldita ako. Palaban ako.
Nakita kong mukhang napikon siya sa sinagot ko pero napigilan niya pa kaya humalakhak nalang siya na may halong pangungutya.
"You sound so desperate, b***h! If I were you aalis nalang ako because you don't belong here. Look at you?"
"Stop it, babe. Wag mo na siyang pansinin." malambing na sabi ni Castielle sa babae.
Bigla namang umamo ang bitchesa, "Paalisin mo na kasi, babe. Like how mo pinaalis the other girl kanina." tukoy niya siguro sa babaeng umalis.
Napairap ako. Kumukulo ang dugo ko sa babaeng to. Kung hindi lang siya malayo sakin nasabunutan ko na siya.
"Diba't siya 'yung babaeng nakasayaw mo sa T'Venusa, Cas?" tanong ng babaeng katabi ko at tinaasan pa ako ng kilay tila sinusuri ako.
"Siya rin ang babaeng gusto mo raw sabi ng pinsan ko sa Thaguro." ani naman ng isang babae.
Napaawang ang bibig ko. How can they be so straightforward? Napatingin naman ako kay Castielle. Bigla siyang natawa.
"Marami akong nagugustuhan. Maraming nakakakuha ng interes ko. Ngunit agad din akong nawawalan ng gana."
"I'm sure she's not good, diba?" sabi ng babaeng bitchesa, insulting me.
Naikuyom ko ang kamay ko at mas lalong kumulo ang dugo ko dahil ngumisi lang ang walanghiya. f**k. I'm done. I'm f*****g done.
"Kung mag-usap kayo parang wala ako, ah? Kung gusto niyo kong paalisin edi sige. Aalis ako. But it doesn't mean I was hurt by your words but because I really don't belong in this group. Grupong walang delikadesa." mariing sabi ko at umalis na roon.
Bwesit! Nakakainis sila! Lalo na ang lalakeng 'yun. Bumalik ako sa couch kung saan naroon sila Erene. Nagtanong siya pero puro mura ang sinagot ko sa kaniya. Badtrip na badtrip ako.
Nagsalin ako ng vodka sa baso at pinuno 'yun. Kahit mapait ay hindi alintana sa nagbabaga kung dugo sa loob ko.
Aaminin kong may tama nako kaya ang lakas lakas ng loob ko but now I think I want to dance and get wild. Umalis ako sa couch at lumapit sa dance floor.
Bahala na. Bahala na kung anong mangyari sakin. Nakipagsayawan ako sa mga lalakeng hindi ko kakilala. May ibang namukhaan ako at sinabayan pa ang pagsayaw ko. The song is gerting intimate kaya naman dinikitan na ako ng isang lalake.
Wala nakong pakialam kahit na ang lapit na ng mukha niya sakin at kanina pa binubulong na maganda ako at sexy. Tangina, mukhang manyak pa ang kasayaw ko.
His hand snake on my waist at mas nilapit pa ako sa kaniya habang gumigiling ako sa kaniyang harapan.
"f**k babe, I'm so turn on." bulong niya na ikinataas ng mga balahibo ko.
Gumapang ang kaniyang kamay sa balikat ko patungo sa leeg ko. When he reached my chin he lift it and he was about to kiss me when someone grabbed me with too much force kaya halos matumba ako.
Hindi ko nakilala ang lalakeng humila sakin. The dance floor gone wild at tanging ang Calvin Klein niyang amoy ang nanunuot saking ilong.
"What the f**k are you doing?" mariing tanong ng lalakeng may copper blonde ang buhok.
Nang makilala siya'y biglang nag-alab ang paningin ko. Sa galit ko nasampal ko siya.
"What the f**k, para saan yun!?"
"f**k you asshole! That's for ruining my kiss with that guy!" asik ko.
Ang totoo niyan naiinis ako dahil hindi na siya interesado sakin hindi dahil sa lalakeng hahalikan sana ako.
Nanlaki ang mata niya, "f**k! Sinampal mo ko dahil sa panget na lalakeng 'yun? Wala ka talagang taste Narnia!" hiyaw niya.
"Aba! Mas wala kang taste! Ang papanget ng mga babaeng 'yun! Ang papanget ng ugali!"
"Kung makapagsalita ka parang ang ganda ng ugali mo!"
"At least hindi malandi! Katulad mo! Malandi! I hate you!" ani ko at halos matumba na dahil hinang hina na ang katawan ko pero nasalo niya ko.
"f**k. You're drunk! Iuuwi na kita."
Umiling ako. "No! May sasabihin pa ako sayo!"
"What is it you want to talk about?" tanong niya at nagulat ako ng hilahin niya ako papasok sa bar counter.
"I want you to help me. Can you give me vodka?" I asked. "Nauuhaw ako."
Napangisi siya. "Damn girl, kung nauuhaw ka, you don't ask for vodka. You need water."
Napanguso ako. "No! I want vodka!"
"Damn baby stop pouting." mariin niyang sinabi at inabot sakin ang basong tubig ngunit muntik nakong matumba.
"Tsk, you're so f*****g drunk." aniya at nagulat ako ng binuhat niya ako paupo sa counter. He gave me the glass water so I drink it.
"So what about the help you you were saying?"
Ibinaba ko ang baso sa gilid ko at pinakatitigan siya. His eyes are staring at me and I'm melting. His lips are too kissable that I became thirsty for it.
I can't understans myself. Iba ang pinunta ko rito. I came here with a mission, yet I'm here getting deceived by his charms. He looked at me like I was his prey for tonight.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nawalan ng sasabihin. I have practiced my lines but it turns out his eyes looking at me intently making me shut up.
Napaigtad ako ng lumapit siya sakin. He cornered me with his hands. Nakatingala siya sakin. He's now between my legs while I'm sitting in front of him in the bar counter kaya mas malapit na siya sakin. I looked at his red lips. Damn it.
"Stop looking at me like you want me to kiss you..." he whispered huskily.
Fuck. I can feel the heat invading my body. I don't know why I can't push him. I like him being this close. He groaned frustratedly and bore his eyes on me intensely.
"Stop or else I'll kiss you senselessly and this time I won't allow you to ditch me."