Nagulat ako ng may bouquet of flowers nanaman sa desk ko, nitong nakaraang araw ay wala akong natanggap na ganito hindi ko alam kung bakit..hindi naman sa na-dissapoint ako or what nagtaka lang talaga ako. "Wow Shania buti nagparamdam ulit yang secret admirer mo." sabi ni Carie "Nako kung ano-ano nanaman yang sinasabi mo." natatawang sabi ko Tinignan ko yung bulaklak at nagulat ako ng may nakita akong isang card doon, binuksan ko iyon at nabasa kong 'I'm sorry' ang nakalagay. "Bat sorry yung nakalagay dyan gurl?" tanong ni Carie na hindi ko alam na nakasilip na pala sa card. "Ewan ko nga rin eh, hayaan mo na nga yan at magtrabaho na tayo." sabi ko naman Tulad ng dati ay subsob ako sa trabaho at pagtipa sa computer, bigla namang pumasok sa utak ko ang nangyari kahapon sa elevator...yu

