Masaya at magaan ang pakiramdam na nagising ako ngayon dahil alam kong okay na kami ni Grae at nasabi ko na sa kanya ang lahat-lahat. First time itong nakaramdam ako ng kaginhawaan sa paggising ko at sana ay magtuloy-tuloy ito. Tulad ng dating gawi ay nagluto muna ako ng almusal ni Grae pero hindi pa din siya bumababa kaya naman napagpasyahan ko na siyang silipin sa itaas. Pag-akyat ko at pagbukas ng kwarto niya ay wala siya don. Ang aga naman ata niyang umalis. Bumalik ako sa ibaba at kumain nalang mag-isa at tulad ng dating gawi ay naglinis na ako ng buong bahay. ~•~ Alas-dose na ng gabi pero hindi parin umuuwi si Grae. Papikit na ang mga mata ko pero wala parin siya, hanggang sa namalayan ko nalang na nakatulog na ako sa sofa. "Yes,I want it as soon

