NAKUHA KO NGA ANG GUSTO KO PERO BUHAY MO NAMAN ANG KAPALIT

2051 Words
"Anak gising na dahil may pasok kapa"sambit ni Romel sa kaniyang nag-iisang anak na si April "Oo na ano ba ang ingay mo naman ehh"padabog na sambit ni April sa kaniyang ama "Kasi may pasok ka "sambit naman ni Romel Lumabas si Romel para ayusin ang motor dahil yon ang nag sisilbing hatid sundo niya sa kaniyang anak,may pag ka lumaan na ang motor na iyon pero....kaya pa naman at ginagamit niya rin ito sa kaniyang trabaho. "O matanda bat naka tunganga kapa jan?,bilisan mo na male-late nako oh"galit na sambit ni April habang dinuduro niya ang relo sa harap ng kaniyang ama Sumakay na si Romel kasunod ay si April Di man lang nagawang hawakan ni April ang kaniyang ama sa bewang para sana ay di siya mahulog,Pinaandar na ni Romel ang motor pero di parin ito hinahawakan ni April dahil nandidiri siya dito. Nang makarating na sila sa paaralan ni April dahil nga sa private ito nag aaral ay di maiwasan ang malaking gastosin lalo nat mayayaman din ang mga studyante.Humingi ng baon si April sa kaniyang ama dahil wala pa itong natanggap na baon mula sa kaniyang ama,Dumukot naman ng Pera si Romel sa kaniyang bulsa at ang nadukot niya ay 500 pesos,dumukot ulit siya pero wala na talaga siyang pera dahil ang pera na natira sa kaniya ay pambayad ng kanilang upa "Ano ba naman yan 500 lang"sambit ni April Mag sasalita pa sana si Romel ng biglang dumating ang barkada ni April. "O April nanjan kalang pala ehh tara na sabay kana samin"sambit ng isang babae "Ahh sige tara na "sambit naman ni April sa mga ito "Ah April papa mo ba siya?"turo ng lalaking barkada ni April at tinuturo si Romel,nakangiti lamang noon si Romel dahil nag babakasakali siyang ipapakilala siya ng kaniyang anak sa barkada nito "Ahh hindi,hindi ko siya papa pulubi lang siya na nakita ko jan at binigyan ko ng kalahati sa pera ko kaya 500 nalang ang natira sa baon ko"pag sisinungaling nito "Wow ang bait mo naman April talagang 500 pesos ang binigay mo sa pulubi talaga namang mayaman kayo huh"sambit ng mataba niyang kaibigan Umalis na sila April kasabay non ang pag yuko ni Romel dahil kinakahiya siya ng kaniyang anak at talaga naman sa harapan niya ito itinanggi.Umalis si Romel na may ngiti sa mga labi at pumunta sa kaniyang trabaho,kahit na matanda na ito ay todo kayod siya para sa kaniyang anak nag bubuhat siya ng mga sako-sakong bigas at nag saside line siya para matostosan niya ang kaniyang anak para may maipakain siya nito Gabi ng umuwi si Romel sa kanilang bahay pero pag pasok niya ay di niya nadatnan ang kaniyang anak ,dahil di pa ito nakauwi,habang nag aalala si Romel sa kaniyang anak ay si April naman ay nakikipag siya sa kaniyang mga barkada Habang busy sa pag cellphone ang barkada ni April ay nahiya si April na ilabas ang cellhone niya dahil keypad lang ito,samantalang sa mga barkada niya ehh mamahaling touch screen cellphone ang mga gadget nila. Madaling araw ng nakauwi si April at nakita niya doon na nakatulog ang ama niya sa sala dahil sa pag hihintay sa kaniya,imbis na gisingin niya ito at ipaalam na nakauwi na siya ay dinaanan niya lang ito at natulog na sa kaniyang kwarto. Kinabukasan ay maagang nagising si Romel para mag saing at pag katapos kon mag luto ng ulam at pag katapos non ay gigising niya ang kaniyang anak Hindi na nag pagising si April dahil siya na mismo ang nagising ng maaga at pinuntahan ang kaniyang ama na abala sa pag luluto ng ulam na bulad,dahil yon lang nakayanan ng pera niya bulad muna ang ulam nila "O anak gising kana pala teka lang at maluluto nato"ngiting sambit ni Romep kay April "Hindi na ako kakain kasi ang cheap ng ulam natin"sabat niya "Ahh anak diba paborito mo to diba"ngiting sambit ni Romel sa anak niya Inihain na ni Romel ang ulam ngunit tinabig ito ni April para mahulog ito sa sahig,pinulot ni Romel ang mga ulam at ibinalik sa lalagyan "Anak wag ka namang ganyan pagkain natin to"sambit ni Romel "Anong pagkain natin!?,pagkain mo lang yan"sambit ni April "Ah at saka bilhan moko ng cellphone huh yong touch Screen yong katulad sa mga kaibigan ko"sambit ni April sa ama "Huh anak saan tayo kukuha ng pera"sambit ni Romel dahil wala naman talaga silang malaking pera "Ah problema mo nayon ang mahalaga bilhan moko non"sambit ni Aprol sabay lahad ng kaniyang palad ''Ah anak wala akong pera ngayon eh binili ko na ng bigas at ulam natin saka nag bayad pako ng kuryente at tubig natin"sambit ni Romel sa anak "Ano bayan wala kang pera pano ako makakapasok nito ano nalang sasabihin sakin ng mga barkada ko na cheap ako ganon ba ha gusto mo ba ako mapahiya"galit na sambit ni April dumukot si Romel sa kaniyang bulsa pero isang daan lang ang natira sa kaniya,binigay niya ito kay April pero tinapon niya lang ito "Sayo nayang 100 mo ang cheap mo alam mo namang nasa private school ako diba tapos 100 lang ibigay mo saakin"sambit ni April sabay labas ng bahay at umalis Ngumiti parin si Romel kahit na masakit na kinaya niya lahat para sa anak niya Request dito,request doon si April kahit pa na kapos sila sa pera pag nabili naman ni Romel ang gusto ni April ehh hindi niya ito tatanggapin dahil ang pangit saka ang cheap ang dating kaya tinapon niya ito sa mukha ng kaniyang ama Nag trabaho talaga si Romel para sa kaniyang anak tinitipon niya ang mga sweldong makukuha niya iniiba niya ito at iniiba niya rin ang pambaon ng kaniyang anak Kahit pa na nadisgrasya na ang ama niya dahil nasagasaan ito ng trycicle ay di niya ito pinaalam sa anak niya at di rin siya nag padala sa hospital Sa lugar kung saan na disgrasya si Romel ay don din ang lugar kung saan ay nakikisaya si April sa kaniyang mga barkada. Habang todo kayod sa trabaho ang kaniyang ama para mabili ang gusto niya,siya naman ay nag papakasaya lang at walang pakialam sa ama niya Bilang dito,bilang doon,ipon dito,ipon doon,trabaho dito,trabaho doon Kahit anong trabaho ay pinasukan na ni Romel kahit nga mamalimus sa kalsada ay ginawa niya na para makapag ipon siya para sa anak niya Una niyang nabili ay ang magandang dress na gusto ng anak niya mamahalin ito ,nang mabili niya na ito ay laki ang tuwa niya pero hindi niya muna ito ibibigay sa kaniyang anak Wala naring magawa si Romel Dahil tinanggal na siya sa trabaho dahil sa katandaan niya kaya naisipan niyang Ibenta nalang ang kaniyang motor sa halagang bente mill.Nang matanggap niya na ang pera ay kinuha niya ang kaniyang ipon at doon ay pumunta siya ng mall para bumili ng cellphone ng kaniyang anak. Pumili ng mahal at magandang cellphone si Romel para sa kaniyang anak para maging masaya na ito "Sir ano po sa inyo?"tanong ng sales lady kay Romel "Yong touch screen na cellphone daw"sambit ni Romel "Ahh ito po ang magandang brand ng phone namin bukod sa mura na original pa siya"sambit nong sales lady ngunit di ito tinanggap ni Romel dahil ang gusto niya ay mamahaling cellphone para sa anak niya "Ah gusto ko yong medyo mahal para kasi sa anak ko toh ehh"sambit ni romel "Ah ganon po ba sir sige po hahanapan ko lang po kayo,talaga namang ang swerte ng anak niyo sana lahat ng tatay kagaya niyo"sambit naman ng sales lady pero napangiti na lamang si Romel Nang makapili ma ang sales lady ng cellphone ay binili na ito ni Romel sa halang 19,99 laking tuwa ang naramdaman ni Romel ng mabili niya ito Umuwi ng may ngiti si romel pero sa hindi inaasahang pangyayari ay napag-tripan siya ng mga tambay kaya nabugbog siya nito at sa di sinasadyang nasaksak siya sa tagiliran niya habang ang cellphone ay tinago niya talaga ito para di makuha,dumating ang tanod at nag pito na agad namang tumakbo ang mga tambay,tumayo si Romel at nag pag pag ng kaniyang damit para umuwi "Sir may saksak po kayo tara dalhin namin kayo sa hospital"sambit ng tanod "Wag na gusto ko ng umuwi para ibigay to sa anak ko alam kong hinihintay niya na ako sa bahay namin ayaw ko siyang nakikitang mag isa sa bahay babae pa naman yon"sambit ni Romel sa mga tanod "Ahh sige po sir ihatid ka nalang po namin doon"sambit ng tanod kaya tumango nalang si Romel sa mga tanod Nakauwi na nga si Romel sa kanilang bahay pero wala pa din doon si April kaya naman ay inilagay niya na sa lamesa Ang damit na binili niya at ang cellphone na binili niya hindi na siya nakapag sulat ng liham para sa anak niya dahil birhtday nito bukas,itinulog nalang ni Romel ang lahat dahil nga sa pagod at lalo na di na kaya ng katawan nito dahil nga may saksak siya tapos di pa ito dinala sa hospital. Nang makauwi na si April ay dumiritso na siya sa kwarto niya di na niya pinansin ang kaniyang ama na mahimbing na natutulog at di na muling magigising pa at di niya rin napansin ang regalo ng kaniyang ama sa lamesa,natulog na si April at wala siyang ka alam-alam na wala na palang buhay ang kaniyang ama Kinabukasan ay late ng nagising si April pumunta siya ng sala ngunit wala siyang naamoy na nag luluto at di niya rin nakita ang kaniyang ama,kaya pinuntahan niya ang kusina baka sakaling nakatulala lang doon,ngunit bigo siya nakita niya ang magandang damit na gusto niya at nakita niya rin sa lamesa nayon ang cellphone na gustong gusto niya,pununtahan niya ang ama niya sa warto nito ngunit huli na ang lahat "Papa salamat dahil binilhan niyo lo ng gusto ko"niyakap ni April ang kaniyanh ama pero di ito gumalaw Kaya nag taka si April bakit di pa nagigising ang kaniyang ama kahit pa na ano ang gagawin niya ay di na gumagalaw at di na nagigising ang kaniyang ama,kaya naman ay unti unti ng tumulo ang luha ni April "Papa naman eh wag ka namang mag biro ng ganyan bangon napo"sambit ni April habang umiiyak sabay hatak ng kumot at kita niya doon na may dugo at kita niya ang malaking sugat ng kaniyang ama Umiyak ng umiyak si April dahil wala na ang kaniyang ama nawala ang kaisa isang kayamanan niya sa buhay "Papa patawad dahil hindi ako naging mabuti sayo,patawad dahil naging swail akong anak sa iyo pero bakit....Bakit nawala ka papa pagkatapos mong ibigay sakin ang lahat bigla ka nalang mawawala"sambit ni April pero kahit ano pa ang sabihin niya at kahit pa umiyak siya ng isang balde di na niya maibabalik ang buhay ng kaniyang ama Wala na magawa noon si April kaya naman ay nag patulong siya sa kaniyang mga kamag-anak na ilibing ang labi ng kaniyang ama pero kahit ni isa ay walang tumolong sa kaniya kahit pa sa barkada niya ay di rin siya tinulungan Umiyak noon si April at labis ang pag sisi kaya wala siyang magawa kaya inilibing niya nalang ang labi ng kaniyang ama sa kanilang likod bahay,at doon ay nag luksa siya ng halos isang taon,di narin siya kumakain at di narin siya makausap ng maayos ng mga kapitbahay nila hanggang sa nabaliw at hanggang sa namatay at doon na natapos ang pag hihirap niya sa buhay bago sa mamatay may huling kataga pa siyang binaggit "Patawad papa nakuha ko nga gusto ko pero buhay mo yong kapalit" At doon ay tumahimik ang buong kabahayan at tuluyan na siyang nawala sa mundo PS:MAHALIN NIYO ANG PAPA NINYO HANGGAT NANDIYAN PA SA PILING NIYO AT SAKA TANGGAPIN KUNG ANO MAN ANG MERON KAYO SA BUHAY.....(REPOST KO LANG PARA SA MGA TAONG DI PA NAKABASA NITO) .........wakas......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD