Chapter 6 : He arrived in NAIA Airport.
"Wow ang ganda pala talaga dito sa maynila ate ed no! pero ang init dito at amoy malansa ang simoy ng hangin, ang layo sa probinsiya fresh ang simoy ng hangin. Sabi ni pol habang tinitingala ang mga nag sisilakihang mga building.
"Masanay karin pag tumatagal kana dito pol ganiyan din ako dati nung firstime ko palang dito minsan nga parang gusto ko ng umuwi sa probinsiya kasi naninibago ako dito sa maynila pero iniisip ko narin kaylangan kung kumayud para meron akong maipadala kila nanay sa probinsiya, At nung una subrang nahihirapan ako dito lalo na sa pag apply ng trabaho pero di ako sumuko hanggang sa nabangga pa ako ng isang lalaki buti nalang di ako napurohan kasi nag preno agad yung drive kaya nagagas lang itong tuhod ko! Aba sinabihan ba naman ako ng tatanga tanga. pero siyempre laking probinsiya ako kaya lumaban narin ako, siya nga ang naka bangga sakin siya pa ang galit, Ayun gusto akong bayaran pero hindi ko kinuha kasi di naman ako mukhang pera no di porket mayaman siya ang baba na ng tingin niya sa atin mga mahihrap. mahabang kuwento ni ate edlyn oo minsan na niya nabanggit yun kung tumatawag ito kay wendy. At ang pag kakaalam namin noon pumunta siya dito sa maynila meron nag recruit dito na iapasok daw ito sa isang company din na malaki ang sahod kaya lumuwas ito agad dito sa maynila pero pag dating niya dito isa pala yun kasinungalingan dahil sa isang bar na mag bibigay aliw sa mga kalalakihang mga mayayaman siya ipasok pero buti nalang malakas din ang loob nito kaya hindi siya napilit kasi kung pilitin siya ipasok sa bar na yun puwede ito mag file ng kaso at pewede din maisara ang bar na yun at kasohan narin ang nag recruit dito. Pero hindi namin sinabi sa mga magulang nito kasi ayaw daw nito mag alala ang kaniyang mga magulang probinsiya.
"Tapos anong ginawa mo? tanong ni pol.
"Sinagot ko siyang hindi pera ang kaylan ko kundi trabaho waitress pa ako sa isang restaurant noon pero ang liit ng sahod kaya nag hahanap ako ng mediyo malaki ang sahod.
"Tapos sinabihan ako ng lalaki na ipasok niya ako sa company nila para bayad daw niya sa pagka bangga niya sakin at binigay sakin ang calling card nito kasi nag mamadali daw ito kay may meeting itong pupuntahan at sinabihan niya akong mag pacheck up sa doctor at siya nadaw ang bahala sa bayad ko pero sabi ko okay lang ako kasi gasgas lang naman sa tuhod ang natamo ko nawala nga ang sakit kasi mag karoon na ako ng trabaho at booooom may instant work na ako at hindi pala basta basta lang ang company nila naka sulat kasi sa calling card nito na Vice president of ZVLJ's Corporation Marcus Darwel Cortez, Dela Torre. yan ang naka lagay sa calling card niya nagulat panga ako kasi isang kilalang company yun. Diba ang bongga ni papa MD tawang sabi ni edlyn.
Parang may na alala naman siya sa ZVLJ's corporation na ito hindi kaya sila yung may ari nun tanong niya sa sarili ng maalala sila mrs: Jackson pero impossible yun baka nag kataon lang tugma sa pangalan nila aniya sa isipan at nag kibit balikat nalang siya sa naisip.
"Insan edlyn di mo pa nabangkit anong trabaho mo sa ZVLJ's ? tanong naman ni wendy.
"Ay oo nga no kaya nag tataka siguro kayo kung bakit ko kayo naipasok agad' Ako lang naman ang instant Secretary ni Mr: Dela Torre, 'o diba bongga nung time kasi naicounter ko si sir marcus yun din daw ang time na nag resign yung dati niyang Secretary na may edad na kaya nag pahanap narin daw siya ng kapalit nito kaya ayon nga ako nalang ang pinalit ng supladong
mr: Dela Torre na yun at pinakiusapan ko siya na ireserve na yung tatlong aplicante para sa inyo kahit hindi pa ako sure kung payagan ba kayo luluwas dito sa maynila, kaya ayun sabi niya mag hintay lang daw siya ng more than 2 weeks sa inyo kung hindi padaw kayo makapag report sa loob ng more than 2 weeks na yun mag pahanap nadaw siya ng iba' kaya buti nalang dumating na kayo, sinabi ko nga kahapon ngayon kayo darating at buti nalang din day off ko ngayon every Saturday and Sunday ang day off ko kaya heto ako ngayon nag sundo sa inyo at may time pa tayo mag gura bukas para mag bili ng kakailangan niyo kasi sa monday papasok na kayo sa ZVJ's Corporation.
Masayang palinawanag ni Edlyn sa kanila ngayon alam na nila.
"Wow bongga pala ang work mo ate ed biruin mo sectary ka ng Vice pres ng malaking company may tuwa at hangang saad ni pol.
"Oo nga insan ang swerte mo parin kahit nabundol kana ni sino nga yun insan? sabi naman ni wendy ulyanin din ang isang ito aniya sa isipan nakikinig lang kasi siya usapan at paliwanag ni ate edlyn nila.
"Si Sir Marcus Cortez, Dela Torre insan. sagot agad ni edlyn.
"Yun nga ang haba naman kasi ng pangalan. reklamo ni wendy sabay kamot sa batok.
"Oo nga eh. Saka ang suplado nun subrang nahihirapan din ako nung bago palang ako panay sigaw at kunting pag kakamali ko lang ayun galit agad pero naka survibe naman ako at nasanay narin ako sa ugali niya at kahit papano naging close narin kami ng kunti lang naman hehehe. ani pa ni ate edlyn.
"Sa bagay sa umpisa lang talaga mahirap mag adjust lalo na kung di mo pa alam ang gagawin at di mo pa kilala ang katrabaho at lalo na ang boss mo. Nasabi nalang niya. Tumigil sila sa tabi ng high way para mag hintay ng taxi.
"Ay sinabi mo pa bunso Avianna at alam ko mararanasan niyo rin ang naranasan ko sa loob ZVLJ's at maraming mga plastic dun at nag papalakas sa mga may matataas na position dun kung pahuhuli ka talo ka pero pag dating kay Sir: Marcus at sa owner ng companing yun di uubra sa kanila ang mga ganun gawain ng mga empleyado kasi para kanila nasa trabaho ang basihan wala sa palakasan at palapadan ng papel sa mga nakakataas sa company. Mahabang sabi naman ni eldyn sa kanila. Tumatango tango nalang sila dito.
"Wag kami kasi lalaban kami lalo na itong si sissy Avianna, pag malaking sabi ni pol.
"Yes lalaban kami taong maynila lang sila at probinsiyana kam UummHh...Hindi na nila pinatapos ni pol ang pag sasalita ni wendy kasi sabay nila tinakpan ang bibig nito kasi alam na nila ang susunod nun kundi sigaw.. Ng bitawan nila ito huminga ng malakas tinignan sila ng masama ni pol. natawa naman sila sa itsura nito.
"Mga walang hiya kayo! sabi nito na namumula ang mukha.
"Para!! narinig nilang sigaw ni edlyn pumara na ito ng taxi. Sasabat sana si pol ng marinig namin ang sigaw ni ate edlyn na nag para ng taxi.
"O' tara na sakay na kayo!!! aya nito sa kanila agad naman sila tumalima at binitbit ang mga dala nila ipinasok agad nila sa likod ng taxi at sinara din bago sila sumakay si pol sa unahan katabi ng driver.
at silang tatlo sa likod sa gitna nila ni wendy si Ate edlyn nila.
"Saan po tayo mga miss tanong ng taxi driver na ngumiti sa kanila.
"Kuya ben parang di alam kung saan ako nakatira. sagot ni Edlyn dito.
"Uiii ma'am Edlyn kayo po pala sorry Hindi ko kayo nakilala agad lalo ka po kasing gumaganda ani ng kuyang driver kay edlyn. sila naman nakikinig lang.
"Bulero talaga kayo kuya isumbong kita sa asawa mo eh. tawang biro ni ate edlyn nila sa taxi driver.
"Asus di yun maniniwala sayo kasi kilala kana niya at nasa iisang lugar lang tayo sa makati at nasa iisang building lang din ang apartment natin tawang sagot ng kuyang driver. natawa nalang din si ate edlyn dito so it means mag kakilala ang mga ito kaya ba sila tumagal sa pag hintay ng taxi kanina kasi ito ang hinihintay ng ate Edlyn nilang dumaan sa puwesto nila.
"Ikaw talaga kuya nag text kaya ako daanan mo kami dun malapit sa terminal ng boss eh. sabi pa ni edlyn dito.
"Oo alam ko binibiro lang kita, tawang sagot nito.
"Ikaw talaga kuya palabiro, wala kasi akong tiwala sa mga ibang taxi driver dito sa maynila kaya kayo po ang hinihintay namin. saad ni edlyn dito.
"Sa bagay di talaga maiwasan ang mga malokong taxi driver dito sa maynila kaya bago kayo sasakay tignan niyo muna kung mapagkatiwalaan ang mga ito. sabi ng taxi driver.
"Kayanga po kuya. sang-ayon ni edlyn dito.
"Siyanga pala ma'am Edlyn sino itong mga kasama mo at meron pang mukhang angel na bumaba sa langit sa subrang ganda tukoy tanong nito kay avianna. Sanay na si avianna sa ganoong pag puri sa kaniya. Kahit kuntrahin niya ang ganun pag puri sa kaniya wag nalang msasayang lang siya ng laway kasi ganun parin.
"Itong sa kaliwa ko pinsan ko side sa ama si wendy, at itong pinakapangit pinag lihi ng ina sa angel dito sa lupa kaibigan ko at yan sa tabi niyo po si pol at sa iisang lugar lang po kami sa Batangas. pag pakilala ni ate edlyn nila sa kalina.
"Mga ses/sis meet Kuya Ben sa apartment din siya nakatira kung saan kayo tutuloy at siya din ang palagi kong taga pag hatid papasok sa trabaho at ganun din pauwi pero hindi yun free ha may bayad syempre malugi si kuya ben pag pafree lang ako may kambal pa naman siya binibilihan ng gatas bagong panganak kasi yung asawa. mahabang pag pakilala ni edlyn kay kuya ben.
"Hi kuya ben Nice meet you kuya. ako nga pala si Princess Avianna Castro, Smith, 24 years old. pag pakilala niya kay kuya ben nakipag kamay ito sa kaniya kasi nasa stop light pa sila grabi ang trafic dito sa maynila.
"Nice meeting you Avianna kasing ganda mo ang pangalan mo ngiting sagot nito sa pag pakilala niya.
Nginitian nalang niya ito. mukhang mabait naman ito at mapagkatiwalaan aniya sa isipan alam niya kasi kung mapagkatiwalaan ba ang isang tao o hindi sa kilos at pananalita palang nito alam na niya.
"Hello Kuya ben Ako naman si Maria Wendy Lopez, Ventura 24 years old matanda lang ako ng 5 months kay Avianna. at first cousin kami ni ate edlyn.
Pag pakilala ni wendy kay kuya ben. nakipag kamay naman agad si kuya ben dito.
"Nice meeting you Wendy kaya pala mag kamukha kayo ni Ma'am edlyn. aniya nito kay wendy. ngumiti naman dito si wendy at tumango bilang pag sang-ayon sa sinabili ni kuya ben.
"Ehemm hello kuya ben Ako naman po ang pinaka maganda at sexy sa kanilang lahat wala sila sa beauty ko, My name is Apollo Juan, Fransisco, Delmondo.
24 years old oras lang ang tanda ko kay wendy.
Pag pakilala ni pol sinabayan niya pa higikgik. ang baklang to talaga ang hangin. tumikhim nalang sila ng sabay sabay sa sinabi ni pol.
"Ay ang hangin pala dito sa loob ng sasakiyan niyo kuya ben tawang saad ni wendy.
"Nice meeting you Juan tawang sagot ni kuya ben kay pol at nakipag kamay dito. at tama tama naman nag green light na kaya nag drive ulit si kuya ben.
"Ayy grabi ka kuya ben, pol nalang po nakababang uri naman yan juan tawang sabi ulit ni pol kay kuya ben.
"At kayo diyan wag kayong kukuntra sa kaligayahan ko manahimik nalang kayo. sabi ni pol. tst aniya sa isipan umaandar naman ang kabaliwan ng isang ito aniya sa isip. Tawa lang tawa si kuya ben sa kalolohan ni pol.
And after more than 1 hours nila pag biyahe patungo dito sa tutuloyan nilang apartment narating narin nila ang trafic kasi kaya mabagal ang usad ng sasakiyan.
"Hay salamat sa wakas narating din natin itong bonggang apartment ni madam Edlyn. saad ni pol ng makababa na kami sa taxi ni kuya ben. pasado alas tres narin ng hapon.Tinignan niya ang apartments maganda din ito at nasa sampong palapag din ito.
"Isang madam pa pol di ka talaga makatuloy dito. Banta ni edlyn kay pol. kaya napatalingon siya umpisa nanaman ang mga ito aniya sa isip.
"Sorreeyy naman mad' este ate edlyn nag peace sign naman ito at mabilis kinuha ang mga bagahe sa likod ng taxi ni kuya ben.
"Tara na taas mga ses nasa 5 floor ang tuloyan niyo.
dito naman ako sa ground flood ayun sa kagustohan ng bff ko siya kasi ang may ari nito. sabi ni edlyn sa kanila. Kinuha naman agad nila ang kanilang dala.
"Salamat kuya ben, pasalamat niya kay kuya ben.
"Welcome avianna. at masaya ako kayo na pala ang titira diyan sa 5 floor nasa 4 floor naman ang samin. saad nito sa kaniya.
"Buti kung ganun kuya ben para kapit bahay tayo. ngiting sagot niya. magiliw at mabait siya sa mga taong alam niyang mabait sa kaniya. at nag paalam na sila dito na aakyat na sa taas babalik padaw ito mag pasada. Pumasok na sila sa loob ng nasabing apartment maganda naman ito sa ground floor palang maganda na Apple green ang nasa loob nito at may mahabang sofa din na green and white ang kulay halos kulay green and white ang mga nasa loob at hindi naman masakit sa mata siguro ito ang favourite color ng may ari sa apartment na ito, at meron siyang nakitang tindahan at maliit na coffee shop dito. social naman ng apartment na ito parang condo unit lang din.
"Bunso!!! napalingon siya kay ate edlyn niya ng tawagin siya nito nilibot niya kasi ang mata sa kabouan ng ground flood.
"Ano po yun? tanong niya dito.
"Wala naman ngiting tugon nito sa kaniya.
"Siyanga pala yan tindahan na yan kila kuya ben yan at yung asawa niya ang nag babantay diyan matagal na sila dito kaya binigiyan sila ng puwesto dito ng bff ko mabenta naman kasi yung mga nag rerent dito kapag tinatamad mag labas lalo na kung tag ulan diyan na silala bibili at may mga guest na nag hihintay sa pag process ng kanilang pag rent dito diyan sila bibili kapag abutan sila ng gutom sa pag hintay. at yan maliit na coffee shop samin ng bff ko yan nag shares kasi ako at ako din ang nag plano na mag lagay kami ng maliit na coffee shop dito sa loob ng apartments niya. Paliwanag nito sa kanila natuwa naman sila na mukhang mabait yung bff nito.
"At yan isang building sa kabila part din nitong building marami ang gustong mag rent dito kasi mura lang daw kapag yung pang family room ang rentahan 20k gaya sa kinuha ko sa inyo pero sinabi ko na hindi kayo naiiba sakin kaya 15k nalang daw para inyo pero wag niyo lang sabihin sa mga ibang gues dito ha. pabulong sabi ni edlyn sa kanila ngumiti at tumango nalang sila mukhang close nga sila ng bff nito.
"Okay aniya dito. at pumunta na sila sa tabi ng hagdan meron pala elevator itong apartment.
"Wow social naman ng apartment na ito may elevator pa sana all. sabi ni pol. napangiti nalang kami dito.
Pinindot ni ate edlyn ang buton nito para mag bukas at automatic naman itong bumukas' At pumasok sila sa loob di naman siya ignorante dito kasi meron din naman dun sa mga building sa batangas ito at madalas din siya makagamit nito nung aaral pa siya sa university ng batangas. Pag pasok nila nag close din ito agad at pinindot ni ate edlyn ang 5 floor.
"Buti meron ganito hindi mag kamascle itong legs ko aayat dun sa 5 floor. tawang saad ni pol.
"Oo nga hindi ako hihingalin mag akyat, Sang-ayon naman ni wendy kay pol.
"Ayy dapat lang sayo mag akyat baba para exercise mo na rin yun at ng bawas bawasan yan taba mo. biro ni pol kay wendy. Natawa naman sila ni edlyn sa dalawa umpisa naman kasi ang asaran ng mga ito.
And after few minutes huminto na sa 5 floor ang elevator bumukas din agad kaya lumabas na sila. Pumunta sila kanang pinto na may number na 10, kasi meron dalawang pinto dito maaring iba na ang may ari nun.
Kinuha ni ate Edlyn ang susi sa bulsa nito at binuksan agad ang kanilang magiging tirahan. at bumungad nga sa kanila ang maaliwalas na loob ng apartment Apple green din ang kulay ng pintura nito at may green and white kurtina sa malapad na bintana na tanaw mo yung labas mala condo unit talaga ang design nito ang ganda aniya sa isip habang papasok sila. At gaya sa ground floor meroong mediyo kalakihang sofa white and green din ang kulay at may white center table sa harap nito may Green flower bace with color pink flower pa ang cute ngiting saad niya isip.
"Wow ate edlyn ang ganda naman itong arparment na ito di ako mapaniwala na 15k lang ito ang ganda kasi. aniya kay Edlyn na umupo sa sofa madam na madam a ng peg naka dikwatro pa.
"Tulad ng sabi ko 20k ang kabouang bayad nito! sagot nito sa kaniya.
"Oo nga insan super ganda talaga at ang linis ang kintab nitong tiles parang mahiya itong paa ko aapak dito tawang sabi ni wendy habang naka tingin sa tiles na kulay light cream.
"Mga sissy bonga talaga ang ganda. tanging naisatinig lang ni pol at binuksan nito ang isang kuwarto sa harap ng sala na may sofa kung saan naka upo si ate edlyn habang hinayaan kaming libutin ang itong boong kuwarto.
"Wow bongaaaaaaa!!!! sigaw ni pol ng mabuksan nito ang isang kuwarto lumapit naman agad dito si wendy para silipin ang kuwarto.
"Waaaa ang ganda mga beshie ang lambot siguro ng kama hindi tulad sa tulugan ko sa papag lang na may banig. turan ni Wendy at buuuuggggg yun ang narinig namin ni ate edlyn kaya sabay kaming napatakbo kung saan ang dalawa.
"Arayyyyy sabay sigaw ng dalawang bata este mga isip bata pala nasa paanan ng kama at hinihimas at kanilang puwit. Natawa nalang kami ni ate Edlyn sa dalawa.
"Ayan kasi ang mapapala ng mga bata kung umasta. taas kilay sabi niya sa dalawa at pinaweywang ang mga ito.
"Ano ba kasi yan ginagawa niyong dalawa natatawang tanong ni ate edlyn sa dalawang mga paslit na naka upo parin sa paanan ng kama.
"Eh sinubukan lang namin ni pol kung malambot nga kaya sabay kaming tumakbo dito kaya ayun tumalbog din kaming dalawa. Naka ngiwing sagot ni wendy.
"Ang sakit nawala ata ang virginity ko baka malaglag na itong matres ko diko pa nakita ang hot fafa ko mag buntis sakin. ngosong saad ni pol. Natawa nalang kami sa sinabi ni pol si ate edlyn naman napaupo sa kakatawa habang hawak ang tiyan at si wendy naman napatayo sa sinabi ni pol.
"At pano ka nag karoon ng matres aber? Sa pag virgin mo maniniwala pa ako kasi alam ko naman na virgin kapa pero yung may matress at mabuntis ka diyos porsanto patawarin niyo po si Apollo juan sa kaniyang himalang imahinasyos. sabi ni wendy habang naka tingala sa kisame at pinag siklop ang dalawang kamay animoy nag dadasal para kay pol. Tumawa naman si ate sa habang naka salpak na tiles sa kakatawa. ako naman sasakit ata itong ulo ko sa dalawang ito. Tumayo naman agad si pol at binato ng unan si wendy na naka tingala parin sa kisami habang naka pikit pa ito.
Dumilat lang ito ng dumama sa mukha niya ang unan na binato ni pol.
"Walang hiya ka nag momoment lang yung tao eh sinira mo. sabay hila nito kay wendy.
"Anong moment ka diyan ang sabihin mo nangarap ka ng gising matress yang mukha mo bakla. Asar ni wendy kay pol sabay takbo nito sa likod niya kasi hinahabol siya ni pol.
"Beshie help!!! sigaw ni wendy. napapailing nalang siya.
"Puwede mag si tigil na kayo para kayong mga bata diyan eh. Pigil ko sa kanila. Akma na sana ibato ni pol ang unan sa harap niya kasi nasa likod si wendy naka tago pero bago yun tinaas na niya ang kamay para pigilan ito.
"Eeeppp one wrong move pol ihagis talaga kita diyan sa bintana, Banta niya dito, Natahimik naman ito at nabitawan ang unan.
"Sabi ko nga sissy behave na kami.. Nguso nitong sabi habang naka yuko pa na parang bata. napapailing nalang siya. Si ate Edlyn naman parang pilit tumayo dahil sumasakit na ata ang tiyan sa kakatawa sa dalawang baliw nilang kasama.
"Bukas gagawa ako ng rules natin dito kung anong dapat natin gawin at bawat isa sa atin meron gagawin dito para meron naman kayong pag abalahan dito hindi puro lang kayo kalokohan. Nakahalukipkip niyang saad sa mga ito. kasi kung hayaan niya ang dalawang ito ewan ko nalang anong mangyari minsan kasi may pagka isip bata ang dalawang ito.
"Okay agree ako diyan. sagot ni wendy sa likod niya.
"Ako din sang-ayon naman ni pol. Tinanguan niya ang dalawa.
"Siya kayo na ang bahala dito kayalangan panatilihin niyong malanis itong loob ng apartment niyo kasi ayaw ng bff Jenaira ko ang marumi at kung meron kayong nasira dito palitan niyo yun kasi lahat ng mga gamit dito binili kaya wag kayong masyadong burara aniya ate edlyn habang pinipigilan parin matawa.
" Okay ate gets namin. sagot naman niya dito. at may kinuha ito sa bulsa niya at inabot sa kaniya.
"Ito lahat ng susi dito sa loob at yung pinto sa labas meron apat na susi yun tag isa isa sa inyo para kung sinong unang uuwi meron susi at itong isa itago ko nalang for emergency na hamala niyo yan mga susi sa inyo, meron naka tago sakin. At complete na kayo ng mga gamit dito kasi inaayos ko na bago pa kayo lumuwas dito at yung kusina niyo meron ng ref dun at kung ano ano pa mga gamit sa kusina basta panatilihin niyo lang malinis itong loob ng apartment niyo. At meron namang free wifi dito kaya kahit wala kayong load no problem. mahabang paliwanag ni ate edlyn sa kanila.
"Bunso Av ikaw na ang bahala sa dalawang ito total ikaw naman ang mature mag isip kaysa dalawang ito. dagdag sabi ate edlyn sabay tingin kila pol at wendy. Tumango siya dito.
"Aba grabi ka amin ni pol insan ha. naka ngosong reklamo ni wendy.
"Totoo naman kung sino pa at mediyo bata sa inyo yun pa ang parang matanda mag isip. saad nito kila wendy pero alam niya pinipigilan lang nito tumawa ulit sa reaction ng dalawa.
"Sige ate ako na po ang bahala dito. makakaasa po kayo always clean Itong apartment at kung sakaling may masira dito sila pol at Wendy na ang bahala dun tawang saad niya. Masama naman siya tinignan ng dalawa.
"Siya sige kung may kaylangan kayo nasa ground floor lang ako.. sige babooss na kasi mamatay ako dito sa kakatawa at ikaw insan weddy umayos ka at wag kang matakaw para pumayat ka naman tawang sabi nito kay weddy sabay takbo tinungo ang pinto palabas.
"Hoyy bumalik ka dito! sigaw ni wendy kay edlyn pero mabilis na itong sumibat palabas. natawa nalang sila ni pol.
"Sige ayusin na muna natin yung mga gamit natin saan ba ang napili niyong kuwarto tanong niya sa dalawa?
"Ako yung unang pinasok namin ni sissy wendy. Sagot ni pol ang sinasabi nito yung kuwarto saan sila naglaglag ni wendy. Tumango siya dito.
"Ako diyan sa sagitna beshie, turo ni wendy sa kuwarto na katabi ng kay pol. nginitian niya ito at tumango.
"Cge ako na sa ikatlong pinto, Doon na kayo ayusin niyo na yung mga gamit niyo' utos niya sa dalawa.
Sumunod naman ang mga ito. Siya naman tinungo ang kusina na nasa harap lang ng sala meron din itong pinutuan pero naka bukas ito kaya nakikita na niya ang nasa loob nito, kinuha niya ang mga dala nilang gulay galing probinsiya at pumasok sa kusina. Maganda din ito apple green din ang kulay at may ref nga tama tama lang ang laki may oven narin siyang nakita buknasan niya ang mga cabinet comeplete nga ito ng mga gamit pang kusina. Sinunod niyang bunuksan ang ref may iilang laman ito at may iilang frozen foods sa freezer siguro si ate edlyn ang nag bili ng mga ito para meron silang maluto sa pag dating nila dito tanong niya sa isipan habang nilalagay niya sa ref yung mga dala nilang gulay may nakita narin siyang mga itlog sa egg tray ng ref, Nang matapos siya tinungo niya ang cabinet malapit sa gass stove at binuksan ito napangiti siya ng may mga sangkap sa pag luluto dito. Bukas nalang sila mg grocery kasi pagod sila ngayon mag pahinga muna sila. kasi sa monday mag uumpisa na sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay. Lumabas na siya sa kusina at tinungo ang kaniyang magiging kuwarto hindi niya pa ito nabuksan kanina, Kinuha niya ang kaniyang dalang bag at pumunta sa ikatlong kuwarto binuksan niya ito at bumongad sa kaniya ang isang maiwalas na kulay pink na kuwarto at sa tingin niya mas malaki ang kama kaysa dun sa kama sa kuwarto ni pol. nasisigurado din siya babae ang may ari nito sa kulay palang girl na girl na aniya sa isip. Tinungo niya ang kulat pink din na cabinet na may salamin sa gitna nito binuksan niya ito tanging bathrobe lang na puti ang laman nito at mga hanger. Kinuha niya ang bag binuksan ito at inayos ang mga gamit sa cabinet kunti lang naman ang dala niya kaya mabilis siyang natapos at may nakita siyang Vanity make up dresser color pink din ito at meroon susi sa drawer niya kaya dun niya ilagay ang mga mahahalagang gamit niya, tumayo siya at binuksan ang drawer na may susi at pinasok dito ang mga important things niya hehehe english yun sa isip niya at napangiti. bumalik siya sa kama at umupo dito ang lambot naman aniya isipan at napangiti at ng maalala at mga magulang sa probinsiya tinawagan niya ang number ni Aeron pero out of coverage area ito ganun din sa number ng mama niya napabuntong hininga siya at hinimas himas niya ang puting bedsheet ng kama ngayon niya nararamdaman ang pagod, pipikit na sana siya ng marinig niya ang kaluskus na wari niya nag tatakbuhan patungo sa kuwarto at di nga siya nag kakamali ang dalawang asungot na wendy at pol.
"Wow beshie ang ganda ng room mo pink na pink yung sakin naman sky blue. saad ni wendy so it means hindi pareho ang kulay ng mga kuwarto dito kasi yung kay pol apple green.
"Kayanga sana ako nalang nandito para mag mukha naman akong babae. tawang sabi naman ni pol. natawa nalang sila ni wendy.
"At itong kama mo malapad beshie puwede na sa apat na tao dagdag saad ni wendy.
"Eh sino ba ang unang pumili ng room diba kayo kasi ako kahit saan kuwarto ako okay lang basta comfortable lang ako. ngusong sagot niya sa dalawa.
"Oo na siguro mag asawa ang may ari ng room na Ito kasi malapad kumpara sa dalawang kuwarto sabi naman ni pol..
"Siguro nga. sagot nalang niya...
"At ang lapad nito bintana mo beshie parang dun sa sala makikita mo talaga ang nasa labas. ani wendy na nakadungaw sa bintana. Hinayaan nalang niya ang dalawa mag daldal kinuha niya ang bathrobe at towel gusto niya maligo kasi lumalagkit na ang pakiramdam niya mainit kasi sa labas kanina.
"Mga best maligo muna ako ha kayo ba ayaw niyo maligo man lang ang bantot niyo na. biro niya sa dalawa inamoy naman ng mga ito ang kanilang sarili.
"Grabi ka hindi naman ah amoy maasim lang tawang sabi ni wendy. natawa nalang din siya.
"Ako din. sabat ni pol hamagikgik ito. umiiling nalang siya.
"Sige ako na ang mauna kasi yung cr mag kaiba sa bathroom. aniya sa dalawa tumango naman ang mga ito mukhang pagod narin ang dalawang ito kasi mukhang wala silang mood makipag asaran naman sa isip niya.
ARRIVED IN NAIA AIRPORT.
Someone pov.
Lumapag na nga sa NAIA airport ang kaniyang sinasakyang private airplain na pamamay ari din ng kaniyang ama, Wala siyang sinabihan na ngayon siya uuwi dito sa pinas kasi gusto niya isupresa ang pamiliya sa kaniyang pag babalik dito sa pilipinas at maging sa mga staff ng private airplain nila sinabihan niya ang mga ito na wag sabihin na ngayon siya dumating.
Tumayo siya sa kinauupuan at sinout ang kaniya sun glass na nag padagdag sa angking kaguwapuhan nito pati mga babaing staff nila sa loob ng airplain halos maihi na sa subrang kilig sa malamodel nitong tindig at lalaking laki itong tignan sa ganda ng pangangatawan at ang tangkad nito naka Puting t'shirt at naka brown cargo pants at white shoes lang siya napaka simple ng kaniyang porma pero umaapaw parin ang kakisigan at kaguwapuhan nito at kitang kita ang kaniyang mga muscle at halata narin ang 8 packs nitong abs sa puting t-shirt na soot niya.
"OMG sis paki hawak itong panty ko malaglag na ata. sabi ng isang babaing staff sa airplane.
"Gaga pano ko mahawakan eh itong akin nga nasa paanan ko na ata. sagot naman ng isa.
"Itong akin din mga sis kahit Victoria secret pa ito bigla atang lumuwang ang garter ang guwapo guwapo niya kasi mga sis sa akin nalang siya kahit ngayon gabi lang.sabi pa ng isa.
"Gaga di ka papatulan niyan sakin siya! kuntra ng isa. Napapailing nalang siya sa mga naririnig niya sa mga staff nila sa private airplane.tst meron na akong mahal at siya lang ang may ari sakin at wala ng iba pa at siya rin ang dahilan kung bakit umuwi ako ngayun sa pilipinas. Here i come my love my everything. Aniya sa isipan at ngumiti ng palihim.
*****