SIMULA nung araw na nagkaaminan kami ni Grae ay sobrang laking pagbabago ang naganap sa pamilya namin dahil ngayon ay ramdam kong kompleto at isang masayang pamilya na talaga kami. Nagising ako sa mumunting halik sa aking pisngi at minsan sa labi hinawi ko kung sino man yon at nagtaklob ng kumot. "Baby wake up" sabi ni Grae at pilit na hinihila ang kumot kaya hinayaan kona tangayin nya ito dahil alam kong mangungulit lang ito. Naramdaman kong hinalikan ako ni Grae sa labi ng ilang beses kaya dahil doon ay napamulat na ako at isang gwapong ngiti ang iginawad nya sakin. "Goodmorning baby" nakangiting sabi nya "Morning"sabi ko at ngumiti din. Bumangon na ako at umupo sa kama at doon ko napansin na nakasuot sya ng bussiness attire at doon kko naalala na simula ngayong week ay babalik na

