Luisa Nakarating ako sa lugar kung saan ang usapan namin ni Charice. Dala dala ko ang mga pagkain at ibang gamit na pinadala ni Alex. Kunwari ay pasalubong ko ito sa kanila. Pinagdasal ko na huwag magpakita si Charice sa lugar upang hindi matuloy ang maitim na binabalak ni Alex ngunit natanaw ko ito sa labas ng restaurant na lulan ng taxi. Agad kong sinulyapan ang mga tauhan ni Alex na nakamasid lang sa labas. Nang makita kong papalapit ang tauhan ni Alex dito, agad akong tumayo at sinalubong ito. “Friend” sigaw ko upang makaagaw rin ng pansin ng ibang tao. “Luisa” tili rin nito. Agad itong tumakbo palapit sa akin at inundayan ako ng mahigpit na yakap. Nakita ko rin ang tauhan ni Alex na lumayo sa lugar kaya agad kong inaya si Charice papasok sa loob ng restaurant. “Kamusta kana?” Bun

