Chapter 3:
Avianna Pov.
Kinaumagahan nagising ng maaga si Avianna kasi tutulong pa siya mag harvest ng mga gulay sa baba malapit sa palayan ng kanilang lolo at malapit lang dito sa bahay nila yun kasi baba ka lang farm na nila ang bubungad sayo nasa taas kasi ng burol itong bahay nila pero malawak ang burol na ito at pantay at maganda ang tanawin dito, At kagabi pa niya naisipang sabihin sa kaniyang ina ang pag luwas niya sana sa maynila para mag trabaho' hindi kasi siya maka kuha ng tiyempo kahapon kasi masaya ang ina habang nakikipag biruan kila pol at wendy yung dalawang yun kasi panay ang kalokohan.
FLASHBACK.....
Beshie!!!!!!!!!!!!!!!!tawag ni wendy sa kaniya.
Sissy!!!!!!!!!!!!!!!!!!Yaahoooooo nandito na iyong pinakamamahal at magandang mga kaibigan sa balat ng lupa!!!!!!!! natatawang tawag ni pol sa kaniya nasa labas ng kanilang bakuran meron kasing gate dun na gawa sa kahoy at kawayan para hindi daw makapasok agad ang mga mag bibisita sa kanila ayon pa lolo niya.
Lumabas siya para pag buksan ang mga kaibigan,
"O' mga pangit sa balat ng lupa nandito na pala kayo? "Hala mag silayas na kayo walang makain dito" aniya sa mga kaibigan pero nag bibiro lang siya.
"Aba-aba ang sama ng ugali mo beshie ha pinapalayas mo na kami agad hindi pa nga kami nakapasok, at hindi mo ba alam tinakbo namin ni pol yung galing sa sakahan namin para lang makaabot sa masarap niyong meryenda tapos pinapalayasin mo lang kami ang sama mo talaga sa amin beshie!" naka pameywang saad ni wendy sa kaniya.
"Oo nga sissy av..Grabi ka samin huhuhu at kung makapangit ka diyan wagas di porket nasalo mo na ang lahat ng kagandahan nilalait mo na kami" saad ni pol kunwaring umiiyak, kaya tumaas lang kilay niya sa tinuran ng dalawang baliw sa harap niya.
"Aba hindi ko naman sinabi tumakbo kayo sana nga nadapa pa kayo para hindi kayo aabot dito' at totoo naman mga pangit kayo saan ba kayo pinag lihi ng mga magulang niyo at mga patay gutom pa kayo akala mo hindi na kayo makalain sa inyo"
taas kilay niyang sagot sa mga kaibigan pero nag bibiro lang siya natatawa nalang siya sa reaction ng mga kaibigan nakabusangot kasi ang mukha ng dalawa.
"Ikaw avi.....ha susubra kana talaga samin hindi nga namin alam bakit naging kaibagan ka namin ang sama ng ugali mo" ani wendy na naka taas pa ang kilay habang humalikipkip sa harap niya.
"Oo nga dagdagan pa ni pol"
"Avianna anak tama yan kalokohan niyo papasukin mo na dito yan dalawang pulubi na yan ng makapag meriyenda na tayo!" tawag ng ina sa kaniya natatawa din ito.
"Hala garabi kayo samin tita Anathasia pulubi talaga hindi ba puwedeng gusto lang namin maki-kain' at tikman yung mga luto mong meriyenda at hindi na kami nag taka kung saan nag mana ng ugali itong pangit niyong anak" saad ni wendy habang papasok sa loob at nag mano sa ina at ganun din si pol.
"Oo nga po tita thasia" dagdag pa ni pol.
Siya naman sinara ang munting gate nila at sumunod sa dalawang niyang asungot na kaibigan.
''Wow Beshie Av, Kahit masama yan ugali mo mahal mo parin kami ni pol binilihan mo parin kami ng isaw-isaw at fishball" ani wendy habang parang umistar ata ang mga mata naka tingin sa mga pag kain naka latag sa kahoy nilang mesa sa labas ng kanilang bahay at nasa ilalim ito ng punong mangga na may duyan din doon gawa ng lolo niya para sa kaniya kasi mahilig siya mag tambay doon kaya ginawaan siya ng duyan ng mapag mahal niyang lolo.
"I love you na talaga sissy kahit masama yan ugali mo" ani pa ni pol sa kaniya habang naka tingin din sa mga pag kain.
"Eh kung kaladkarin ko kayo palabas dito para hindi na kayo makakain ng meriyenda dito huh kung makapag sabi kayo ang sama ng ugali ko wagas hindi ba puwedeng mataray lang ako pero may busilak namang puso para sa mga asungot kong kaibigan tulad niyo"
Nakabusangot niyang saad sa mga kaibigan agad naman nag siupo ang dalawa sa kahoy din na upuan sa tabi ng lamesa.
"Sabi nga namin ni sissy Wendy ang bait-bait mong kaibigan sissy Av, hindi lang mabait at mapag mahal na kaibigan super duper maganda pa at mala dyosa dito sa balat lupa" saad ni pol pero natatawa pa ito.
"Tama-tama si pol beshie" patango- tangong sang-ayon ni wendy sa sinabi ni pol, pero alam niya ginugood time lang siya ng mga kaibigan, kaya napapailing nalang siya sa dalawa.
"Kayo talagang mga bata kayo manihimik nga kayo diyan puro kayo kalokohan" ani ng kaniyang lolo kasunod ang kaniyan lola papalapit sa kanila. Tumayo agad ang dalawa at nag mano sa dalawang matanda.
"Ito kasing apo niyo lolo Arth" ani pol na nag susumbong pa sa kaniyang lolo.
"Hay nako parang hindi na kayo sanay diyan kay Avian at ikaw naman apo bawas-bawasan mo yan katarayan mo sa dalawang ito" ani ng kaniyang lola na sinasakiyan ang kaniyang dalawang baliw na kaibigan.
"Asus nag susumbong pa bulong-bulong niya!
"May sinasabi kaba beshie tanong ni wendy sa kaniya habang sinasalubong niya ang ina may dalang juice sa tray.
"Ah wala naman sabi ko mag siupo na kayo diyan ng makakain na ng masarap na meriyenda" taas kilay niyang sagot kay wendy at inirapan ito,
"Ikaw talaga anak tama yan pag tataray mo diyan sige ka pumapangit ka niyan saad ng ina na natatawa sa reaction niya.
"Hello everyone!!!!! Napalingon sila kay Aeron na papalapit sa kanila naanimoy model sa kabundukan habang nag lalakad.
"OMG!!!!fafa Aeron bakit ang guwapo-guwapo mo at ang matcho mo daig mo pa yung mga model sa mga magazine!! kahit laki ka dito sa bundok ang puti at kinis ng iyong balat mala porselana gaya ni sissy Avi" parang kinikilig na saad ni pol sa kapatid.
Naka terno ng red Jersie kasi ito kaya ang kawapo at matcho niyang tignan mahilig sa basketball si Aeron sumasali din ito sa mga lega basketball sa kanilang bayan at meron din itong basketbolan na pinapraktisan nito minsan silang dalawa ang mag laro ng baskeball kung hindi dadalo dito ang mga kaibigan nito, dito sa bahay nila kung saan sila nag kukumpol ngayon malawak kasi itong area na kinatayuan nitong bahay nila kaya gumawa ng basketball cort si Aeron dito. Pareho silang may brown hair ni Aeron namana nila sa kanilang Foraigner na ama.
"Hahaha ikaw talaga pol siyempre alagang bundok ito no" sagot ni Aeron kay pol at umupo ito sa tabi nito tudo kilig naman ang maharot niyang kaibigan tst.
Habang si wendy naman wala na atang pakialam sa paligid niya nilalantakan na nito ang mga pag kain sa mesa, Kahit kaylan talaga ang isang ito basta pag dating sa pag kain nakakalimutan ata ang mga kasama sa paligid.
"Namy umupo na po kayo ani niya sa ina nakatayo sa tabi niya at nilagiyan niya ng juice ang mga baso at isa isang inabot sa mga kasama.
"Salamat Beshie" pasalamat ni wendy sa kaniya habang may laman ang bunganga nito. Napapailing nalang siya sa kaibigan.
"Sige na Apo umupo kana ng makakain kanarin anyaya ng kaniyang lolo na huli niyang inabutan ng juice.
"Salamat po lolo" pasalamat niya dito at umupo na siya at kamain narin.
"Panay kuwentohan at asaran lang ang tanging narininig sa labas ng kanilang bahay' kaya ito ang mamaimis niya kung sakaling lumuwas siya ng maynila kahit simple lang ang buhay nila dito sa probinsiya pero puno ng pag-mamahalan at masaya sila sa simpling buhay nila dito. Lihim siyang napabuntong hininga sa isiping yun pero kaylangan niyang isakripisiyo ang masayang buhay niya dito sa probinsiya para sa kaniyang pamilya.
Kung tinatanong niyo kung saan ang aking ama?
Iniwan na niya kami nag kakilala sila ng namy ko sa maynila noon nag tatratabaho din noon sa maynila si namy para suportahan sila lolo at lola at doon nga nakakilala ng kanilang ina ang kanilang ama na dayuhan dito sa pilipinas, Sa isang hotel nag tatrabaho ang kanilang ina noon at doon nakilala nito ang kanilang ama na isa mga guest sa pinag tatrabahuan nitong hotel, hanggang sa nag kainlaban na ang dalawa sa isat-isa.
And after 1year na relasyos ng mga ito nag bunga ang pag mamahalan ng dalawa at yun ay ako ang bunga,
Nag pakasal ang dalawa at naging masaya naman daw ang mga ito' And after 3 years na pag kasama ng ama at ina, nag paalam ang ama na babalik muna ito sa Britist pero hindi nito alam na buntis na pala ang kaniyang ina kay Aeron bago umalis ng pilipinas ang kaniyang ama, hindi daw muna sila pinasama nito pabalik sa britist kasi marami padaw silang asikasohing mga papapeles bago sila makasama ng ina sa ama saka nalang daw pag balik nito sa pilipinas. Pero umabot ng ilang taon hindi na nag paramdam ang kanilang ama, nung una tumatawag pa ito sa kanilang ina para kumustahin sila hangang madalang nalang ito tumatawag at ng tumagal na hindi na talaga ito nag paramdam sa kanila' At saksi siya sa pag hihirap ng ina lagi itong umiiyak kahit mag 4 years old palang siya noon alam niya ang nangyayari sa ina at ama ramdam niya ang sakit na naramdaman nito lalo pa buntis ito sa kaniyang kapatid na si Aeron at muntik na ito makunan buti nalang dumating ang kanilang lolo at lola ng mabalitaan ng mga ito ang nangyari sa kanila at pag iwan ng kanilang ama sa kanila.
At doon nga nag disisiyon ang kanilang lolo na umuwi nalang sila dito sa batangas para dito na mag simulang muli ang kanilang ina at kalimutan ang kanilang ama na ng iwan sa kanila kahit hindi nila alam kung anong nangyari dito. Pero gayon paman umaasa silang mag paramdam muli sa kanila ang kanilang ama pero meron siyang tampo sa ama bakit hinayaan nalang sila nito, Mabait at malambing ang kanilang ama at very supportive ito sa kanila ng kanilang ina lalo na kaniya isang munting prensesa ang trato nito sa kaniya noon kasama pa nila ito.
"Anak okay ka lang ba kanina pa kitang napapansin tahimik diyan ni hindi mo pa nga nagalagaw yan pag kain mo? tanong ng ina sa kaniya.
Umangat siya ng tingin sa ina at pilit tinatago ang emotion na naramdaman,
"Ehemmm Wa,,,,wala po namy may naalala lang po ako pag sisinungaling niya sa ina.
"Ano yun anak baka kung ano na yan ha? nag alalang tanong ng ina sa kaniya.
"HmMMm naalala ko lang po namy yung ipag sabi ni badong sakin kay wendy kanina bago niya ako nilotuan ng isaw-isaw at niyang fishball pinilit ko kasi siya pero sa isang kundiyong daw aniya sa ina pilit ngumiti dito, lord patawad po aniya sa isip.
"A,,,ako sabat ni wendy habang tinuturo ang sarili.
Tamango siya dito ningisian ang kaibigan.
"Oo sabi kasi ni badong sakin kanina iriguards ko daw siya sayo' at ang sabi pa sakin gusto kadaw niya pero mahiya daw siya mag sabi kasi baka daw bastedin mo lang siya' at katunayan nga libri niya yan mga fishball para daw sayo ngiting aniya kay wendy na may kasamang pang aasar dito habang si wendy hindi maimpinta mukha naka tingin sa kaniya.
"Wahahaha sissy wendy sa itsura mong yan natamaan sayo si badong isang himala talaga' natatawang asar ni pol kay wendy.
"Tse tumigil ka diyan Apollo sabay bato kay pol ng stick ng isaw-isaw umilag naman agad si pol.
"Nakz naman ate wendy sagutin mo na agad si badong para lagi tayong makakain ng libring fishball" dagdag asar ni Aeron kay wendy habang natatawa din ito.
"Mag sitigil nga kayo diyan hindi ang katulad ni badong ang dream boy ko at wala sa kaniya ang hanap ko sa isang lalaki hindi na naman sa mimaliit ko si badong pero ayaw ko sa kaniya hindi ko naramdaman yung kaba at bilis ng t***k nitong puso ko pag kaharap ko siya deretsahang saad ni wendy.
"Asus ikaw talaga sissy wen bigiyan mo na ng chance si badong diyan sa bulok mong pusong saging" asar naman ulit ni pol kay wendy.
"Kung ikaw nalang kaya ang ibigay ko doon sa isaw-isaw boy na yun huh asar na sagot ni wendy kay pol.
"Abay kong ako lang sana ang gusto kahit hindi pa siya liligaw sa akin sasagutin ko na siya ng matamis kong Oo" Sakay ni pol sa sinabi ni wendy.
"at guwapo din kaya ni badong kunting ayos lang ng porma niya hindi lang sa isaw-isaw mag lalaway ang mga kababaihan kundi pati kay badong, dagdag pa ni pol sabay hagigkik nito.
"Hayyssttt Ewan ko sayo Appolo palibhasa kasi ang harot mo nakabusangot na saad ni wendy.
"Kayo talaga tama na yan pag asar niyo kay wendy mamaya mapikon yan hindi niya ubusin yan libring fishball ni bandong" ani ng ina niya na natatawa narin.
"Abay kapag si badong ang mapangasawa mo wendy boto ako sa batang yun para sayo masipag na at walang bisyo at hindi mahiyang tumulong sa mga magulang mag tinda sa bayan" sabat naman ng lolo niya.
"Ayyyy oo nga naman wendy" sang-ayon naman ng kaniyang lola
"Kahit na po ayaw ko parin sa kaniya saka wala pa sa isip ko yan pag aasawa" ani Wendy.
"Saka bakit asawa agad? nag lalakihang mata tanong ni wendy sabay inom ng juice animo'y nauuhaw sa usapan.
"Doon naman ang punta Beshie" aniya kay wendy sabay ngiting mapang asar niya dito. sinimangotan naman siya ng kaibigan.
"O' siya mag sitigil na kayo diyan tapusin na niyo yan kinakain niyo puro kayo kalokohan awat ng ina sa pag aasar nila kay wendy.
'Pero hdi pa din nila tinigilan si wendy namumula na ito sa inis sa knila.
END OF FLASHBACK.....
******
Bumaba agad si avianna at dumeretso sa banyo nila malapit sa may kusina at ginagawa ang kaniyang morning routine. At pag katapos pumasok siya sa kusina para mag luto ng kanilang agahan, Nag saing muna siya, kahoy lang ang gamit nilang pang luto sa kusina walang appliances dito sa bahay nila kasi nga wala silang kuriyente dito.
Pag katapos ilagay sa kalan na may apoy ang kaniyang sinaing' pumunta muna siya sa likod ng kanilang bahay para pumitas preskong talong kasi gusto niya mag torta ngayon may mga native itlog naman sila kasi marami silang mga native na manok na inaalagaan, pag katapos niyang kumuha ng talong bumalik siya agad sa kusina at inilagay sa apoy yung mga talong na nakuha niya at kumuha siya ng tuyo para iprito pang dagdag ulam nila sa umaga binili niya ito kahapon wala na kasi silang natirang ulam kagabi kasi dito narin nag hapunan sina wendy at pol malapit lang din kasi dito sa kanila ang bahay ng dalawa kaya kahit gabihin ang mga ito sa pauwi sa kani-kanilang bahay okay lang.
Pag katapos niyang mag luto nag timpla narin siya ng kape para sa kaniyang mga kasama sa bahay ito na daily routine niya kada umaga simula nung nag graduate siya, na siya naman ikinatuwa ng kaniyang mga kasama sa bahay kasi bihasa siya sa gawaing bahay hindi kasi siya tulad ng ibang mga anak na babae na iasa lahat sa mga magulang ang mga gawaing bahay.
Pag katapos niyang ilagay ang mga niluto niya sa mesa tamang-tama naman nagising na ang kaniyang mga kasama nauna si Aeron at binati siya nito ng magandang umaga ate' malambing si Aeron sa kniya at lalo na sa kanilang ina at mga lolo't lola.
Sumunod naman ang tatlong may edad pumasok sa kusina at binati niya ang ito at pinaupo sa mahabang upuang kahoy.
"Napakaswerte talaga namin sayo Apo" ani ng kaniyang lolo.
"Hmmm swerte saan po lolo tanong niya sa lolo habang nilalagiyan ng kanin ang mga plato ng mga ito.
"Swerte kahit tinagurian kang mataray dito sa lugar natin pero napaka lambing mong anak at apo sa amin kaya natutuwa kami sayo'" ani ng kaniyang lolo.
"Asus kayo talaga lolo ang dramatic niyo kay aga-aga" aniya sa lolo. Umupo narin siya at nag pray muna sila bago kumain.Na alala niya meron nga palang siyang dapat sabihin,
"Eheemmmm meron pala akong sasabihin sa inyo pag agaw attention niya sa mga kasama sa hapag kainan.
"Ano yun anak? tanong ng ina.
"Namy sana po maintindihan niyo po ako at payagan" pag sisimula niya. at tahimik naman nakikinig ang mga ito sa kaniya.
"Gusto ko pong lumuwas ng maynila at doon na mag trabaho" deretsahang saad niya kahit mediyo kinakabahan siya.
Umangat ng tingin sa kaniya ang kaniyang ina tinitigan siya ng mabuti kung nag bibiro ba siya o hindi.
"Anak nag bibiro kaba o sawa kana dito sa lugar natin at bakit mo naisaipan lumuwas nag maynila? tanong ng ina.
"My hindi po ako nag bibiro totoo po gusto kong lumawas ng maynila para dun na mag trabaho at kung iniisip niyo po na nag sawa na ako hindi po totoo yan kung puwede lang dito nalang ako kasi mas masaya dito at nakakasama ko po kayo" sincere niyang saad sa ina.
"Apo bigiyan mo kami ng sapat na dahilan bakit mo naisipang mag luwas ng maynila? sabat naman ng kaniyang lola.
"Oo nga ate" saad naman ni Aeron.
"HmMm Ganito po kasi yun yung pinsan nila Wendy tumawag kay wendy at sinabi niya kay wendy na yung pinag tatrabahuan nitong company nag hahanap sila ng mga aplicante para sa bagong bukas nilang branch sa maynila, at ayun nga po dito pinareserve nadaw yung tatlong applicanteng kaylangan nila para samin nila wendy at pol, at hindi po basta-basta lang ang kompaniyang yun kundi isang malaking company at isang tycoon businessman po ang may ari dito" mahabang paliwag niya.
Napabuntong hininga naman ang kaniyang ina.
"Anak nag alala lang kasi ako sayo pag doon kana sa maynila iba ang maynila kaysa dito sa probinsiya maraming mga masasamang loob ang nakatira doon.
"My alam ko po yun at mag tiwala po kayo sakin at kaya ko na po itong sarili ko, saka my sayang naman po ang tinapos ko kung hindi ko ito magamit diba" kunwaring malungkot niyang saad sa ina.
"Apo sigurado kaba diyan sa plano mo? naniniguradong tanong naman kaniyang lolo.
"Lo sigurado na po ako at wag po kayong mag alala kasama ko naman po sila Appolo at wendy at nandun din po si ate Edlyn para alalayan kami sa mga dapat naming gawin" aniya.
"Ate naiintindihan kita at alam ko meron kapang dahilan kaya naisipang mong mag trabaho sa maynila" saad ni aeron.
Oo nga pala minsan nabanggit niya kay Aeron na gusto niya mag hanap ng trabaho para maiahon niya yung kalahati ng sakahan ng lolo nila at para masurportahan niya ang pag aaral nito na hindi iasa sa lang sa kita ng ina at lolo sa gulayan nila at sakahan.
Tumango siya sa kapatid bilang tigon dito.
"Buweno Anathasia anak payagan nalang natin itong si Avian wag natin siya ikulong dito bundok at saka para marami pa siyang matotonang mga ibang bagay at machallenge niya rin ang sarili niya sa maynila" saad ng lolo sa ina niya na tamihimik lamang animoy ang lalim ng iniisip.At mediyo nabubuhayan naman siya ng loob sa sinabi ng kaniyang lolo.
"Pero itay natatokot kasi ako sa kung anong puwedeng mangyari sa kaniya sa maynila at ayaw kong magaya siya akin" nag alalang saad ng ina.
"Ano kaba naman Thasia wag mong isipin na mang yari sa anak mo yung ng yari sayo ang isipin mo ang ikabubuti ni avian at sa magiging future niya at kung dito lang sa bundok mamalagi yan si avian sa tingin mo ba maging maayos narin ang buhay niya dito? at para saan pa'y pinag aral mo siya at nakapag tapos kung ayaw mo naman gamitin niya ito?
At yung ng yari sayo maaring may dahilan ang diyos at kung anong nag hihintay kay Avian sa maynila yun ay pag handaan natin ang anomang maaring mang yari sa kaniya doon at suportahan natin siya saka nasa hustong idad na yan si avian alam na niya ang tama at mali at matalino yan anak mo thasia kaya wag natin ikait sa kaniya ang mga bagay na dapat maranasan niya" mahabang paliwanag ng lolo sa ina niya.
"Tay hindi niyo po ako masisi kung naisipin ko yun natatakot lang po talaga ako para jan kay avi kita niyo naman po ang itsura ng batang yan lapitin ng mga lalaki at maynila po yun puntahan niya tay maraming mga adik doon at mga maniyak' sagot naman ng ina sa lolo niya sila naman nila lola niya at aeron natahimik nalang.
"Thasia wag mong isipin ang negatibong mga bagay ang isipin mo ang positibong maaring ikasaya at ikakabuti ni avian" ani pa ng lolo niya sa ina.
Napabuntong hininga nalang ng malalim ang ina animoy hinuhugot ang bigat na nararamdaman, naiintindihan naman niya ito.
"Sige kung yan ang gusto mo Avi..hindi nalang kita pipigilan basta siguradohin mong ikabubuti mo yan at masaya ka doon at siguro tama ang lolo mo kaylangan mo ichallenge ang sarili mo sa mga ibang bagay sa maynila at magamit mo narin ang natapos mo, pero diko parin maiwasan mag alala sayo anak kaya dimo ako masisi sa bagay na iyon kasi pag meron hindi magandang manyari sayo doon triple ang sakit na maramdaman ko bilang iyong ina" mahabang saad nito. alam naman niya yun kasi saksi siya kung pano sila pinalaki ng ina.
"Talaga po namy payagan niyo na po ako" sabay tayo niya sa tuwa pero sa loob-loob niya nalulungkot siyang malayo sa pamiliya niya at sa lugar kung saan siya lumaki pero kakayanin niya para sa kinabukasan ng kaniyang pamiliya at sa kaniya narin.
Niyakap niya ang ina ng mahigpit at nag pasalamat siya dito at ganun din sa lolo at lola niya maging sa kaniyang kapatid na si aeron masaya din ito para sa kaniya.
"Basta anak dalawin mo kami dito pag wala kang trabaho" saad uli ng kaniyang ina.
"Syempre naman po my malapit lang naman yung maynila 2 to 3 hours lang ang biyahe papunta doon at puwede niyo rin ako dalawin doon kung gusto niyo po.
Masayang saad sa ina na may halong lungkot narin.
Pag katapos nilang kumain, siya narin ang nag ligpit sa pinagkainan nila at hinugasan kasi mauuna nadaw sa farm sila lolo niya at susunod nalang daw siya doon kasi mag luto pa siya para sa tanghalian nila mamaya at dalahin nalang niya sa baba kung saan sila mag aani ng mga gulay, masaya siya kasi pinayagan siya ng ina na lumuwas ng maynila at doon mag trabaho kaya sulitin niya ang mga araw na nakakasama niya mga ito bago siya lumuwas.
Boong akala niya talaga hindi siya payagan ng ina pero thank you lord talaga pinayagan siya ng mga ito at thanks din sa lolo niya supportive sa kaniya...
*****