Chapter 29 Habang naghahanda ang lahat sa showcase mamaya ay hindi ko maiwasan na mangamba at matakot para sa sarili ko. Do I have to do this? Can I really do this? Habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin ay may lumapit sa akin na isang kasamahan ko sa showcase na 'to. "Ayusin mo ang damit mo, Diana." Aniya at tinignan ako sa repleksyon ng salamin. Pagkatapos niyang maayos ang strap ng dress ko ay ngumiti ito. "Alam namin lahat na tutol ka dito, pero just enjoy yourself today. Minsan minahal mo rin ang pag baballet diba?" She asked my while still smiling. Kilala ko siya, it's ate Pauline. One of the older ones na kasama ko sa studio na 'to. Lagi ko rin siya kasama sa practice time at bigla ko namiss si ate Wena. Ate Wena went to the States at doon tapusin ang pag-aaral niya.

