"Oy pare single na naman"sambit sakin ng barkada ko
"Oo pare wala ehh ayaw talaga sakin "sambit ko
"Ok lang yan makakahanap ka naman ng isang babae na mamahalin ka ehh"sambit pa niya kaya naman tumango ako
Nag aral ako at ng trabaho dahil gusto ko iangat ang buhay ko saka gusto ko baguhin ang sarili ko
Sawa na kasi ako sa pang iinsulto nila sakin na badoy,maraming pimples,pangit,saka maitim at higit sa lahat walang pera
Kaya naman pinatunayan ko sa kanila at sa sarili ko na kaya kong higitan ang mga sinasabi nila saakin na di ko kayang gawin noon
After5 years
Nakapag tapos narin ako ng pag aarala saka may sarili nakong negosyo at hindi nako dugyutin saka ang badoy pero wala pa akong balak mambabae dahil ayaw ko naman na talaga yon....Nag hihintay nalang ako ng babaeng mamahalin talaga ako ng tunay
Sa subrang dami ng costomers ay ako na ang nag casher sa resto ko.
Hanggang sa may babaeng nag pukaw sa puso ko
Maganda siya ,maputi at yon na nga na order siya ng pagkaing paborito ko
"Hi gusto kong order is yong chicken nuggets isang bucket"ngiting sambit niya kaya naman ay tumango ako
Bumalik ako dala dala ang isang bucket ng chicken nuggets
"Ma'am ano po no. Niyo?"sambit ko para mapangiti siya
"Bakit po sir ang bilis niyo naman po"pabebeng sambit niya
"Ahh ano kasi kapag ano tatawagan kalang po namin if gusto niyo pang mag order"pag sisinungaling ko
"Ahh ganon po ba kala ko kasi ano ehehe ok ito na sulat ko nalang"sambit niya saka sinulat ang no. Niya sabay bigay sakin at saka umalis na siya kaya ako naman ay lihim na napangiti
Sumapit na ang gabi at tapos narin akong naligo,iidlip na sana ako ng napalingon ako sa isang papel na naka patong sa lamesa ko kaya naman ay kinuha ko ito at tinignan at nakita ko yong number nong babae na nag bigay sakin kanina
"Hmm tatawagan ko ba siya?"sambit ko sa aking sarili dahil nag dadalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba o hindi
Pabale-bale ako ng pwesto ng aking pag kahiga ng napag isipan kong tatawagan ko nalang siya dahil talagang nasasabik nako sa kaniya kaya walang alinlangang kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya
(Kring....kring...kring)
[Hello]
"H-hello"
[Sino to?]
"Ahh yong kausap mo kanina na hiningi yong no. Mo "sambit ko at kinakabahan baka p*****n niya ako ng tawag
[Ahh ganon po ba ano palang kailangan niyo]sambit niya sa kabilang linya
"Ahh wala gusto lang kita kausap''sambit ko
Kaya simula noon ay palagi na kaming nag uusap nag kikita
Napaka saya ko dahil dumating siya sa buhay ko at tumagal din ang pagiging mag kaibigan namin
hanggang sa naisipan ko nalang na mag confess ako ng aking nararamdaman para sa kaniya dahil ganon ko siya ka mahal.
Nandito kami ngayon sa isang puno kung saan ay kami lang dalawa ang nandodoon
Dahil dito ko na sa kaniya sasabihing mahal ko siya.
"Amm sherly"sambit ko habang kinakabahan banggitin ang susunod pang mga salita
"ano yon mike?"sambit niya na nakangiti pa
Nilabas ko ang bulaklak sabay bigay sa kaniya kasabah nito ang chocolate na binili ko kanina
"Wow ang ganda naman nito salamat ha di ko akalain na bibigyan moko nito alam mo pinangarap ko talagang bigyan ako nito at ngayon ay natupad na dahil sayo salamat ha"sambit niya at halata naman sa mga mukha niya ang gulat at saya aking binigay kaya nag karoon na ako ng lakas ng loob para sabihin nato sa kaniya
"Amm sherly may sasabihin lang sana ako sayo kung pwede lang makinig ka muna saakin"sambit ko habang hinihimas ko ang mga palad ko
"Ano naman yon mike?"sambit niya pero di niya ako nilingon habang naka tingik at inaamoy ang bulaklak na bigay ko
"Ammm gusto kong sabihin na may gusto ako sayo at gusto ko rin sanang ligawan ka kung pwede lang sayo?"sambit ko habang pinag papawis
"Totoo ba?"sambit niya at tumango ako bilang sagot
"No need to ligaw dahil ngayon official na mag kasintahan na tayo"ngiting sambit niya kaya napa talon ako sa tuwa dahil sinagot niya kaagad ako at naging kami na
Bale nasa bahay ko na siya and yes live in na kaming dalawa masaya naman kami as in subrang saya namin
At wala na akong mahihiling pa dahil ang taong mahal ko na dati ko pang pinapangarap ay ngayon kasama ko na.
At wala na akong mahihiling pa dahil sa wakas nag sasama na kami at natupad lahat ng yon dahil sa kaniya
Makalipas ang ilang mga buwan ay ganon parin ang samahan namin masaya sweet at wala kaming away
Lagi kaming nag kakaunawaan at lagi kaming masaya
Pero lumipas ang mga taon ay bigla nalang siyang nag bago
Laging wala sa bahay
"Babe san ka punta?"sambit ko dahil laging wala sa bahay
"Babe don lang sa barkada ko may gala raw ehh niyaya ako kaya sumama nalang ako.....teka babe may pera kapa ba jan hmm pahingi naman oh pamasahe lang"sambit niya sakin sabay lahad ng kaniyang palad
Binigay ko naman ang pera na 5k ayaw ko kasi siyang magutom kaya binigyan ko siya ng ganon kalaking halagang pera
Kapag mag kakasama kami sa bahay ay palagi nalang siyang pikon saka moody pag wala akong maibigay ay mag tatampo pag meron naman ay mag lalambing siya saakin kaya naman sinikap kong palaguin ang negosyo ko para sa kaniya ang kaso ehh bumababa na ang negosyo ko umaalis narin ang mga trabahante ko dahil sa late akong nakakapag bigay ng sahod
Kaya isang araw di na ako nag bukas pa ng shop dahil uuwi muna ako sa amin dahil namatay ang papa ko kaya kailangan kong umuwi di naman din kasi sasama sakin si sherly kaya ako nalang mag isa ang uuwi saamin.
"Babe mag iingat ka dito ha dahil mawawala ako ng mga ilang araw dahil alam mo naman na wala na si papa"sambit ko at tumango lang siya
"Pero babe wala akong makain pwede mo ba ako bigyab ng pera"sambit niya saakin kahit na gipit ako sa pamasahi ay binigyan ko siya ng 2k
"Babe sensya na yan lang nakayanan ko ngayon dahil unti unti ng bumababa ang shop ko kaya kunting pera nalang natitira saakin"sambit ko
"Ehh ok lang sige umalis kana baka ma huli kapa sa byahe mo"sambiyat niya sakin sabay tulak palabas
Hahalikam ko pa sana siya sa labi ng bigla siyang umilag at sinaradohan ako ng pinto kaya wala akong magawa kundi ang umalis na baka nga mahuli pa ako
Makalipas ang dalawang araw ayy nabalitaan kong di na umuuwi si sherlu sa bahay di narin siya nag paparamdam saakin.
Di ko alam kung ano na ang nangyayari at iniisip kong nandoon siya sa mga barkada niya kaya naman hinayaan ko na muna .
Kahit masakit na di siya nag paramdam ay tiniis ko lahat dahil siya ang pinili ko kaya naman panindigan ko at pinapangako kong siya lang ang makakasama ko habang buhay.
Makalipas ang ilang araw at nailibing na ang papa ko pero bukas nako uuwi dahil dito muna ako sa bahay mag papalipas ng gabi.Naisipan kung ichat ang girlfriend ko dahil nakita kong online siya
"Hi babe musta kana ?"sambit ko
"Ok lang babe,ahh saka babe matutulog nako bukas na ulit"sambit niya
"Ahh ok babe sige babe matulog kana good night i love you"sambit ko
At mga ilang minuto lang ay ng send siya ng picture na naka kumot at nakapikit na ang mata kaya napangiti ako
"Yaan mo babe makakasama mo na ako bukas "sambit ko sa sarili ko habang tinitignan ang larawan niya sa cellphone ko
Ilang oras ang nag daan ay nakatanggap akong chat mula sa barkada ko
Mark:
Bro girlfriend mong si sherly nakita ko may kahalikan ngayon dito sa park
Yan ang nabasa ko sa chat niya sàkin
"Ha pano?"
Mark:
Basta punta ka dito bilis
Sambit niya kaya naman pumunta ako sa sinabing lugar at nakita ko mismo sa dalawang mga mata ko ang ginawa nila
Pero kahit ganon ang nakita ko ay hinila ko si sherly at sinuntok ko ang lalaki at tinulak niya rin ako sabay bunot ng baril niya sa kaniyang likuran at kinalabit ang baril hindi ko naramdaman ang sakit
Namalayan ko nalang na nakahandusay nako sa sahig a tinitignan pako ng lalaki
"Ano ang ginawa mo sa kaniya drake "sambit ng taong mahal ko
"Mike wag kang susuko mahal na mahal kita"iyak na sambit niya
Ngumiti naman ako dahil hinawakan niya ang mga kamay ko at sinabing mahal niya ako
Habang unti-unti kong pinipikit ang aking mga mata ay bumabalik saking alaala yong mga panahong masaya pa kaming dalawa hanggang sa nabawian nako ng buhay at doon.....Doon nako namahinga at doon na natapos ang buhay ko sa mundong ito
Magiging masaya na siya sa taong mabigay ang gusto niya dahil sino ba naman ako para sa kaniya ako lang naman yong taong mamahalin lang siya ng tunay at di ko matutumbasan ang mga bagay na binibigay sa kaniya ng iba...
WAKAS....