Chapter 11 KINABUKASAN, hinatid na kami ni sir Harold dahil may kakausapin din siya sa dean namin at hindi ko alam kung ano kahit si Nate ay hindi alam. "Una ka muna, Diana. Si Nathan nalang ang sasama sa akin sa dean n'yo," sabi ni sir Harold ng makapasok sa eskwelahan. Mabuti nalang kumukunti ang mga media ngayon, dahil ilang linggo na rin silang pabalik-balik dito at wala naman silang makukuha dahil protektado si Nate sa aming security. Tumango ako bilang tugon kay sir Harold at nagpaalam na sila sa akin. Tinignan pa muna ako ni Nate bago tumalikod sa akin. Napataas ang kilay ko. Anong problema nun? "Kyla!" tili ko at kinawayan siya ng makita papasok sa entrance gate ng eskwelahan namin. Ngumiti ako ng may panunuya nang makita si Axel na nakasunod sa likod

