ISANG ngiti ang sumilay sa mga labi ni Josh pagkasara niya ng pinto ng kuwarto ni Fabielle. Hindi mapalis sa isipan niya ang naging reaksiyon ni Fabielle ilang minute pa lamang ang nakakalipas. She never fails to amuse him in everything she does. And now he was already looking forward to that dinner with her. Naglalakad na siyang pabalik sa sariling silid nang muling mag-ingay ang cellphone niya. Noon lamang niya naalalang may isang tawag nga pala siyang hindi nasagot kaninang kasama niya si Fabielle kaya naman kinuha na niya mula sa bulsa ng suot niyang walking shorts ang nag-iingay na cellphone. Awtomatikong kumunot ang noo niya nang makita ang nakarehistro sa screen niyon. Hindi iyon naka-save sa memory ng cellphone niya ngunit alam na n

