CHAPTER 6

1376 Words
Chapter 6     "Una kana, Nate." ngumuso ako at tinignan ang aking sapatos, nahihiya ako sa nangyari kanina. Sa bangayan ng dalawa.     "What? Mas pinipili mo siya kesa sa akin?" nanlalaking mata niya akong tinignan at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.     Tinignan ko ito ng masama. "Listen, I'm sorry for what happened earlier? Pero may gagawin lang ako ngayon, tapos na kitang samahan sa—"     Hindi pa natapos ang pagsasalita ay isang malaking kamay ang sumakop sa mukha ko para mapatigil sa aking pagsasalita. Ang laki ng kamay!     "Gagawin? Magdadate kayo ng unggoy na lalaking 'yon?" tumataas na ang boses niya ngayon, nagpapasalamat nalang akong konti nalang ang mga estudyante at minsan nalang sila dadaan sa exit gate sa likuran ng school namin dahil hindi na naka-tago pa ang mukha ni Nate.     "Unggoy?" bigla akong napangiti sa sinabi niya at tinutusok ang kaniyang tagiliran. Kinuha ko ang kaniyang kamay nakatakip sa akin.     "What are you doing?" kunot-noong tinignan niya ako at pilit lumalayo sa ginagawa ko.     "Nagseselos ka 'no?" seloso talaga nitong si Nate, sakaniya lang naman ako kahit ganiyan siya sa akin.     "Bakit naman ako magseselos? Kadiri mo mukha mo!" pinitik niya bigla ang noo kaya tinignan ko siya ng masama habang hinihimas sa sakit.     "Ang sakit 'nun!" angil ko at inirapan siya. Masakit ang pagpitik niya sa noo ko at masakit din na sinabihan ka ng mahal mo na kadiri ang mukha ko pero mahal ko pa rin siya.     "Personal assistant lang kita, kadiri 'yang selos ang pinagsasabi mo." umirap ito sa akin at tumingin sa malayo.     Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. "For your information, hindi mo ako personal assistant. Tinutulungan kita hindi dahil sa kahilingan ni sir kundi ayoko din masira ang grupo niyo. I'm just your fan girl." humina ang boses ko sa sinabi ko sa hulihan, totoo naman talaga I'm just his fan girl.     Tumalikod ako at nilingon siya na may malaking ngiti. "Pinatawag lang ako ng lolo ko, don't worry tutulungan pa rin kita. Ingat ka, Nate!" kumaway pa ako bago ako naglakad palayo.     Pumikit ako at napailing sa nakitang mukha ni Nate habang sinasabi ko 'yon. Para itong wala lang sakaniya ang pinagsasabi ko dahil nakatitig lang siya sa akin. Tinampal ko ang aking bibig. "Baliw ka talaga Diana, kung ano nalang pinagsasabi mo sa future husband mo."     Lumingon ako sa aking likuran at doon pa nagsimula ang kaniyang sasakyan bago ito mawala sa paningin ko.     "Don't worry, Nate. Tutulungan kita kahit ano 'mang mangyari."     Gabi na nang nakarating ako sa ballet center na pagmamay-ari sa aking lolo. Hiningal at pinagpawisan pa ako habang sinusuot ang aking ballet shoes, nakarinig na ako ng mga musika kaya mas lalo lang akong kinabahan dahil nagsisimula na.     When I'm fully done to my hair and shoes ay tinakbo ko kaagad ang room at dahan-dahang pinihit ang pintuan.     Nanalaki ang mata ko ng bumukas ang pintuan at nakatayo doon si lolo na nakataas ang kilay at galit na galit akong pinagmasdan. Napatingin din ang iilang mga estudyante ni lolo sa loob.     Yumuko ako at pumikit. "I'm sorry, lolo. May sinamahan lang ako sa pag-enroll."     "Go to the other room, young lady!" sigaw niya kaya napapikit ako. Other room?     Nanlaki ang mata ko at tinignan siya. "Po?"     Not the other room, please. Kahit kinabahan ay tinignan ko sa mata si lolo upang magpakaawa. Ayoko bumalik uli 'ron. It's like a torture room.     May lumapit kay lolo at namukhaan ko kaagad na isa ito sa pinagkatiwalaan niya, si ate Wena. Isa sa matagal na estudyante ni lolo at para ko na rin siyang ate. Pumupunta ito rito upang tulungan si lolo sa pagtuturo sa mga bagong estudyante kahit na isa na itong famous ballet dance sa ibang bansa.     "Ako na po bahala sakaniya." Ate Wena interrupted kaya napalingon si lolo sakaniya.     "No, kailangan turuan ng leksyon ang batang 'to. Kung hindi gagaya ito sa ama niya." matigas nitong sabi kaya doon na ako napatingin sakaniya.     Ano meron kay dad? Diba nagtatrabaho iyon sa labas? Alam kong hindi ko na ito nacocontact pero sabi sa akin ni mom ay lagi silang nag-uusap gabi gabi at lagi akong kinakamusta ni dad.     Tatanong pa sana ako pero tumingin na ito sa akin at tinuro ang kabilang room. Nakayuko akong pumunta roon at napabuga ng hangin.     Pagkapasok ko sa loob ay para pa rin itong practice room sa kabila. Pero ang pinagkaiba, dito dinadala ni lolo ang mga pasaway at matitigas na ulo. Hindi kami paalisin dito kung hindi perfect ang aming isinayaw.     Napapitlag ako ng may pumasok na at nakita ko sa repleksyon ng salamin na nakapasok na si lolo na may dalang baton at tinignan ako ng masama.     "No eating for today. I already texted your mother na hindi ka papakainin."     Nataranta ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng baton ni lolo sa aking binti. "Tumataba kana, next time kapag makita ko ang timbang mo na tataas sa next evaluation. You're a dead meat young lady."     No foods? It's too harsh! Kaya ayoko mapupunta dito sa tintawag na 'other room' dahil sa mga ipinagbabawal at ang pagtatrato nito.     "Now," ipinapasok nito si ate Wena. "Turuan mo siya, huwag kang titigil hanggang sa hindi ma perfect ni Diana ang lahat."     Lumabas si lolo kaya napabuga ako ng hangin at tinignan si ate na parang naawa sa kalagayan ko.     "Don't worry, hindi kita pahihirapan." pag-aalo nito sa akin kaya hindi ko mapigilang ngumiti. I'm really thankful na nandito si ate sa tabi ko kapag lagi akong pinag-iinitan ni lolo.     "Sana nandito si lola para awayin si lolo." pagjojoke ko pero sa totoo lang namimiss ko na ang lola ko.     She always wants me to be happy, lagi niya akong sinusupportahan sa mga gusto ko. Ayaw ni lola na sasali ako dito sa pagiging ballet dancer pero simula ng mamatay siya ay pinilit na ako ni lolo dito. Since nagtrabaho na si papa sa ibang bansa ay iba na ang trato nila sa akin. Pinagbawalan na ako sa lahat at dapat nakafocus lang ako sa aking pag-aaral.     Pagkatapos ng practice namin ay lumabas na ako at nagpasalamat kay ate Wena. Dali-dali akong lumabas upang hindi ako maabutan ni lolo, baka kung ano pa ang ipapagawa sa akin.     Habang naghihintay ng taxi sa labas ay may isang sasakyan ang huminto sa harapan ko. Napakunot ang noo ko dahil sobrang pamilyar nito.     Ibinaba nito ang kaniyang bintana at tumambad sa akin ang mukha ni Nate.     Tumaas ang kilay ko at tinignan siya. "Ano ginagawa mo dito?"     Kalma Diana, kalma lang bes. Huwag kang maharot ngayon dahil kasalanan niya din bakit ako nalate at pinagalitan ni lolo at binawalan ako kumain ng—     "Foods!" I exclaimed at tinignan siya pero tumikhim agad ako dahil nahiya ako sa reaksyon ko.     "Para saan 'yan?" pagmaang-maangan ko but deep inside, gusto ko kunin at kainin dahil binawalan akong kumain ngayong dinner.     Iniwagayway nito ang cellophane sa aking mukha. "Kung ayaw mo, akin na."     "No!" kinuha ko ito at umayos ng tayo. Dali-dali ko itong tinignan at agad akong natakam sa nakita. Take-out sa isang restaurant dahil nakalagay ito sa isang plastic tupperware.     Naramdaman kong lumabas si Nate sa kaniyang sasakyan at 'di ko mapigilang mapangiti na nakasuot na ito ng kaniyang mask at cap. Takot rin pala 'tong lalaking 'to sa mga tao na baka dumugin.     "Uuwi kana? Ihahatid na kita." aya nito kaya napatingin na ako sa kaniya na may panunuya. Bakit ang bait nito sa akin?     "Look, I'm sorry kung nasaktan kita." bulong nito kaya hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin.     "Paano mo nalaman na nandito ako?" bigla kong tanong at napatingin sa dala.     Narinig ko ang pag buntong-hininga nito at yumuko. "Pagkaalis ko nakita ko ang unggoy mong bestfriend at sinabihan ako tungkol diyan." tinuro niya ang ballet school ni lolo.     "Kasalanan ko at bakit na-late ka."     Nag-alala si Nate? Yung puso ko biglng tumibok ng malakas at naramdman ko nalang na pinaypayan ko na ang aking mukha dahil nag-iinit ito dahil sa kilig.     Lumingon-lingon ako sa paligid dahil nahihiya ako at nadatnan ko si Gabe na papasok sa loob ng ballet class kaya hinila ko si Nate papunta kay Gabe.     "Gabe!" sigaw ko at kumakaway.     Nanlaki ang mata nito at napatingin sa akin. I darted my eyes at nakita kong may dala itong cellophane kaya hindi ko mapigilang mapangiti. He knew.     Alam niyang kapag malate ako ay hindi ako papakainin ni lolo.     "Kain tayong tatlo sa labas." I smiled sweetly.     I don't know balit ko iyon naisipan but I'm thankful dahil may mag-alala pa palang tao sa akin at gusto ko kalimutan ang sinabi ni lolo tungkol kay dad. I want to forget it. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD