"1-2-3-4-5
Another week goes by, I'm half alive,
I'm getting sick of faking this, I'm over it,
Don't wanna wear no suit and tie,
I gotta live before I die,
So I'm done, done, done,
With this ordinary life!"
I ended the song with the last drumbeats and raised my drumsticks in the air. I gave the roaring crowd a wide grin lalo na nang mag-request sila ng another song. Ex, who's currently on the microphone, politely declined. That's our last song for the night.
Pagtayo ko ay nasa harap ko na ang nakangising si Ex. Kahit kailan, kahit saan, he's such a breathtaking view. I smiled back at him. Kinuha niya ang aking drumsticks at sinabayan akong bumaba ng maliit na stage.
"You didn't told me we're going to perform the song!" Malaki ang aking ngiti habang pababa kami.
"What's the use of a surprise kung sinabi ko?" Nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin ng patagilid.
"Well, paano pala kung hindi ko alam itugtog?"
He sarcastically smirked a little.
"Kahit hindi mo alam, you can play it just listening to the song. You own that freaking drums like a certain part of your body. Besides, you can't fool me. That's your favorite band's song!"
Ngumuso ako dahil tama siya. He ruffled my hair while making faces at me. Damn he's so adorable!
Iginiya niya ako sa aming table. Doon ay may lumalapit parin na mga taga-hanga ng apat, not of our music, but of their faces. Napairap ako sa matangkad at sexy na babaeng halos kumandong kay Yu. At ang hangal, ang lapad pa ng ngiti!
"Isinusumpa ko, that playboy," bulong ko kay Ex habang tinuturo si Yu, "will someday fall in love. At lahat ng kalokohan niya ay babalik sa kanya!"
Tiningnan ko pa ng masama si Yu at ang babae nang napansin kong hindi nagsalita si Ex. Lumingon ako sa kanya. Nagtataka ko siyang tiningnan nang makitang seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Nag-iwas siya ng tingin tapos ay halos pabulong na nagsalita.
"If that's the case, I think I should be punished more, huh."
Natigilan ako sa kanyang sinabi sabay napairap. I forgot he's a lot more of a playboy than Yu! At katibayan noon ang tatlong babaeng palapit sa aming table!
I know those girls! Palagi iyang sumusulpot sa mga gig namin sa high end bars. High class bitches. At dumiretso na nga ang tatlo kay Ex. Yes, tatlo talaga!
I saw Ex stiffened on his seat, tightly close his eyes and then looked at me with fear.
"Babe! Long time no see! We missed you so much!" Matinis ang boses ng isa sa kanila at yumakap kay Ex ng mahigpit.
Hinila ng isa sa kanila ang babae upang mapahiwalay kay Ex at siya naman ang yumakap dito. My God, I wonder whose enjoying the view sa likod nila dahil sa pagtuwad nila ng ganyan para mayakap ang nakaupong si Ex.
Lumingon ako at nakita ko ang nakangising mukha ni Yu at Zee sa likod. f*****g perverts!
Tapos ang pangatlong babae naman ang yumakap kay Ex. Literal akong napapikit nang halikan nito ang tila naestatwang si Ex sa labi!
Napadilat ako nang may marinig na ingay. Doon ay nakita ko ang nakatumbang silya ni Ex, malamang dahil sa bigla niyang pagtayo. Nakakapit siya sa magkabilang braso ng babae, hindi ko alam kung para ba ilapit o ilayo ito sa kanya. Nakita ko ang mabilis na pagbaling ng ulo ni Ex sa akin. Fear is visible in his beautiful eyes.
Tila naman nanuyo ang aking lalamunan at hindi ako maka-react maliban sa pag-iiwas ng tingin. Don't worry, Ex. Sanay na ako diyan. Ilang taon kong sinanay ang sarili ko. Ilang taon mo akong sinanay.
I heard Ei's tsked and saw him gently shook his head on Ex's direction. Tapos ay tumayo siya. Sa aking gulat, he held my wrist at sinama ako sa pagtayo.
"Seems like you'll all gonna be busy. Ihahatid ko na si Elle, its already late."
Kinuha niya ang kanyang susi sa lamesa at mabilis na hinila ako palabas bago pa makareact ang kahit na sino.
"Elle, wait!"
Nasa labas na kami nang marinig ko ang kanyang boses.
Ilang beses nang nangyari ang ganitong eksena. Na pag sa tingin Ei ay hindi ko na kaya, he'll stand up and take me away. Sa bawat pangyayari na iyon, I wished to hear his voice stopping me from leaving. Every time I wish of that, wala akong boses na naririnig. But this time... I didn't know that If that wish will happen, It will be this painful. Hindi ko alam kung bakit ang sakit. Ang sakit marinig ng boses niyang ang tagal kong hiniling marinig.
"I'll take her home." Nanginginig ang kanyang boses. Hindi ko alam kung dahil ba sa hingal pagtakbo o ano.
"Are you sure?" Naghahamon ang boses ni Ei.
Hindi ako makatingin pareho sa kanila. Dahil hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaksyon.
"Are you sure this time, Ex?"
Napatingin ako kay Ei nang magtaas siya ng boses. Hindi mataas na pasigaw. Mataas lang sa karaniwan niyang pananalita. Matagal silang nagkatitigan.
"Never been this sure." Pagalit na sabi ni Ex, at hindi ko na alam kung ang paghahatid pa din ba sa akin ang kanilang pinag-uusapan.
Naglakad pabalik si Ei sa loob. Naiwan kaming dalawa doon na hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Ei can take me home. He always do that anyway."
Gusto ko lang magsimula ng usapan ngunit tila naging pasaring pa iyon.
"Well, I can take you home from now on." Medyo pagalit ang kanyang boses kaya napatingin ako sa kanya.
Madilim ang kanyang tingin sa akin at nagtaka ako kung bakit siya pa ngayon ang nagagalit.
"I'm sorry." He said inside the car while driving. I heard him sighed again for the countless times.
"For what?" Nakatingin parin ako sa labas ng bintana mula pa kanina.
"I know that scene earlier hurt you—"
Sarkastiko akong napatawa.
"Paano ako masasaktan ng isang bagay na nakasanayan ko na? I've seen that scene too many times, Ex. So many times that I don't feel anything anymore."
Gulat akong napatingin sa kanya nang bigla siyang magpreno.
"What the hell, Ex!"
Kung wala akong seatbelt, malamang ay nasubsob na ako sa dashboard!
"Take that back."
"What?" Nalilito kong tanong.
"Take that back!"
Lalo akong nalito sa kanyang ekspresyon na tila halong pagmamakaawa, takot at galit.
"Take what back?" Nagpapanic ang aking tinig nang tanggalin niya ang kanyang seatbelt para ilapit ang sarili sa akin. Nakasandal na ako ng sobra sa pinto ng sasakyan sa paglayo sa kanya.
"That you can't feel anything anymore." He said with a hoarse voice.
Nakatukod ang isang kamay niya sa aking gilid sa pinto ng sasakyan at ang isa ay sa sandalan ng passenger seat. Halos maduling ako sa lapit ng kanyang mga mata. Then I'm lost. Ganoon lang, nawawala na ako sa aking katinuan. Ito ba ang wala nang maramdaman, Christian Hennares?
"I can't feel so much jealousy and hurt, anymore. That's what I meant." Sabi ko sa mababa at halos pabulong na boses.
Bumuntong-hininga siya ng malalim at naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Habang nakatingin parin sa kanyang mga mata, nakita ako ang pagbaba ng kanyang tingin sa aking mga labi. I unconsciouly licked my lips and then felt stupid by doing so.
He hold my nape with one hand and I closed my eyes. I don't know if what I felt was disappointment when I felt his lips on my forehead. Yeah, its the only kiss I can receive from him.
He hugged me so tight after that. So tight I can hear the beating of our hearts.
"I can still make your heart beat this way?" He murmured on my hair. Kahit pa nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg, I can sense his smile.
"Do I need to answer that?" When its this obvious?
"I can still make you feel something, then."
You make me feel everything. Sadly, everything includes hurt, pain, insecurities and a lot more.
Kinabukasan ay maaga ang usapan namin sa studio. I was about to open the door when I heard my name.
"I told you to f**k with every girl in town but not Elle, Ex!" Galit na sabi ng pinsan kong si Ate Janine. She's also our manager.
"Don't talk about Elle like that!" Mataas ang boses ni Ex sa pagsagot sa aking pinsan. Kahit kailan ay hindi siya nagtaas ng boses sa aming manager.
"I'm not saying f**k as in f**k, Christian! Iyan, puro ganyang ang laman ng utak mo tapos maiisip mo na namang isali si Elle sa mga kagaguhan mo sa buhay? Alam mong ikakasira niya ito! Ikakasira niyo lang ito!"
"How many times do I have to repeat that I will not f**k this up, this time?" He sound so frustrated and I want to go to him to calm him down.
"No, Ex! Kahit ano pa ang sabihin at isipin mo, you're bound to f**k this up! It happened before. It will happen again. Sinabi ko na noon na i***********l ko na at ng kompanyang ito ang relasyon sa pagitan ng miyembro ng isang banda. Lalo na kayo! You almost disbanded more than one year ago because of this! Ni hindi pa nga kayo umaangat, pabagsak na kayo!"
"Manager Jan, I promise you. Hindi na mauulit ang noon. I've learned from that. Please."
Kung ako si Ate Janine, nakumbinsi na ako ng nagmamakaawa niyang boses. Siguro nga ay sa akin lang siya may ganoong epekto.
"No. And that's final. You want Elle? Quit the band. That's the only way you can get her."
"Ate Jan." alma ni Zee na nasa loob na rin pala.
"This rule is absolute. Walang patutunguhan ang banda na ito kung lagi niyong paiiralin ang mga emosyon niyong ni hindi nga kayo sigurado. I'm not wasting my time, money and effort for unprofessionals."
Hindi ko na kinaya ang lahat ng masasakit na sinasabi ng aking pinsan. Yes, we're driven by our emotions sometimes pero alam namin ang aming talento. She can't just insult our passions dahil lang dito.
I opened the door and all eyes set at me. Nakita ako ang gulat sa mukha ni Ate Jan. She's my cousin, yes. She's concern about me, but I don't want this kind of act.
"I'm quitting the band, then."
Tila bomba ang lumabas sa aking bibig kung magulat silang lahat. Sarkastiko ang halakhak ni Zee. Halos sabay umiling si Yu at Ei. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Ex at ang madilim niyang tingin sa akin.
"No one's f*****g quitting." Mariin niyang sabi at tumalikod palabas ng pinto.
I looked at my cousin and she shook her head at me in disappointment.
"I thought you quit on being stupid, Elle."
Well, I thought so, too.
××
031717